— Elizza —
Piniga ko ang bimpong nilublob ko sa malamig na tubig bago ko ito ipinatong sa noo ni Waves. Kumuha pa ako ng isa pang bimpo at nilublob din iyon sa tubig para naman ipampunas sa katawan niya.
Nahubaran ko na siya ng pantaas kaya malaya ko itong napunasan. Sobrang init ng singaw ng katawan niya at mataas din ang body temperature niya.
Iniisip ko tuloy kung paano siya nagkasakit.
Tinitigan ko ang guwapo niyang mukha habang patuloy pa rin sa pagpunas sa kaniya.
Napakaamo niyang titigan kapag tulog siya. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya sa kabila ng masasakit na ginagawa niya sa 'kin. Kahit papaano ay naaawa ako sa kaniya.
“Do I really deserve this, Elizza?”
No, “we” don't deserve this.
Mag-annul na lang kaya agad kami?
“W-What...”
Nabalik ako sa huwisyo nang bigla na lang hawakan ni Waves ang kamay ko. Napatigil ako sa pagpunas at napatingin sa mga mata niyang nakadilat na pero pupungay-pungay pa.
“W-What are you doing?” sobrang hinang tanong niya at parang nahihirapan pa.
“P-Pinupunasan lang kita ng malamig para kahit papaano ay bumaba ang lagnat mo,” sagot ko at tumikhim.
Binawi ko ang kamay ko at kinuha ang hinanda kong gamot na nasa side table lang.
“Uminom ka na ng gamot,” sabi ko at hinawakan siya sa braso para tulungang makaupo.
Mukhang hinang hina kasi siya, e.
Hindi siya sumagot pero kumapit siya nang mahigpit sa balikat ko para makaupo siya. Bumuga siya ng hangin at naramdaman ko ang init niyon.
“Bakit ka ba nagkalagnat? Ano'ng ginawa mo?” tanong ko habang isinusubo na sa kaniya ang gamot.
Nagpapasalamat ako at hindi siya tumatanggi ngayon. Hinahayaan niya lang ako sa ginagawa ko.
Umiling siya bago sumimsim ng tubig sa baso.
Kahit gaano pa talaga kalaki ang katawan niya, kapag nagkasakit siya, bagsak siya sa kama. Halos hindi niya nga kayang umupo nang mag-isa ngayon.
Ganiyan na ganiyan din ang kuwento ni Azzile sa 'kin noon. Kaya kilalang kilala ko na si Waves, e. Lagi na lang kinukwento ng kambal ko.
Dahan-dahan siyang bumalik sa pagkakahiga at pumikit nang mariin.
“I'm sorry, Waves...”
Dahan-dahang dumilat ulit ang mga mata niya at napatitig sa akin. Wala siyang sinabi.
Huminga ako nang malalim bago kinuha ulit ang bimpo at pinunasan siya.
“Sorry para sa lahat ng nangyayari sa atin. Alam kong masakit kasi nasasaktan din ako.”
Napayuko na lang ako nang hindi niya 'ko pinansin. Pumikit lang ulit siya kaya tinigilan ko na rin ang pagpupunas sa kaniya.
“May gamot pa rito sa study table mo. Inumin mo na lang ulit mamaya para gumaling ka na.”
Tatayo na sana ako para umalis pero agad din akong natuod nang hawakan niya ang kamay ko na parang pinipigilan ako.
Napigilan ko saglit ang paghinga ko bago dahan-dahang lumingon sa kaniya. Nakapikit pa rin pala siya.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...