Chapter 20: Serves them Right

1.1K 51 8
                                    

Chapter 20: Serves them Right
~💖~

Mint's POV

Nang makalabas na kami ng CR ng girls ay di na namin napigilan at napahalakhak kami dahil sa nangyari.

Di ko makakalimutan ang itsura at reaksyon sa mukha ni Cindy sa mga ginawang pranks namin sa kanila.

Did i feel guilty? Of course... NOT. Tama lang yun sa kanila. It serves them right. Bakit, naguilty rin ba sila nung mga panahong binu-bully nila ako, kami ng squad ko? Hindi di ba. So the feeling is mutual.

Dahil hapon na naman ay mga extra curricular activities na ang mga pinagkakaabalahan ng mga estudyante. Like clubs.

Speaking of clubs... Oras na para sa last prank. And i will tell you guys kung ano ang mangyayari mamaya. Last week kasi ay nagpapractice na kami ng sayaw o routine namin para sa papalapit na anniversary ng university.

At dahil nga pabida ang half sister ko ay di sya nagpaawat na magkaroon ng solo part para magpaimpress sa mga students ng university.

At dahil mabait na president ako ay pumayag ako pero siempre dahil tuso rin ako ay may hinanda akong twist sa sasayawin nya. Today is the day of our recording schedule ng sayaw namin.

At ayun na nga... Sasayaw  ang members ng SDT as a group at sasayaw kami ng hiphop at ang alam ni Cindy ay nakacostume kami habang sumasayaw.

But it's not true, dahil ang suot dapat namin ay sa girls dapat nakacrop top na sweat shirt at leggings na black while the boys ay naka sweat shirt at black rip jeans. At dahil pabida si Cindy ay sigurado akong she will stand out dahil sa suot nya. Siya lang naman kasi ang kakaiba ang suot mamaya at ang matindi pa ay live na mapapanuod sa bawat TV screen sa buong university, lalo na sa field dahil naka projector so it means na mas marami ang makakapanuod.

I'm sure na magti-trending sya after this. Andito na kami sa studio and 5 minutes na lang bago kami magsimula.

At sigurado rin akong malilate nang dating si cindy dahil maliligo at mag-aayos pa yun dahil nga nabuhusan siya ng pintura.

Anyway, nagposition na kami sa assign formation namin. Naka-ready na ang lahat, nagsimula na rin ang music kaya sumayaw na kami.

Sure akong marami na ang nanonood na estudyante dahil naka air ito ng live. Malapit na ang part ni Cindy at nahagip naman ng mata ko ang pagpasok nya at nakita ko rin kung paano bumagsak ang panga niya dahil nakita niya na iba ang suot namin kaysa sa kanya.

Nilapitan ko naman siya.

"Oh Cindy, ang ganda mo ah. Ngayon ko lang napagtanto na bagay pala sayo yang suot mo noh. Oh music cue mo na yan, galingan mo ha." Sabi ko na mapang-asar at tinulak siya papuntang gitna.

Wala namang nagawa si Cindy kundi ang sumayaw na. Narinig ko naman ang mga bulong-bulongan ng mga ka-SDT members ko. Panay ang mahihinang tawa ng mga ito. Kung sila ay ganyan ang reaksyon ano pa kaya sa mga students sa labas.

Tiyak ako na pagpipiyestahan sya mamaya. And i can't wait to see that. Pagkatapos namang sumayaw ni Cindy ay agad itong tumakbo palabas ng studio kaya lalong nagtawanan ang SDT.

Napailing ako at in-off ko na ang live stream dahil tapos na rin naman na kami.

Pagkalabas namin ng studio ay puro chismisan ang naririnig ko at ang topic ay si Cindy.

Papunta na sana ako ng gymnasium ng biglang may humarang sa akin. Napataas naman ang kilay ko sa taong yun.

Oh... Si Josh pala.

"Can you please get out of my way, ang lawak-lawak ng dadaanan ay diyan mo pa talaga naisipang dumaan." Mataray kong sabi.

"Alam kong ikaw ang may kagagawan nung live stream." He said.

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon