Kabanata 19
Relationship
One day, I will be living in a house that is full of love.
Iyon ang palagi kong iniisip bago ako matulog. Iyong bahay na punong-puno ng pag-ibig. Iyong bahay na kumpleto kami ng pamilya ko at ang magiging sarili kong pamilya.
"Kristine... sana nama'y huwag kang magaya sa akin." isang araw ng kausapin ako ni Nanay.
Alam ko ang tinutukoy niya. Nahuli niya kasi ako kagabi na kausap si David sa cellphone. At alam kong alam niya din ang tungkol sa arrange marriage. Dito tumira si Nanay mula pag-kabata niya. Si Madam na rin ang nag-pa-aral sa kagaya niyang ulila.
Hindi ako nakaimik, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Umiling-iling siyang umalis sa kusina. Huminga ako ng malalim. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng mag-simula ang pasukan. Inaamin kong may minsan na hindi maganda ang relasyon namin ni David, gaya na lang ngayon pero alam kong maaayos din namin iyon.
"Queen said you have a friend named Paevin? Kindly introduce him to me?"
I bit my lower lip. Talaga nga naman si Queen. Hindi ko alam kung paano ko siya malukusutan. Hindi naman sa ginusto kong maging kasa-kasama si Paevin. It's just that he said he wants me to be his friend mahirap naman siyang tanggihan lalo na't wala akong masiyadong kaibigan sa school sa kadahilanang hindi ko matukoy.
"David... he's just a friend of mine. Walang--"
"Yeah yeah. A friend of yours." he said sarcastically.
Ramdam ko ang pag-haba ng aking nguso, "Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano. Kaibigan ko lang talaga siya."
Iniwas niya ang tingin sa kamera, "Your friend is a guy, Zakrisean. And it's not possible for ypu to fall at him."
I sighed deeply.
Hindi ko siya masisisi kung ganun ang pananaw niya. Kung may kaibigan din siyang babae, paniguradong magse-selos rin ako. Pero... mahirap iwasan ang isang taong naging mabuti naman sa'yo.
"Pero..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makitang dumilim lalo ang kaniyang paningin.
"Fuck that guy! I will surely break his bone if I will meet him in person." I heard he murmurned.
Hindi ko napigilan ang pag-supil ng aking ngisi ngunit ng bumalik ang tingin niya sa screen ay agad ko iyong tinago.
"I want to meet him tomorrow, Zakrisean. Through video call." mariin at ma-awtoridad niyang sabi.
Galit siya, he's always calling me with my first name every time he's mad. Kung hindi man Zakrisean ay buong Kristine naman.
Tumalon sa tuwa ang aking puso sa 'di ko malamang kadahilanan. Magse-selos man siya'y alam kong sa huli' maiintindihan niya ako. Hindi ko lang masabi sa kaniya ang malalim na dahilan kung bakit hindi ko talaga kayang iwasan si Paevin, dahil gusto ko... si Paevin mismo ang lumayo pag-dating ng araw na malaman niya ang totoo na talaga naman magiging dahilan para kasuklaman niya ako.
I breath deeply.
Tumayo ako at inilagay ang pinagkainan sa lababo at madali iyong hinugasan. Lumabas ako ng kusina at pinuntahan si Nanay na ngayon ay nagwawalis sa sala ng mansyon.
"N-nay... alis na po ako." nagdadalwang isip kong paalam.
Tumango lang siya ng walang imik. Hindi na ako umimik pa. Kailangan niya lang sigurong magpalamig ng ulo. Alam kong galit siya. Natatakot siyang magaya ako sa kaniya, pero Nay... alam ko po ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
Roman d'amourWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...