Joma's POV
"UY, JOMA!" Tss. Ang lakas ng boses. Sino yon?! Hinanap ko kung kanino nanggaling yun sigaw ng pangalan ko. Kaliwa? Kanan? WALA. Imposible rin naman na nasa harapan ko yun tao dahil edi sana kanina ko pa siya nakilala.
Tama! Mukhang sa likod ko nandun yun maingay na babae. >_<
*slow motion patalikod*
"Aaaah!" Ang sakit, natapakan niya ang paa ko.
"Ay, sorry. Bagal mo kasi humarap sa 'kin eh, hindi mo tuloy namalayan papalapit na 'ko sa 'yo."
"Ahh, ikaw pala yan?"
"HINDI. Si Jessie 'to!" Tss. Tama ba naman magbanggit pa ng taong wala naman dito?! +_#
"..HAHAHA! Joke! Sinabi ko lang Jessie natulala ka na diyan! ^___^V"
Okay! Baliw lang yun nasa harap ko. Haay! >_<
"Ah, bakit? Ano yan dala mo?" Iniba ko na lang ang usapan. Tsaka bigla nawala inis ko nun makita ko siya eh. Hmmm.
"Signature Paper. Pirma ka naman oh? Kailangan kasi ni Arlene para dun sa Miss Intrams natin. Sige na?"
"Sige Keila. Heto, 20 pesos ipipirma ko." Tsk. Na-hold up pa nga. Last money ko na 'to eh. Nanakaw kasi yun wallet ko nun isang araw, nandun sana allowance ko T_T
"WOW! Ang galing! Thank You!!!" Kinuha na niya yun pinirmahan ko tapos nag-wave na siya at umalis.
Keila's POV
Yes! Malapit na namin mapuno itong Signature Paper. Konti na lang. Thank you kay Joma, halos pinakyaw niya na lahat ng bakanteng space. Buti na lang nakita ko siya. Pero teka...
Ito yun first time namin nag-usap ng personal sa loob ng 2years namin magka-schoolmate ah? Hindi ba nakakahiya na nagastusan siya agad sa 'kin?!
Waaaah! Ang kapal pala ng mukha ko kanina?!!! Amp! (//_#)
'Di bale, ite-text ko na lang siya ngayon.
12:34 PM
"Uy, Joma salamat ha? Sorry nagastusan ka pa tuloy." - Keila
12:37 PM
"Okay lang. Thank you din." - Joma
~ANO DAW? Salamat kaya saan?!
12:38 PM
"Para saan yun thank you?" - Keila
12:41 PM
"Para sa first time natin pag-uusap bukod sa text. Lalo kang gumaganda." - Joma
~Psh! LUSAW!
<After One Hour sa likod ng stage>
Haaaay. Hindi na ako nakareply sa huling text niya. Grabeeeee! Bakit kinikilig ako?! Kamusta naman yon? *_*
Habang kinakausap ko ang sarili ko, syempre may biglang panira moment at umistorbo... "Pssst!"
"O, Jess. Kanina ka pa ba diyan?" LORD, sana hindi. >_<
"Ah, medyo. Actually nakita ko kung paano mo kausapin ang sarili mo. Anyare friend??"
"Hmm, ah, wala. Hehe. 'di ka na nasanay sa kalokahan ko." whew!
"Ah, ganun ba? Okay. So, kamusta?"
"Ako ba? Okay naman."
"Luka hindi! Eh alam ko naman okay ka lang eh, si Joma? Kamusta? At yun pinakiusap ko sa 'yo?"
"Ah, yun ba? Ano kasi..." tapos biglang lumitaw sa tabi namin si Joma.
"Anong tungkol sa 'kin?" Oooops! Lagot!
"Ahh, Joma. Hi? Kamusta ka na? Ano kasi..." Halatang mas gulat sa 'kin si Jessie. Ano ba 'to?! Ang AWKWARD! >_<
"Kinakamusta ka lang niya sa 'kin Joma. Ano nga pala ginagawa mo dito?" Iniba ko na lang ang usapan, haaaay!
"May naiwan ako dito kanina, binalikan ko lang ulit. Jessie, hindi mo naman ako kailangan kamustahin sa iba, pwede mo naman akong kausapin. Okay lang ako. Sana ikaw din." Ramdam kong medyo cold ang naging reaction ni Joma sa kaibigan ko. Pagkatapos nun, umalis na rin siya at naiwan kami ni Jessie. At in fairness, kaloka ito! Waaaaah! //_#
Teka, yun kaibigan ko.
"Friend, okay ka lang ba?" Aish! Ano bang klase yun tanong ko?? Obvious naman na hindi siya okay eh! Tss. Ang ogs ko!
"Dapat lang naman sa 'kin ito 'di ba?" Aw. Ang lungkot ng mukha niya. Parang any moment, babagsak na yun luha niya. Kainis! Ang fail nun nangyari! Tsk. Tsk. Hala, ano bang sasabihin ko para makabawas naman sa sadness niya? Ayt!
"Sorry Jess." Yun na lang nasabi ko tapos napa-hug na lang siya bigla sa 'kin at umiyak. Waaaah! Nakakaiyak na din! ^3^
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Story
Fiksi RemajaNot your Superman, just an ordinary being with a big heart to love you <3