The End of the Beginning

6 0 0
                                    


Chapter One

“Hello, my name is Mary. How may I help you?”

Minsan talaga nakakapagod yung paggising mo sa araw-araw, iisipin mo kung ano kakainin mo sa umagahan, hanggang sa kinagabihan. Iisipin mo yung pera na meron ka pa, kung kakasya pa ba sa darating na isang linggo. 

Tumayo ako sa higaan ko na ganun na naman ang nasa isip, kung paano ako makakasurvive sa araw na ito at sa mga darating pa.

[PHONE RINGS]

“Ate, may konting extra ka ba diyan? Naubusan na kase ako ng pera eh, may bayaran kami sa school. Baka pwede namang makahingi ng kaunti.”

Napahinga ako ng malalim, may mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.

“Sige, gagawan ko ng paraan. Magkano ba kailangan mo?”

Kinuha ko yung wallet ko, sinubukang halungkatin ang aking bag na nagbabaka-sakaling mayroon pa akong makukuha sa kasuluksukan nito.

“350 ate, may libro kase akong bibilhin. Pipicturan ko nalang resibo.”

Nung bilangin ko yung mga perang natitira sa wallet ko, nasa 400 nalang pala. May pasok pa ako sa school ngayong umaga, at may pasok din sa trabaho mamayang gabi.

“Sige iiwan ko nalang dito sa ibabaw ng ref sa apartment, daanan mo nalang. May susi ka naman ng bahay eh.”

Napaupo akong muli sa kinahihigaan ko, tinitigan ang natitirang sengkwenta sa palad ko, iniisip kong hanggang kailan ko ito mapagkakasya.

Ngunit patuloy ang buhay, kapusin man sa araw na ito, ngunit ako’y naniniwala na makakaraos din ako, Dios naman ang maglalaan ng mga bagay bagay.

Pagkatapos kong maligo, agad ko na ring inayos ang aking mga gamit, pumunta ako ng kusina para muling tumingin sa mga pwedeng madalang pagkain, at sa swerte ay mayroong natirang biscuit, para makaraos sa araw na ito.

“Mary! Kayang kaya mo ito!” sabi ko sa sarili ko

Nagsimula na akong maglakad patungo sa aming unibersidad. Mabuting bagay na malapit lang ito sa inuupahan kong apartment, pwedeng pwedeng lakarin. Pero medyo mahaba habang lakaran nga lang, at marami ka rin namang makakasabay.

Habang naglalakad sa daan, may nakitang akong vendo machine, dahil wala pang almusal, agad ko iyong pinuntahan at tinignan kung magkano.

“Buti naman, 5 pesos lang tong kape. Sakto, wala pa akong almusal.” Kaya agad ko ng hinulog ang limang piso ko sa vendo at kinuha ang mainit na kape

Ngunit sa aking paglalakad papunta sa aking school, sakto namang nabangga ako ng isang estudyante sa sobra niyang pagmamadali, at natapon ang mainit na kape sa damit ko.

“Hala, ate sorry po! Sorry po!”

At agad na rin itong umalis, tinignan lang ako ng saglit pero ni hindi ako tinulungan. Ni hindi man lang ako tinanong kung okay ako. Isang sorry lang ang sinabi, hindi naman yun makakatanggal ng mantsa sa damit at sa paso sa katawan ko.

Nagtinginan lang ang mga tao pero ni isa ay walang gustong tumulong, ni walang gustong magtanong.

Ganyan naman ang mga tao eh, kung hindi ka kilala di ka bibigyan pansin, kilala ka man pero magwawalang bahala. Saka lang papasok sa eksena kapag naaagrabyado na o kaya’y talk of the town kana.

Hindi mo maasahan sa oras ng kailangan mo. Ni hindi mo makita.

Sobrang hirap lang talaga na mag-isa. Sobrang hirap na buhayin mo yung sarili mo, tapos tustusan yung kapatid mo, all by yourself. Nakakapagod, pero di ako pwedeng huminto, di ako pwedeng magpakalungkot, kase sino lang ba inaasahan ng kapatid ko? Ako lang naman.

Mary's SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon