"J-James..." marahan niya itong tinulak nang pakawalan nito ang labi niya.
James bit his lower lip. Umayos ito sa seat nito and resumed driving. They were silent until he parked his car in front of their house.
"Happy birthday..." bulong niya habang nakayuko at pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. "Nalaman ko lang kay Manang kaninang umaga... I didn't know..."
She heard him sighing. "It's okay... Thanks." anito.
"M-Mali 'to, James..." muli niyang bulong.
"I know." he answered.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Ilang sandali silang nagkatinginan. She mirrored the pain she saw in his angelic eyes.
"Pumasok na tayo sa loob." nanghihinang aniya at lumabas na ng sasakyan.
"Sino itong Attorney Ivy Noble?" it was her Mom.
Isang araw ay natigilan si Maia nang mapadaan sa study ng Daddy niya. Naririnig niyang seryosong nag-uusap ang parents niya sa loob mula sa kaunting bukas ng pintuan.
Nasa ospital na si James. Hindi naman siya pumasok nang araw na 'yon dahil medyo masama ang pakiramdam niya. She's stressed nitong mga nagdaang araw. Sa dami na rin ng mga gawain niya ngayon sa hospital. Abala kasi ang Kuya niya sa pamilya nito kaya ang ibang trabaho nito ay napupunta rin sa kaniya. Medyo maselan din kasi ang pagbubuntis ng asawa nito kaya kailangang tutukan.
"Judge Fidel Noble's daughter." ang Daddy naman niya iyon.
Eavesdropping is not good, ngunit hindi niya rin lubos maintindihan kung bakit parang may nag-uudyok sa kaniyang makinig pa sa pag-uusap ng mga magulang.
"What?" batid niya ang gulat at pagkabahala sa tono ng ina. "Ang akala ko ba ay si James lang ang..." her mother sighed heavily. "Lorenzo... Oh my god! Kung hindi lang kasi pinagtaksilan noon ni Elvira ang asawa niya."
"It's already done, Elizabeth. It's all in the past now-"
"Ang nakaraan na pwedeng ikasira ng mga dela Cuesta ngayon!" napataas ang boses ng Mommy niya.
She can hear her father blowing a loud sigh. "Hindi mangyayari 'yon-"
"How sure are you? May anak pa palang babae si Fidel! At hindi natin nalaman 'yon noon. Ang akala ko ba ay malinis ang lahat, Lorenzo-"
"Hindi ko rin alam! Walang may alam na may isa pa pala silang anak ni Eva Noble. Everyone thought na nag-iisang anak lang si James..."
Napatakip ng bibig si Maia. Hindi niya gaanong naintindihan ang mga narinig. But she's sure it has something to do with James...
Mabilis siyang umatras at tumalikod paalis when she heard her parents' footsteps na mukhang palabas na ng study.
Pumasok si Maia sa silid niya. Hindi niya namalayang nakatulog na siya nang hapong 'yon sa pag-iisip. Dala na rin ng medyo masamang pakiramdam.
Nagising lang siya nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa pisngi niya. Unti unti siyang nagmulat ng mga mata. "James?"
Ngumiti ito sa kaniya. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalala nitong tanong.
Umiling siya. "I'm feeling better now."
Bumalik sa kaniya ang mga narinig niya kanina mula sa mga magulang.
"Gagawan kita ng soup, gusto mo no'n?"
Tumango nalang siya. James kissed her forehead bago ito umalis sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya at lumabas ng silid.
Nag-replay sa utak niya ang mga narinig kanina...
Nang makabalik si James ay may dala na nga itong mainit na sopas para sa kaniya. Bumangon siya at maagap naman siya nitong inalalayan pasandal sa headboard.
Hinipan muna ni James ang kaunting sopas na nasa kutsara bago 'yon nilapit sa bibig niya.
"Kaya ko naman..." aniya.
"Ako na." pilit ni James.
Binuka nalang niya ang bibig at tinanggap ang subo nito. Napangiti siya.
She has doubts, of course. Naiisip niyang baka na-c-challenge lang si James dahil magpinsan sila lalo at lumaki ito sa ibang bansa. May gano'n naman kasi... But every time she look into his eyes, she knew that he genuinely cares for her.
"What's wrong?" ani Maia isang beses na nasa loob na sila ng sasakyan ni James. Pauwi na galing sa buong araw na trabaho sa ospital.
"I saw you talking to that man earlier." busangot ang mukhang anito.
Umawang ang labi ni Maia bago unti-unting napangisi. Why is this man so adorable... Kahit pa nga... nagseselos. She thought. Hindi niya napigilang kurutin ang pisngi nito. "You're so cute. Tungkol lang naman sa hospital 'yong pinag-uusapan namin kanina ni Dustin." aniyang naiiling at nakangiti.
"Still. Nakakapagselos pa rin." parang batang anito.
Kumunot ang noong napailing iling nalang si Maia. She smiled and leaned to him to kiss his cheek. Natigilan ito sa ginawa niya at ganoon din siya. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang niya itong hinalikan. Nahiya tuloy siya at kagat ang labing inaya na itong umalis. "Umuwi na tayo." aniya.
But she did not hear James start the engine. Instead he called her na kinabaling niyang muli dito.
"Hmm?"
Ngunit imbes tugunin siya ay biglang nilapit ni James ang sarili nito sa kaniya. She was able to gasp before he completely claimed her lips. Napakapit si Maia sa magkabilang braso ng lalaki.
He bit her bottom lip na kinaawang ng labi niya. At kinuha iyong pagkakataon ni James to enter her mouth.
Ang mga kamay niyang nasa matitipunong braso nito ay umakyat at pumulupot sa leeg ng binata as James was kissing her passionately. At hindi pa siya nahahalikan noon. When James kissed her for the first time, iyon din ang unang beses na may nakahalik sa mga labi niya.
And it's embarrassing that she doesn't know how to kiss! Basta ay nagpapaubaya nalang siya sa binata. She just mimicked his lips and tongue's movement.
"Hmm... James..." soft moans escaped her lips nang bumaba ang mga halik ni James sa kaniyang panga at pababa pa sa collarbones niya...
Mariing naipikit ni Maia ang mga mata habang dinadama ang mga labi nito sa kaniyang leeg and his hand cupping her left breast while his arm was supporting her back.
Maaring hindi sila magpinsan ni James, base sa mga narinig niyang pinag-uusapan ng parents niya sa study ng Dad niya nang araw na 'yon. Kung tama ang pagkakaitindi niya ay hindi totoong anak ng Tita Elvi at Tito Rodrigo niya si James... Ang hindi niya alam ay kung alam ba nito iyon...
Was he adopted? Kung bakit ganoon nalang ang pag-aalala ng mga magulang niya. Sino si Judge Fidel Noble? Kakausapin ba niya ang Mommy niya tungkol sa mga narinig? How would she ask her parents about it...
Naguguluhan ang isipan ni Maia when James pulled away.
"Damn it." anito nang pilit itong lumayo sa kaniya.
Saglit siyang napatingin sa lalaki at maagap ding inayos ang kaniyang sarili sa passengers seat nang kotse nito. Bumaba na ang neckline ng suot niyang blouse.
"Let's go home." he was biting his lower lip as he maneuvered the car.
BINABASA MO ANG
Hearts Series 1: Crippled Hearts
General FictionMaia was disappointed and guilty when she met James. Minsan na nga lang siyang magkagusto, at sa pinsan pa pala niya. And she knew it's bad. Pero paano kung malaman niyang hindi naman pala talaga sila magkaano-ano ng lalaki? Ngunit hindi lang iyon...