Chapter 21
I chose a mercedez car, it was a platinum gray mercedes-benz GLE class. Ang totoo niyan hindi ako ang pumili kun'di si Damien. May mga pinirmahan pa ako bago ko tuluyang makuha ang kotse.
Nang matapos ay nagpasalamat agad ako kay Damien.
"U-Uhmm...salamat sa paghatid saakin dito." medyo nahihiyang sabi ko.
"No problem. Sa susunod na walang magsusundo sa'yo o maghahatid tawagan mo agad ang asawa mo." sabi niya, pero hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita dahil sumakay na siya sa kotse niya at nagmaneho na palayo.
Napatingin ako sa bagong bili kong kotse. Napangisi ako, nice taste. At iyon na nga ang ginamit ko pauwi nang bahay, nagtaka pa sina mommy kung saan ko raw nakuha ang kotse.
"Binili ko iyan hindi ko kinuha!"
"Mommy i like your new car! It's cool!" wika naman ni Ice, napangiti naman ako.
If you only knew, Ice. It's your father who chose that car.
Kinarga ko si Ice at pumasok na kami sa loob nang bahay. Wala si Felix. Tanginang hayop na iyon! Saan na kaya nagpupupunta? I sighed, wala rin siya sa opisina kanina.
Pumasok muna ako sa kwarto para maligo at para makapagbihis ng pambahay na damit. My phone beeped as i went out from the bathroom. It was from our groupchat (Me, Vanna, Cyrsice and Kelsey.) Nagyayaya silang makipag-video call.
"Kelsey!" sigaw namin nang bumungad saamin ang mukha ni Kelsey.
"Miss na miss mga 'te?"
"Shit ka! Saan ka ba umariba huh? alam mo bang hinahanap ka na ni Budoy? Alam na niyang umalis ka pero hindi niya alam kung saan." sabi ko.
Nanlaki naman mata niya.
"Gago ka! sinabi mo?" Singhal niya.
"Hindi ah! Noong kinausap ko siya alam na niya. Tanong mo diyan sa dalawa!"
"Makasisi? Walang akong sinabi doon 'no!" Wika naman ni Cyrisce.
"Wala rin akong sinabi!" Si Vanna.
"Okay lang! Hindi naman niya alam kung nasaan ako eh. Anyway, baka nandiyan siya Shin ah! baka mahuli ka na kausap ako." sabi ni Kels.
"Wala siya rito. Kanina pa iyon actually. Medyo nag-aalala na ako, kanina rin sa kumpanya wala siya tapos hanggang ngayon wala pa rin." sabi ko.
She sighed.
Hindi na siya nagkuwento at iniba na lang ang topic. Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil may kaniya-kaniya silang ginagawa. Bumaba naman ako at saktong nakita ko si Felix na lasing na nakaupo sa sofa. I sighed, hindi ko alam na magiging ganito siya balang araw.
Hinagisan ko naman siya ng throw pillow. Nagulantang naman siya. Nasa kusina naman sina mommy at Ice, nagluluto.
"Umayos ka nga!" singhal ko sakaniya. Umupo ako sa katapat niyang sofa.
"Maayos naman ako ah?" lasing niyang sabi, pilit na tinutuwid ang pagkakaupo.
"Maayos? Mukha ba iyang maayos? mukha kang unggoy na lasing!" suway ko sakaniya. Hindi man kami magkadugo, tinuturing ko na rin siya na kapatid. Tinuturing ko na siyang kuya kahit may pagkagago siya. Kaya hindi ako sanay na ganito siya.
"Psh."
"Alam kong minsan may pagka-abnoy ka, at minsan para kang gago pero kahit ganoon ka nag-aalala rin ako sa'yo! kami! Kaya umayos ka. Kung ano man iyang nangyari sainyo ni Kelsey, hindi mo iyan maayos kung ganiyan ka! para ka ng pariwara. Ramdam kong mahal mo si Kelsey, pero sa tingin mo babalik siya na ganito ang lagay mo? Mukha kang adik!" singhal ko.
BINABASA MO ANG
Just To Get You
RomansaDesperatation can be too toxic but Shin doesn't care of what other people think as long as she get what she wants, and she wants him.