CHAPTER 11 (Unwanted Feelings)

29 0 0
                                    

<TEXT CONVO after some weeks mula ng mangyari yun confrontation>

7:02 AM

"Good Morning! Have a nice day." - Keila

8:15 AM

"Good morning :) " - Joma

8:17 AM

"Ngayon na lang ulit nakatext, kamusta?" - Keila

8:19 AM

"Ah, busy tayo sa acads pareho eh. Okay naman. Ikaw?" - Joma

8:20 AM

"Eto, inaantok sa klase. Haha! Ay, naiistorbo ba kita?" - Keila

8:23 AM

"Hindi naman. Dito ako sa IV-C, pinakiusapan ako ni Ma'am Palma na bantayan sila habang nagawa ng book report." - Joma

8:24 AM

"Ah, buti ka pa. Iba na talaga ang matalino. Naks naman!" - Keila

8:27 AM

"Hindi ah. Wala lang talaga siya iba mausap. Makinig ka na sa teacher mo. Baka mapagalitan ka pa." - Joma

8:28 AM

"Hindi yan!" - Keila

8:29 AM

"Haha! Tigas ng ulo :)) " - Joma

8:30 AM

"Hindi, mabait ka lang talaga kaya akala mo pasaway ako. Haha!" - Keila

8:33 AM

"Uy, Joma!" - Keila

8:35 AM

"po?" - Joma

8:36 AM

"Nakamove on ka na ba?" - Keila

Joma's POV

"Nakamove on ka na ba?" Hmm, sa tingin ko nakatulong yun tanong na 'to para masigurado ko ang nararamdaman ko.

After all, ilang buwan na ang lumipas mula ng maghiwalay kami. At finally, kaya ko ng sabihin na "Yes, nakamove on talaga ako."

Sa ngayon puro acads lang muna ako. Busy pa rin sa mga orgs. Pero kung sakaling may taong dumating, pwede na. Handa na ako ulit. Ang alam ko, si Jessie, ipinagpatuloy ang pakikipagmabutihan kay Marvin. I can see that she has moved on. Okay yun! :)

At pagkatapos din ng mga nangyari, wala na kaming naging pansinan ni Jessie. Ewan ko, parang hindi naman dahil sa ayaw namin magpansinan, wala lang siguro talagang chance pa.

Si Keila, madalas nagtetext siya sa 'kin. Nagbago na rin ang impression ko sa kaniya nun una na mataray siya. Mabait naman pala siya, misunderstood lang. Wagas naman kasi ang mga "Kilay Expression" niya, sino ba naman hindi mag-iisip na masungit siya? Hahaha!

Hindi ko alam, pero parang habang tumatagal nagiging ibang tao na siya sa paningin ko. Ibang-iba na.

Gail's POV

YEHEY! After Jurassic Years, bumalik na rin ako sa story. Hehe!

Sorry kung medyo nawala ako ng konti, naging busy kasi eh. Tsaka, dumistansiya muna ako kay Joma babe ko. Huhu! Sabi kasi ng mga kaibigan ko hindi na daw simpleng crush or love pa man yun feelings ko eh. Kabaliwan na daw?? Waaaaaah! Mukha nga! #_#

Kaya ayun! Kinailangan kong konting space. Kailangan ko daw siguraduhin yun feelings ko eh. Pero Anak ng Pato naman oh! Paano ka ba didistansiya sa isang taong iniiwasan mo nga makita pero lagi naman laman ng isip mo???

Paano ko naman siya makakalimutan kung Monday to Friday pumapasok ako sa school na ito at as usual, mukha niya lang naman ang laman ng LAHAT ng bulletin boards ng mga orgs sa school. Lagi ko siyang nakikita! So, PAANO?!

At paano ko ba naman kokontrolin ang nararamdaman ko, kung puso ko mismo ang naghuhumiyaw?!! OKAY! Ang lalim nun huli kong sinabi ^____^V

Pero seryoso, paano? 'di ba?

Ang hirap! Sobrang hirap!

Lalo na ngayon, in few months graduate na si Joma. Ako, 2 years pa. Iniisip ko pa lang na balakin ko man siyang sundan sa college school na papasukan niya, matatagalan pa rin yun. Kasi nga 2 years pa bago ako matapos ng highschool. Haaaaay. Nakakalungkot! :'(

Naranasan niyo na ba yon? Yun pakiramdam na parang ang lapit niya pero ang layo pa rin niya? Aish! Ang emo ko tuloy T_T

Anyway, pagkatapos ko nga subukan lumayo muna, ang ending... Bumalik pa rin ako. Pero so far, okay naman. Balita ko si Jessie may Marvin na. Si Joma, ewan ko? Speaking of... Matagal na rin akong walang diretsang balita sa kaniya. Hindi ko na rin kasi siya tinetext. Hindi rin naman nga kami naguusap. So wala na akong masyadong alam sa kaniya maliban sa mga chismis dito sa school at sa mga pasalubong na balita sa 'kin ni Mark. Haaay! Namimiss ko na talaga siya!!! :((((

"Gail, ilag!"

TOINK! TOINK!

Waaaaah! Malas ko naman! Natamaan pa ako ng bola. Nakalimutan ko, nandito nga pala ako sa gym. Practice ng volleyball team namin. Vadterp! Medyo panira poise kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumakad palabas ng covered court.

Tapos may nakita ako.

Nakita ko si Joma naglalakad papunta sa may playground. Walang ibang taong nandun kundi yun kaibigan ni Jessie.

Malungkot yun babae. Mukhang hindi rin niya alam na nakikita pala siya ni Joma at palapit na sa kaniya ngayon.

Ako? Medyo malayo ng konti pero sapat na para palalain ang sitwasyon ko, kasi dinig ko sila.

"Alam mo bang pangalawa ka sa pinakamagandang babaeng nakilala ko?"

Gulat na gulat yun babae nun makita si Joma.

"HA? Eh sino naman yun una?"

"IKAW. Kapag nakangiti ka."

Agad-agad napangiti yun babae. Sino ba naman ang hindi?! Aber?

Tapos bagsak, basag, durog ang puso ko!

Hindi ko kinaya. Eto ba ang binalikan ko? Yun sakit na pwede kong maramdaman dahil sa pagmamahal ko kay Joma? :'((((

Pinulot ko muna ang puso ko, tapos umalis na ako.

A Gentleman's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon