Dear John ( One Shot Story )

338 9 5
                                    

Dear John

Napabalikwas ako ng bangon. Hating gabi na, pero hindi parin ako makatulog. Katulad nga ng sinasabi ng ilan, naligo nako, uminom ng gatas at kung ano ano pang anik ay ginawa ko para lang makatulog. Pagkatapos ng lahat ng mga ritwal na yon, di ko parin nagawang makatulog.

Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sakin at nagpasyang bumangon. Nilakad ko ang ilang hakbang papunta sa bintana ng kwarto. Makikita ang ilan pang kabahayan roon. Nakakabingi rin ang katahimikang hatid ng gabi. Tiningnan ko rin ang kalangitan mula roon. Doon, nasilayan ko ang itim na langit at nagniningning na mga bagay roon na para mga dyamante. Malalim na nga talaga ang gabi at magpapasko na.

Lumabas ako ng silid.

--------------

Umakyat ako sa ikatlong palapag ng bahay. Matapos makarating sa huling pinto ay pinihit ko iyon. At sa pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang malamig na hanging naglandas sa aking balat. Tahimik. Ito ang lugar na madalas kong paglagian. Narito ako sa rooftop. Saglit pa akong napatigil sa pagkakatayo bago tuluyang humakbang palabas mula sa siwang ng binuksan kong pintuan. Tumungo ako sa duyang sadyang ipinatayo roon, at humiga.

Ngayon, mas naaaninag ko na ang malawak na kapatagan ng madilim na langit. At nakalatag roon ang mga nagkikislapang butil ng bituin. Sa malayo naman ay makikitang mailaw at maliwanag na syudad.

Sa mga sandaling yon, parang may sumampal sa akin. Hindi sa paraang literal. Kundi, isinampal sa akin ang maraming alaala.

Sana nandito ka. Sana, kasama pa kita.

Hindi ko parin mapigilang hilingin yon kahit sa mga panahon ito.

Marami paring mga tanong ang naglalaro sa isip ko.

Paano nga kaya kung di kita pinakawalan .. Kung hindi ako naniwala sa mga sinabi ng ilan .. Nagtiwala sayo at sinunod nalang ang nadarama ko .. Di ka na ba mawawala?

Siguro, nandito ka pa sana. Dadalawin ako tuwing walang pasok. 

O kaya ihahatid ako pauwi pagkatapos ng oras ng klase. Susunduin mo sa aming silid, at iimbitahan akong sabay ng kumain. At masasamahan mo pa ako sa kahit na saan at kailan. Susuportahan sa kahit na anong bagay .. Sabay na magtatapos at aabutin ang ating mga pangarap. Siguro masaya pa ako. Na tulad lang ng dati .. pero nag iba na ang lahat.

Ang mga kung, siguro at sana ko ay patuloy parin akong minumulto. Ito ang mga kahilingang ipinagpalit ko sa isang bagay na hindi ko naman alam ang patutunguhan.

Oo. Nasusuklam ako sa sarili ko.

Wala man lang akong naiwan kahit isang salita. Sana nasabi ko man lang ang parte ko. Ang nararamdaman ko. Sana .. nagpakatotoo nalang ako sa aking sarili.

Na ginawa mong makabuluhan ang walang saysay kong buhay. Puno ng pangarap .. Na naramdaman kong mahalaga ako. Pinunan mo ang lahat ng kakulangang meron ako. Na magpasalamat. Wala man lang akong nagawa para sayo.

Naniwala ako. Sa konting sinabi ng mga taong, akala ko .. tunay na nagmamalasakit sa akin. Ako mismo ang sumira, sinira ko ang aking sarili.

Pero bakit hinayaan mo nalang din ako .. na magdesisyon para ating dalawa. Madali ka na lang nakumbinsi na tapos na sa atin ang lahat.

Sa huling pagkakataon, humanga ako sayo. Inerespesto mo ako. Di mo na ipinilit kung anuman ang mayron sa parte mo.

Sa kabilang banda naman ay nasaktan at nasasaktan parin. Sa kaisipang kaya hinayaan mo na lang dahil baka eto narin ang gusto mo. Hindi ka lang makahanap ng pagkakataon, para sabihin sakin.

Dear John ( One Shot Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon