Janine POV...
Huminto na ang sasakyan ni Jayde dito sa tapat ng bake shop ko. Maaga kaming umalis kanina ng pampanga,halos wala naman kaming imikan sa beyahe kanina. Ewan bigla akong nailang at the same time kinikilig about sa nangyari kagabi at halos buong beyahe namin hawak nito ang isang palad ko at panaka nakang hinahalikan niyon. Kaya lang halata ko din sa kanyang malalim ang iniisip nito.
"Ako na..!" Turan ko pa ng mag aalis na sana ito ng seatbelt,alam ko na kasi ang susunod nitong gagawin. Pagbubuksan ako nito ng pinto. Mabilis kung tinanggal ang seatbelt ko habang pinapanood niya ako. Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. "Mag iingat ka." Sabi ko pa at sinalubong ang titig niya sa aking mga mata. Narinig ko naman ang paghugot nito ng malalim na paghinga.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kaya agad ko itong ginawaran ng mariin na halik ang kanyang labi agad naman niya itong tinugon. Ilang saglit pa ay tinapos na rin namin ang mainit na halik na aming pinagsaluhan. Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang naggawad ng halik sa kanyang noo. Hindi ko na alam kung ano nang mangyayari pagkatapos nito,gusto ko ding makapa isip ng husto.
"Bye.." Tipid ko lang na tugon bago tuluyang lumabas ng kotse nito. Pagkatapos kong sinara ang pintuan ay tuloy tuloy na akong humakbang palayo at pinilit ko nang huwag syang lingunin. Mariin na lang akong napapikit ng marinig kung umalis na ang sasakyan nito. Maaga pa naman ay wala pa si Lisa sarado pa tong shop.. Tumuloy muna ako sa taas para makapag bihis na rin.
Ngayon ko lang naramdaman yung pakiramdam na parang hapong hapo ako na parang nalulungkot ako na hindi ko maintindihan. Miss ko kaagad si Jayde.. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagtungo sa kuwarto para ilagay ang bag ko. Pagkatapos ay nagpasyahan ko nang maligo. Pero bago ako makalabas naalala ko palang naka off parin ang phone ko sa inis ko kay Joseph kahapon. Kinuha ko ang phone ko at kaagad kung in switch on. Naghintay muna ako ng ilang minuto kong may nag message ba.
Bigla naman tumunog ang message alert tone nito. Ang biglang bumilis ang tibok ng puso kong nang mapag sino ang nag message..
'Sorry best sa lahat ng maling nagawa ko, uuwi na ako soon best. Na realize ko lahat ng mga sinabi ni Jayde sa akin nung nagpunta sya dito. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Babawi ako sa lahat. Mahal na mahal ko si Jayde.'Bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko ng mabasa ko ang message ni Frank sa akin. Uuwi na sya. At ako naman ang may malaking kasalanan sa kanya.
~~~~~~~~~~
"Hon..."
Mariin akong napapikit. Nang hawakan ni Joseph ang braso ko. Ngayon lang ito nagpakita isang linggo na ang nakalipas bago pa yung birthday ni Uno sa pampanga. Ni hindi makontak ang phone number niya. Ganun din si Jayde mula ng mahatid nya ako dito hindi narin nagpakita,hindi rin nagpapa ramdam. Ano bang nangyayari iniiwasan na rin ba nya ako pagkatapos nung nangyari? Gosh.. Sobrang stressed na ako at pansin na rin ito ng mga tauhan ko.
"Sorry hon, biglaan ang seminar namin sa Palawan.. Walang signal doon kaka balik lang namin halos. Kaya dumiritso na ako dito alam kong nag aalala ka na sa akin." Paliwanag naman nito. Hindi naman ako sa nag aalala,naiinis pwede pa siguro. "Kamusta pala yung dinaluhan mong party?"
"Nakita ko pala si Jayde sa airport, mukhang aalis yata sila nung kasama nyang babae,pero local airlines lang sila sumakay.""Ayos lang!" Walang gana kung tugon kunyari na hindi ko pinansin yung sinabi nito about kay Jayde. Kahit na parang may tumusok sa puso ko ng sandaling ito,kaya pala hindi man lang nagpaparamdam abala sa iba at may pa out of town pa. "Next time naman Joseph magpaalam ka kung saan ka pumupunta." Wika ko na para bang sa kanya ko binunton ang inis ko. Paano kasi nabanggit pa nya si Jayde parang nananadya lang.
"Parang hindi mo naman yun ginagawa." Narinig ko namang sabi nito. Naningkit tuloy ang mga mata kong nagbaling ng tingin sa kanya. Habang andito kami sa loob ng baking area. So,ginagantihan lang niya ako. Minsan lang naman nangyari yun na hindi ako nakapag paalam hindi ko naman na yun inulit pa. "W-what I mean is biglaan nga kasi yun!"
"Joseph hindi ko na alam.." Bigla nalang nag init ang sulok ng aking mga mata. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa relationship na ito. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Guilty ako dahil may kasalanan ako sa kanya, may nangyari sa amin ni Jayde.. Kaya lang bakit wala akong makapa sa puso ko na pinagsisihan ko yung nangyari.. Bakit sobrang nasasaktan ako ngayon sa nalaman kong may ibang kasamang babae si Jayde..
Bigla naman akong kinabig at niyakap ni Joseph ng mahigpit ng marinig nito ang aking paghinga.
"I'm so sorry hon. Hindi na mauulit.." Turan pa nito habang marahang hinahagod ang likod ko. Akala nito sya ang dahilan kaya ako nagkaka ganito ngayon."Pagod na pagod na ako Joseph.. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Garalgal kong boses. Isa pa kasing iniisip ko. Pauwi na si Frank. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng mangyari. Sasabihin ko ba ang tungkol sa pag amin ni Jayde na mahal nya ako at yung naganap sa aming dalawa? Kaya lang parang ayoko na din maniwala sa sinabi nito. Hindi ko na talaga alam.
"Babawi ako hon.. Sana huwag mo akong susukuan." Turan naman ni Joseph.. Paano ko sasabihin na ako naman tong nagka sala hindi sya.
"Joseph.." Turan ko sabay kalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya.. "Bigyan muna natin ng space ang bawat isa-"
"Janine bakit?" Tila naiiyak na rin nitong sabi.. Marahan lang akong napa iling.. Gusto ko lang hanapin ang sarili ko. Gusto kong tiyakin kong si Joseph pa rin ba ang nag mamay ari ng puso ko. Mahal ko na ba si Jayde! 'No it can't be'