Chapter 10

27 6 0
                                    

AMIRA'S POV

Nakaupo lang ako dito sa hagdan habang yakap ang mga tuhod ko. Magtatanghali na pero hindi pa rin dumadating sina tita elisa. Nabanggit kasi ni nanay, na hindi din pinapunta ni tita sa hospital, na uuwi siya ngayon para magpalit at kunin ang mga gamit ni papá.

Ngayon sasalubungin ko siya at makikiusap na sumama. Wala na kasi si bestfriend. Hindi ko na naabutan kaninang umaga. Kasalanan ko din kasi hindi ako nagpakita kahit na ilang beses siyang kumakatok sa kwarto ko. I just realized about Mr.linc told me. Sorrrry bestfriend!!

"Miss amira" tumingin ako kay yaya na may hawak na tray ng pagkain at inabot sa akin. Tinanggap ko yun at nilagay muna sa lap ko. Hindi pa ako nakaligo at nakapagpalit ng damit.

"Miss amira you're hands are not clean yet" pinagpag ko lang ang mga kamay sa gilid kaya napakamot na lang sila at pinagbuklatan lang ako ng payong.

Hindi pa nawawala ang lagnat ko kaya sina yaya nakatayo sa gilid habang binabantayan ang bawat galaw ko. Apat naman sila kaya ayos lang sa akin pero mawawala na sana 'to kagabi eh kung hindi lang pinasama ni mr.linc ang loob ko!

Nabanggit naman na siya. Nakatayo din siya sa likod para masigurong hindi ako makalabas!! I'm totally turned off! Nakakainis pala siya. Buong magdamag niyang hindi inalis ang mga mata niya hanggang sa magising na lang ako!

"Huy weirdo! Umalis ka nga dyan sa daan nakakasira ka ng view! Dadating ngayon ang friends ko!" lumingon ako kay nathalie na nasa likod ko. Sa tabi ni mr.linc.

"You can't bring friends here nathalie" medyo napapaos na sabi ko. Nagcross arm siya tsaka tinaasan ako ng kilay.

"Papá is not here so don't ever tell him or else you will live in hell" nilagay ko sa gilid ang tray at bahagyang humarap sa kanya.

"Sono ancora piú vecchio di te (I'm still older than you)" umayos siya sa pagkasandal habang bakas sa mukha ang pagtataka. Napatingin ako kay Mr.linc na alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko.

"Stop that!! Alam ko yang mga tingin mo!"

"Non puoi spavarmi (you can't scare me)" nagsalubong ang mga kilay niya kaya matamlay akong tumingin sa sahig.

"Baliw ka"

"In korean, neoneun naleul nollage ha su eobsda In chinese, ni bùnéng xià dào wo. In japanese, hi o osoreru ko wa deki mase--in short isusumbong pa rin kita"

"Ahhh baliw baliw baliw baliw baliw baliw baliw!" hindi ko na siya pinansin at napatingin sa itaas ng guard house.

"Oh?" tumuwid ang likod ko nang makita ang ibon. Parrot ko! P-paanong--?!!!!

Huminto siya sa may bubong kaya nagtaka ako. Mabilis kong kinuha ang cookies sa tray tsaka dinurog yun at tinapon sa harap. Nakawala siya nung ginulo ni tita ang kwarto ko!!

"Amira! Amira!" tumayo na kasi ako nang mapansing parang nanghihina siya ooohhh saan siya galing???

"Miss amira!" hindi ko pinansin sina yaya at pumunta sa harap ng guard house.

Tinaas ko ulit ang cookies dahil baka bababa siya ng kusa. Hindi siya gumalaw at parang tinutuka lang ang pakpak niya.

Nilibot ko ang paningin at nakita sa may ilalim puno ang maliit na hagdan. Kinuha ko yun kaya sunod nang sunod sa akin sina yaya.

"Miss amira they will scold us if they will caught you doing that, please" naiiyak na sabi nina yaya. Tinignan ko lang siya at umakyat na.

"HAHAHAHA BALIW!! Malapit na si mommy dito! Ano talaga yang nasa isip mo't gumagawa ka ng ganyan? HAHA dapat ka na ulit magpacheck sa utak!" sabi ni nat. Mabilis na hinawakan nina yaya ang hagdan at nagmamakaawa pa.

Someone's special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon