Chapter 15: Over

16.4K 388 55
                                    

— Elizza —

    Bumuntong hininga ako.

    Ilang buntong hininga na ang nagagawa ko ngayong araw. Pinag-iisipan ko kung yayayain ko ba si Waves na samahan akong magpa-check up ngayon.

    Pero dahil nag-away na naman kami kahapon, heto, parang ayoko na lang. Siguro nga h'wag na lang, 'no?

    Sigurado namang hindi siya sasama. Wala naman siyang pakialam sa check-up ko. Ano pa ba'ng maaasahan ko sa kaniya? Sasabihin niya lang na may trabaho pa siya.

    Kapal ng mukha niya.

    Pinapahiya ko lang daw sarili ko kahapon kay tita? Napakaarte nila. Ako ngang puro Azzile ang narinig kahit wala siya rito ay hindi nagreklamo, pero sa simpleng yakap ni Joreld sa 'kin galit na galit na agad siya?

    Patawa.

    Napabuntong hininga na naman ako. Saktong naisip ko si Joreld kaya tinawagan ko siya.

    “Oh, Elizza. Napatawag ka. Kumusta pala kahapon? M-May ginawa ba sa 'yo si Waves? Sinaktan ka ba niya? Ano? Magsabi ka.”

    Heto na naman ang sunod-sunod niyang tanong. Nakakatuwa lang kasi bakas talaga ang pag-aalala sa utal-utal at pagmamadali niyang pagsasalita.

    E kung sabihin ko kayang sinampal ako ng magaling kong asawa?

    Huwag na.

    “Wala. Okay naman kami. Nag-usap lang, don't worry.”

    Sinungaling.

    “Are you sure?” paninigurado niya.

    “Yup.”

    “Buti naman. So, bakit ka napatawag?”

    Ngumuso muna ako bago tumingin sa wall clock. Mag-a-ala una na.

    “Puwede mo ba 'kong samahan?”

    “Ha? Sige, saan ba 'yan?” pagpayag niya agad.

    “Papa-check up sana ulit ako.”

    “Sure!”

    Medyo natawa ako sa mabilis niyang pagsagot. Parang excited kasi siya. Ngumiti na lang ako at tumango-tango.

    “Salamat, Joreld. Buti na lang nandiyan ka.” Asawa ko kasi walang kwenta. “Actually, kaya ko namang magpa-check up mag-isa pero gusto ko talaga na may kasama.”

    “Okay lang naman sa 'kin. Wala rin akong ginagawa ngayon. Pagod nga lang ako.”

    Kumunot ang noo ko.

    Walang ginagawa pero pagod?

    “Pagod? Pagod saan?”

    “Sa kaiisip sa 'yo.”

    Nakagat ko ang labi ko at napairap bigla. Huminga muna ako nang malalim habang pinipigilan ang pagngiti.

    “M-Mais,” mahinang sabi ko kahit hindi naman talaga corny.

    Ito talagang si Joreld, ang dami daming alam.

    Humagalpak siya ng tawa na ikinamaang ko. “Sorry naman. So, what time tayo aalis?”

    “Mga 2 PM. Sige na, mag-aayos na 'ko at mag-ayos ka na rin,” paalam ko at ibinaba na ang paa ko mula sa kama.

    “Okay, wait mo 'ko.”

    Matapos ng tawag, nag-ayos na nga ako ng sarili ko. Simpleng black hanging dress lang ang sinuot ko.

    Paglabas ko, as usual, tahimik ang buong bahay. Wala ngayon si Waves dahil pumasok siya. Okay na rin 'yon, ayoko nang makausap muna siya ngayon. Baka masampal na naman ako, 'di ba.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon