learn to love you

118 1 6
                                    

CHAPTER ONE

Isang nakakabulahaw na tunog ang gumising sa natutulog pang diwa ni Cordy.  Masyado siyang napuyat kagabi dahil napasarap ang kwentuhan nila ni Berrie at inabot na yata sila ng madaling araw bago pa makatulog.  Nakasanayan na ni Berrie na bulahawin si Cordy sa kwarto nito tuwing gabi.  At heto nga, puyat na naman siya.  At sigurado, kung siya man ay alas-otso na nagising kanina, mamaya pang alas-onse ito gigising.

“Hayyy,” hihikab-hikab habang patungo siya sa banyo para mag-toothbrush.  Bago pa man siya makapasok ng banyo ay biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

“Hoy Kurdapya!’’imbes na mag-good morning si Berrie ay ito ang bati nito.  “Ano ba naman Baruray, ang aga aga mong mang-asar.  Ni hindi pa man lamang ako nakakapag-sepilyo.  Gusto mong mahingahan ng dragon?’’ganti niya rito.  Palagi kasi siyang inaasar nito dahil napapangitan ito sa pangalan niya.  Actually, it’s Cordy from Corleen Dennise Constantino.  Siya na lang ang nagbigay ng nickname para sa sarili niya.  At ang totoo namang pangalan ni Berrie ay Barbara Del Prado na binansagan lamang niyang Berrie para daw sosyal-sosyal naman ng konte.

            “Himala yata at nauna kang magising sa’kin ngayon.  Anong meron?”tanong niya dito.  “Wala lang, masama bang gumising ng maaga?”balik na tanong naman nito sa kanya.  “Hay nako! Hindi ako naniniwalang walang dahilan.  Ako pa ang lokohin mong bruha ka.  Ano ngang meron, bakit kasi ayaw pang sabihin,”sabi niya rito.  “Bago ang lahat mag-tootbrush ka muna at naamoy ko na ang hininga ng dragon na napanisan ng laway!” panloloko ni Berrie. 

            Nagkakilala lang silang dalawa five years ago ng una siyang magtrabaho sa isang sikat na  Publishing Corporation, ang Love Romance Corporation.  Binigyan ng malaking break si Cordy nung ikalawang buwan niya sa kompanya bilang isang manunulat dahil nakakitaan na agad siya ng potential.  Ang una niyang nobela ay bumenta higit sa inaasahan nilang quota.  Kaya naman mabilis siyang sumikat sa larangang ito.  Pero ang offer na ito ay hindi lang para sa kanya,kundi  para sa isa pang napiling writer na kinagiliwan din ng mga mababasa. Walang iba kundi si Berrie. Dito ay pinag tulungan nilang dalawa ang pagbuo sa isang serye na higit pang nakapag-paangat sa kani-kanilang mga karera sa larangan ng pagsulat ng mga tagalog romance novel. At bunga nga nito ay ang Ponytail Series na talagang pumatok sa masa. 

“May lakad ako bruha.  Sad to say hindi kita pwedeng isama.  Since Saturday naman ngayon, magpahinga ka na lang.  O kaya, go somewhere and find your destiny.”dagdag pang-asar niya dito.  “Alam mo Baruray, hindi ko kailangang lumabas at hanapin sila.  Maraming nagkakandarapa sa kagandahan ko kaya hindi ako mag-aaksaya ng panahon para lang maghanap ng sinasabi mong destiny.”pagtataray niya.  “Ows talaga? Hindi ka rin naman masyadong mayabang bru.  Makapagligo na nga at napapayad ng hangin ang ganda ko.” Sabay halakhak ni Berrie habang palabas ng pinto. “Hoy! Wag kang haharap sa salamin at baka mabago ang paniniwala mong maganda ka!” sigaw naman niya.

Halos kalahating araw na ang lumipas pero wala pa ring siyang nasisimulang istorya.  Gulo-gulo na ang buhok niya dahil hindi man lang niya ito masuklay simula ng maligo siya.  Kahit pilitin niyang mag-concentrate ay hindi pa rin siya nakakabuo ng isang magandang scenario para sa kanyang bagong nobelang isusulat.  Minsan kasi, kapag sabay silang nagsusulat ni Berrie ay nagbi-brain storming din sila.  Minsan pa nga ang ideya ng isa ang nasusunod kesa sa sariling ideya. 

“Hmm.. ano kaya kung i-relate ko ‘tong nobela ko sa sarili kong buhay?  Tungkol sa babaeng walang manliligaw?” sabi niya sarili at napaisip.  “Nah! Ang panget naman.  Walang mag-e-enjoy na readers dito”. Lumipas pa ang tatlong oras bago siya nakabuo ng buod.  Halos gabi na rin dumating si Berrie sa bahay ng araw na iyon. 

            “Bru, halika ka na, bilisan mo at may ichi-chika ako sa’yo”, pagmamadali ni Berrie sa kanya na halos maputulan na siya ng braso sa paghigit nito.  “Bakit ba kasi?”, tanong niya.  “Eto ha, narinig ko kasi sa restroom kanina na nag-uusap si Ma’am Jenny at Lian tungkol sa pagre-resign ni Sir Maru bilang Editor-in-Chief.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

learn to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon