Chapter 20

3.1K 82 5
                                    

Chapter 20

"Tinanong niya ako kung bakit hindi kami nagsabay ng asawa ko? Naguluhan ako. Wala naman akong asawa! Nang-iinsulto ba siya?"

Natawa naman sina Cyrsice at Vanna. Tuluyan nang umalis si Kelsey, hindi niya sinabi saaming kung saan siya pupunta pero ang sabi niya dito lang siya sa Pilipinas. Medyo nakakalungkot dahil kulang kami ng isa but if it will help her heal then maybe she needs to be away.

Nandito lang kami sa coffee shop ni Cyrisce. Hindi naman siya busy kaya may time siyang makipag kwentuhan saamin.

"Baka iniisip niya na asawa mo si Felix?" wika ni Vanna.

"Ay oo! baka nga. Hindi naman niya alam na kapatid-kapatid mo si Felix, though hindi naman kayo magkadugo pero parang magkapatid pa rin kayo." wika naman ni Cy.

Napaisip naman ako. Siguro nga...

Binaling na lang namin sa iba ang usapan. Natigil lang kami nang may tumawag kay Cy. Isang lalaki. She excused herself first saka nilapitan ang lalaki.

"Ikaw? hindi ka ba busy? may imo-model ka pang isang product hindi ba?" baling ko kay Vanna.

"Bukas pa iyon. Free time ko ngayon."

Bumalik na si Cyrsice sa upuan namin. Nakangiti ang loka, wala na ang lalakeng kausap niya kanina pero ang ngiti abot langit pa rin.

"Hoy! Sino iyon?" tanong ko.

"H-Huh? si Chasten lang iyon." she said nonchalantly.

Umuwi na rin kami. Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si Felix na nag-iinom sa may salas. Tanghaling tapat umiinom ng alak? Kailan pa nauso iyon? Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa kwarto ng anak ko. Naglalaro siya mag-isa gamit ang mga dolls niya. Nang makita ako ay dumiretso siya saakin at niyakap ako.

"Mommy, you're home!" she shrieked. Binuhat ko naman siya at hinalikan sa pisngi.

"Why are you playing here alone?" i asked her.

She pouted. "Mamita told me not to go down, because Tito's doing something bad."

Maybe she's referring to Felix drinking in the sala. Tumango na lang ako. Sinamahan ko na lang siya maglaro. Nang mapagod na siya ay nakatulog na rin bigla. Niligpit ko muna ang mga kalat niya bago ako lumabas ng kwarto niya. Pumasok na ako sa kwarto ko saka nagbihis. I took a nap, masyado akong napagod ngayong araw.

Nang magising ay lumabas na ako at bumaba. Nandoon pa rin si Felix umiinom. Aba't ang gago! may balak pa atang magpakalunod sa alak. Mag-gagabi na rin. Ano naman kaya ang problema niya. Nilapitan ko siya at umupo ako sa harap niya.

"Anong problema mo at nagpapalunod ka diyan? Kung balak mo magpakalasing sana sa bar ka na punta, makikita pa nang anak ko iyang pinaggagawa mo." i hissed.

Nakatulala siya, dahan dahan naman siyang tumingin saakin. Napailing siya at muling uminom ng isang baso.

"Umalis si Kelsey." sabi niya.

"Alam ko." sagot ko. Agad naman siyang napabaling saakin.

"Alam mo? Pero hindi mo man lang sinabi saakin?" he exclaimed. I sighed.

"She asked us a favor. Ayaw niyang malaman mo pero nalaman mo pa rin. Kung ano man ang problema niyong dalawa, bahala na kayo. Wala naman akong alam diyan, at problema niyo iyan. Hayaan mo muna siya, she needs space. Both of you needs space! Huminga muna kayo. You both need it."

"Sabihin mo saakin kung nasaan siya." sabi niya. Umiling ako.

"Hindi niya sinabi saamin kung saan siya pupunta. Huwag mo na siyang sundan, let her be. Babalik naman siya eh, and if ever that day comes...Mag-usap kayo. Clear things up."

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon