HALAGA🖤

2 0 0
                                    

Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.
Yung tipong ikaw mahal mo sya ng buo tapos nakikihati ka lang pala sa pagmamahal nya.
Hindi naman kita masisisi kase alam kong mas matagal ang pinagsamahan nyong dalawa.
Pero sana naman pahalagahan mo akong nandito at pilit na iniintindi ka.

Pasensya kana kong diko magawa ang mga bagay na naka sanayan mo sa kanya.
Wala parr ee, ibang-iba talaga ako sakanya.
Hanggang ganto lang ako, yun lang kase ang aking kaya.
Pero sana naman wag mo kaming ipagkumpara.
Kase kung mas better sya bat hindi sya ang nasa tabi mo ngayon diba?

Ilang ulit ko nang narinig ang sabihan ako ng tanga.
Pero sabi ko nga kung ang pagmamahal sayo ay pagpapakatanga edi sorry, ako na.
Alam kong mali pero wala ee mahal talaga kita.
Kinain ko yung sinabi ko na di ako mahuhuhulog sa pareho kong prinsesa.
Pareho kong prinsesa na bago pa ko dumating may tinuturing nang reyna.

Napaka sarap marinig ng mga matatamis na salitang lumalabas mula sa iyong bibig.
Napaka sarap sa feeling ng mga yakap mong ligtas at kay higpit.
Napaka sarap ulit-ulitin ng mga iloveyou at goodnight mo bago matulog tuwing gabi.
Napaka sarap sa pakiramdam ng mga matatamis mong salita ngunit mahal, may kirot sa aking dib-dib.
Alam ko kase na kahit naandito na ako, laging may 'SIYA' dyan sa puso mo kahit ipilit ko ang sarili ko.

Hindi ko alam pero bakit parang meron pang kulang?
Hindi ko alam pero bakit sa puso mo hindi ko sya kayang matumbasan?
Pinulot ko ang mga piraso mong sinira at dinungisan nya.
Sinira ka nya, binubuo kita...pilit pinupunasan ang mga luha mo habang sinasabing 'tahan na' , 'naandito lang ako kahit hindi ako ang kailangan mo', mahal kita.

Alam kong nakakasawa na, nakakapagod na.
Sya yung kailangan mo pero ako yung andito nagpapakatanga.
Gusto ko sana gumawa ng magagandang memories kasama ka ngunit mukhang lunod ka pa sa ala-ala nyong dalawa.
Mahirap ang mahalin ka lalo nat mahal mo rin ay iba.

Hindi lang ikaw ang tao sa mundo pero ikaw ang pinili ng puso ko.
Marami dyang iba pero binalewala ko para sayo.
Parang ikaw, ako yung naandito pero sya yung kailangan mo.
Natatakot akong mapagod at sumuko sayo.
Baka kase umabot yung oras na magsisi ko tas walang ikaw na susuyo para pabalikin ako.

Natatakot rin akong kumapit sa mga matatamis na pangako mo.
Baka kase sa ating dalawa ako nalang pala nag-aasam na tutuparin mo.
Pero sana habang nandito pa ko ako lang din muna mahalin mo.
Saakin mo din muna ibaling ang buong atensyon mo.
Ako kase Yung naandito ohh, Sya yung wala pero hinahanap hanap mo.
Baka sa kaka hanap mo sa kanya magsawa na rin ako at ni isa sa aming dalawa wala ng matira sayo.

P.S. Perstaym koto dont judge me🙈 Hope you like it😁

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HALAGA🖤Where stories live. Discover now