Chapter 18
*WIFEY???!!!*
[A/N: Hello! Please vote and comment po…. Maaapprecite ko po ng sobra... ang tagal ko nang hindi nag-update ang dami kasing ginagawa sa school papalapit na kasi midterm namin... Sana magustuhan nyo ang update ko ngayon :)) ]
Felice’s POV
Malapit na ang first quarter exam namin. First week na ngayon ng August. Hindi ko na ikwekwento ang mga nangyari last month. Bukod sa ako lang naman ang center of attraction dito sa campus dahil kay Xander.
Paano naman for the past few weeks laging nakabuntot sa akin si Xander. Lagi syang nagtatanong sa akin ng kung anu-ano na minsan nga wala nang sense. Katulad nito…
“Hey Felice, late kaya teacher natin?”
“Which of this color is more loud for you? Red or yellow?”
“Nag’lunch ka na ba?”
“May assignment pa tayo?”
“Nasan mga classmate natin?”
Etc… etc…. etc….
Hanggang sa hindi ko napansin na nag-uumpisa na ako mag-ingay. Maingay in a way ma sumasagot na ako sa mga tanong nila ng maayos hindi na puro tungo sa kanila. Halatang natutuwa si Tamara sa nangyayari sa akin. Paano naman, umiimik na ako sa kanila kapag nagkwekwentuhan sila nila Penny.
Si Penny naman mas lalo naging hyper. Naikwento nya sa amin ang nangyari sa kanila ni Thad.
Nandito ako ngayon sa classroom namin. Nasa tabi ko sila Penny, Lorraine at Tamara. Nagkwekwentuhan sila tungkol sa anime. Kahit fourth year na kami puro anime ang trip namin.Hindi na ako nakisali sa kanila. Medyo tinatamad ako magsalita ngayon eh.
Nakatingin lang ako sa pinto nang biglang pumasok sila Xander kasama ang iba pang member ng 6 kings. Medyo hindi na ilag ang mga classmate ko sa kanila simula naging buntot ko na yata sa akin si Xander. Nag-hi lan sya sa akin bago dumiretso sa kanilang mga upuan. Tumungo naman ako sa kanya bilang pagbati na din sa kanya.
Nang pumasok ang adviser namin nagsialikan naman sila sa kanilang mga upuan.
“Good morning class, may iaannounce lang ako ngayon tas free time nyo na pagkatapos. Pero nasa sa inyo na kung magiistay kayo dito para pag-usapan ang iaannounce ko. First, alam nyo naman na buwan ng wika ngayon kaya magkakaroon ng one week festi val dito sa school. Second, since this Monday na ang exam nyo magkakroon ng 2 weeks preparation para sa festival. All section should have one booth or stall of what you want then one presentation that will present during the 3rd day of the festival.” Sabi naman ni Ma’am sa amin.
“Ma’am! Parang magkakaroon po ng competition? Tama ba ako?” tanong naman ng isa kong nerdy classmate.
“Yes, you’re right. Naunahan mo lang ako sabi. The section that will have the highest income during the festival would have 4 days vacation trip in Batangas. If I’m not mistaken this certain resort is owned by Xander’s family. Am I right?”
“Yes ma’am. In fact, all the oard agreed that the expenses in that trip are free. So, this mean the section that will win should not worry about the expenses and the activities they should do during the trip.” Sagot naman ni Xander sa tanong ni Ma’am.
BINABASA MO ANG
I Love My Mr. Gangster
Roman pour AdolescentsFelice become cold person after an unexpected event happened until she meet this rich, handsome gangster. Will she go back to her real self or she will remain cold to everyone?. Is this handsome gangster help her?