Axii's P.O.V:
Nandito na naman ako, kasama ang mga kaibigan ko. Sina margarita,tequila, whiskey, beer, at pulutan. Yes, tama kayo, sila ang mga kaibigan ko ngayong gabi. May mga kaibigan din naman ako,di din naman ako tulad ng iba diyan no? Friendly din naman ako kung tupakin ako. Okay back to the topic. Sila ang pinupuntahan ko tuwing ako'y sawi. Pinupuntahan ko din naman mga kaibigan ko, pero busy sila eh, kaya dito na lang muna ako. Sabi nga nila, parang band-aid din yung alak. Di yung basta may alak, may balak ha? Hindi ka makakaramdam ng sakit kahit isang gabi lang. Plus! Mailalabas mo pa lahat ng hinanakit mo sa isang tao. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi iiyak kapag walang nakakaiyak na feel ko talagang umiyak at hindi ako iiyak kapag hindi ako lasing. So, kapag nalalasing lang ako umiiyak. Gets? Kaya ang ginawa ko magdamag is.....Iyak,iyak,iyak,iyak,iyak,iyakkkkkkkk! Yaaaaakkkk na ang pess ko, mugto ang mata na parang kuwago na. Ewan, ba't ba kasi ang g*go ng mga lalake. At bakit naman kasi, sa tuwing tayo'y magseseryoso dun din hindi tayo seseryosohin ng sineseryoso natin. Pag sineryoso naman tayo, di din naman natin siniseryoso. Buhay naman, kailan kaya ako makakapagtagpo ng taong mamahalin at seseryosohin ako at vice versa din sakin? Ayyy! Tama na nga itong drama, makapagsayaw na nga lang. Dito ako ngayon sa bar, ewan kung saan to. Basta pumasok na lang ako dito eh.
Tugs,tugs,tugs! Ang sarap sa ears ng tugtog! Marami ng lasing at naglalampungan sa paligid. Bahala sila diyan, wala naman akong pake sa kanila. Sumayaw lang ako ng sumayaw. May lumapit sakin, hmmm, mukhang may balak ang mokong. Huwag ako! Haha papatulan din kita. Okay naman siya. Matangkad, mga hanggang balikat niya siguro ako. Tapos mestizo, mataas ang ilong atsaka. Chaka te! Kinabog niya pa ang pess ko eh. Walang kapimple pimple. Gosh!
"Hi!" siya
Hello! ako
Can I dance with you? siya
Yes! You can. Me sabay smile. Shoookkkk ang gwapo talaga, nagsmile din siya sakin. Ano ba yan, saluhin mo na panty ko,este yung puso ko pala.Ayun nag-usap lang kami habang sumasayaw. Random questions. Like pangalan, trabaho, mga hilig at gusto, atsaka samin na yun, hahaha. Nang napagod na kaming sumayaw ay umupo na kami sa table. Umorder siya ng drinks para samin, then, nagusap na naman kami.
Masaya siyang kausap, hanggang sa napunta kami sa lovelife ko daw? Ano daw yung status. At first natahimik ako. Peste naman kasi,naalala ko naman ang hayop kung ex! Minahal ko yun eh! Minahal, so it means past na okay? Si gwapong Drei na yung mahal ko noh? Ayy ang landi lang te? Kakakilala lang eh haha.
Ayun sinabi ko sa kanya na kakabreak lang namin,kaya nandito ako ngayon. At nagulat ako sa sagot niya ha! Kakabreak din daw nila ng gf niya. Ang bobo naman nung girl pinakawalan niya tong si kuyaaa! Ang bait kaya atsaka harmless, plus gwapo at masarap pang kasama. Pinagusapan lang namin yung mga nasira naming relationships este relationshit siguro yung sakin. And we become friends na. Hinatid niya pa nga ako, sa condo ko eh. Oh diba! May sariling kotse pa siya. Yieee kilig si ako, may pakiss pa siya sa cheeks before umalis. Kaya ayun, hindi naging malungkot ang buong araw ko. Nakatulog akong, may ngiti sa aking mga labi.
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
Short StoryWhen love falls apart, where do broken hearts go? Is it in disneyland, where you will meet your prince charming? Maybe, in London where you will see your king? France, where the place you'll find your true love? Or in Korea, where there are more opp...