CHAPTER NINETEEN

660 17 0
                                    

Hello Dearest!

Happy March! Birth month ko na po! Ang tanging mahihiling ko lang po sa inyo ay sana walang iwanan. Maraming salamat po! Sana po ay ma-follow niyo po ako sa social media accounts ko lalo na po sa Instagram at Youtube! Thank you!

Youtube update: Sana po ay makapag-subscribe na po kayo sa Youtube channel ko. Please pa-birthday gift niyo na po sa akin. Huhu! May bagong video po ako para sa mga gustong makalibre sa stay sa travel nila dyan. May tip po ako sa inyo. Sana po ay mapanuod ninyo ang Malaysia travel vlog ko. Maraming salamat po dearest! I love you all!

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Nineteen

Iyon na yata ang pinakamagandang umaga sa buhay ni Aimee. Ang sikat ng araw ay pumapasok sa bintana nagbibigay ng kakaibang init sa kwarto. Dama rin ang hangin na umiihip mula sa dagat. Dinig ang alon sa dalampasigan. Higit sa lahat siya ay nasa bisig ni Arwynn. Yakap siya nito. Unang umaga sa kanilang buhay bilang magkasintahan. She was not just a best friend anymore. Girlfriend na siya.

Tila mahimbing pa rin ang tulog ng nobyo. Nakatitig lamang siya rito. Napangiti siya sa kilig na nadarama. "Boyfriend na ba talaga kita?" Pabulong niyang tanong sa sarili. Dinampi niya ang hintuturo sa ilong nito papunta sa pisngi at dumako pa iyon sa mga labi ng lalaki. "Napakagwapo mo pa. Alam kong bonus nalang 'yon dahil you're more than your looks. Pero yang looks mo ring yan kasi ang naging dahilan kung bakit friendzoned ako sa matagal na panahon. Masyado kang mabulin! Kagigil ka! Pero at least ngayon sa akin ka na. Hehe!" Napahalinhing siya.

Tatayo na sana siya nang bigla siya nitong higitin pabalik sa mga braso nito. "Good morning! Saan ka pupunta?"

"G-good morning! Babangon na ako Arwynn. Tanghali na oh."

"Maaga pa. Dito ka muna sa tabi ko." para itong bata na nagpupumilit.

"Ayoko! Gutom na ako." pagtanggi niya.

"Mamaya na 'yan. Dito ka na muna sa tabi ng napakagwapo mong boyfriend."

Nag-init ang kanyang mga pisngi. Tila narinig nito ang mga sinabi niya. Lalo tuloy niyang gustong lumabas ng silid. "Nope! Ayoko na talaga! Narinig mo ba ako?"

"Yup! Loud and clear!" tugon nito.

Namula siya sa hiya at kilig. "So ano? Masaya ka na dahil napakagwapo mo?"

"Mas sasaya ako kung nandito ka lang muna sa tabi ko."

Hindi na siya nagpumiglas pa. Nanatili na lamang siya sa mga bisig nito. That was the safest and happiest place she could ever be.

"I love you Aimee ko." bulong nito sabay halik sa kanyang pisngi.

"I love you too Arwynn ko." gumanti siya sa pamamagitan nang paghalik sa mga labi nito. Nabunggo ng kanyang tuhod ang matigas nitong pag-aari. Nagulat siya roon pero hindi siya nagpahalata. Nauunawaan niyang umaga at kagigising palang nito at ganoon naman talaga ang mga lalaki.

Gayunpaman ay hindi na pinakawalan pa ng lalaki ang kanyang mga labi. Tuluyan nito iyong inangkin. Hindi pa sila nagtu-toothbrush sa lagay na iyon. Wala namang problema, ang morning breath ng lalaki ay hindi ganoon kabaho. Pinapala talaga ito. Sa mga sandaling iyon ay naisip niyang wala na rin naman talaga siyang choice kundi in-enjoy-in ang labi nito at magpakasaya sa katotohanang magkasintahan na sila.

Ilang sandali pa ay naging mas mapusok na ang mga kamay ng lalaki. Dumadampi na ito mula sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Nagbabagong anyo rin ang pagkalalaki nito. Malaki na ito ngunit mas lumalaki pa. Matigas na at mas tumitigas pa. Nararamdaman niya iyon. Hanggang sa puntong tila sadyang kinikiskis na nito iyon sa kanyang pagkababae.

"Aaah..." napaungol siya.

Tinulungan siyang maghubad ni Arwynn ng suot niyang shorts at manipis na t-shirt hanggang sa ang natira nalang ay ang bra at panty niya. Naghubad na rin ito ng shorts at sando. Lumapit ito sa strap ng kanyang bra at gamit ang bibig nito ay hinubad nito iyon. Dinilaan nito pababa ang kanyang likod patungo sa kanyang panty. Gamit muli ang  bibig ay hinila nito ang kanyang underwear pababa. Tumambad dito ang naglalawa niyang pagkababae. Tumingin muna ito sa kanya na tila nagpapaalam. Tumango naman siya. At saka nito sinimulan ang pag-aalmusal ng kanyang pagkababae.

"Aaaah..." muli siyang napaungol. Hindi lang napakagwapo kundi napakagaling din ni Arwynn na magpaligaya sa kama.

Ayaw niyang magpatalo. Hinubad naman niya ang brief nito saka isinubo ang nagngangalit na pagkalalaki nito. Doon niya naman ibinuhos ang kanyang gutom.

"Ooooh..." ito naman ang napagalinhing. Hinawakan pa nito ang kanyang ulo habang ginagawa niya iyon. Ngunit hindi siya nito binibigla at pine-pressure sa gagawin. Inaalalayan pa siya nito. That was her first time.

Pagkatapos ay inangkin na nitong muli ang kanyang pagkababae. He was indeed a good performer. Another bonus kapag naging boyfriend ang isang Arwynn Pineda.

Sabay silang napahilata sa kama habang naghahabol ng hininga. Tuluyan na rin siyang bumangon matapos magpahinga. Naligo na siya saka naghanda ng almusal.

"Lalalala..." napapakanta pa siya habang nagpi-prito ng itlog at hotdog. Napapangiti at napapasayaw kahit wala namang tumutugtog na musika. Minsa'y napapatulala nalang at napapatanaw sa malayo. Halos masunog ang kanyang mga niluluto dahil sa kawalan niya sa sarili.

Matapos niyang magluto ay pinuntahan na niya si Arwynn sa kanilang kwarto. "Arwynn ko..." she called him in a teasing tone. Ngunit pagpasok niya sa silid ay wala ito roon. "Arwynn?" maliit lamang iyon kaya kumbinsido siyang wala ito roon.

Hinanap muna niya ito sa banyo at sa iba pang bahagi ng tinutuluyan nilang bahay ngunit wala talaga ito. Saka niyang napagdesisyunang lumabas na ng bahay. Baka naglakad-lakad na ito sa dalampasigan. Masigla niyang binuksan ang pinto. Tinapat ang mukha sa araw at saka lumanghap ng sariwang hangin. Pagtingin niya sa harap ay si Arwynn kaagad ang kanyang nakita. Ngunit nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Nanghina siya. Mabilis ding pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Si Arwynn... si Arwynn ay may kahalikang ibang babae.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon