He is my bestfriend Man

11 0 0
                                    

Naranasan mo na bang umibig
.
.
.
.
.
sa taong mahal din ng kaibigan mo? Mahal din niya yung kaibigan mo? I mean yung soon to be boyfriend ng Kaibigan mo?

Ako oo, hindi lang basta paghanga, minahal ko na siya eh, sobra, siya na nga laman ng utak ko palagi eh.

How did it started?

-----------

Omgggg it's the first day of my college lifeuuuu. Kinakabahan ako, ano kaya ang mga kaklase ko? tao ba sila o alien? biro lang..hahaha!!

So ayun na nga first day of class may mga new faces ako na nakikita sa mga kaklase ko. Malamang Louise ha!! Naku!!

May nahagip akong mga siguro pitong estudyante na bago sa paningin ko, but only one caught my attention.

Yung lalaking nakaline sa panghuli. Mataas siya, naka white printed shirt at maong na pants, nakasapatos siya na white at nakasuot sa kaniya ang blue jansport bag niya. Eyy don't get me wrong ha, hindi ko siya type, malakas lang talaga yung appeal niya para saakin.

Agad din namang nalihis ang paningin ko sakaniya nang makita ko ang crush ko. Oo crush, noong highschool ko siya naging crush, luh ang landwae ko ba? hehehe!! Varsity player kase siya sa school namin date

-------

So ayun na nga naging classmate ko si Kuyang malakas ang appeal. Isa din pala siyang Medicine student. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Mattew. So ayun matalino siya at sporty din siya, basketball player siya sa school nila dati. Mabait din namn siya at palakaibigan. Naging close na nga kami eh.

Andami ding nagkakacrush sakaniya. Hay naku  mga babaitang ito!! Taken na yan uyy!!

------

"Tara nood tayo ng try out para sa basketball, balita ko si Mattew sasali eh" aya saamin ni Kate

"Ehem Pauline" pagpaparinig ni Angelica sakanya.

Si Pauline Antonio, kaibigan namin siya, at 4 na araw  lang siyang pumapasok kahit na 1 week nang nagsimula ang klase, nagka lagnat kase siya. Siya pala yung crush ni Mattew. Aaminin ko naiingit ako sakaniya kase siya 4 days palang pumapasok pero nagustuhan niya na kaagad, pero wafackles.

Tinawanan niya lang kami bilang sagot.

"Aysuusss Pauline kinikilig ka lang niyan eh" pabirong sagot ko sakaniya "Halika ka na dali at panoorin na natin siya" dagdag ko pa

"Hindi ka namn excited noh?" natatawang tanong niya

"Baka ikaw yung gustong makapanood kay Mattew ha" biro ni Kate

"Hala! si Guevarra kamo ang gusto niyang makita" biro ni Angelica saakin at sabay kiliti saakin

"Mga Echosera, hindi ko nga type si Matt eh" sabat ko pa

"Iingat sa mga sinasabi ha, minsan di rin natin alam" biro ni Pauline saakin

"Ano to lokohan?? Mga pinagsasabi niyo!" natatawang sambit ko

Matapos ang nakakabaliw na diskusyon, dumiretso na kami sa gym ng school para manood ng practice.

Pero may chance nga ba na magustuhan ko siya?? Pero parang hindi ko naman feel eh.
Pero malay mo? Hay ano ba erase erase!!

Ang galing mag basketball ni Matt grabe, may pa three points pa siya.

---------

"Hindi ka ba magre recess?" tanong ni Kate saakin

"Tinamad ako" sagot ko at nagsukob sa mesa ko

"Pati pagkain kinatatamaran mo" biro ni Pauline saakin

He Is My Bestfriend Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon