Joma's POV
"Anlamig!!!" Anak ng! Ano yon??? Tssssss. Pag mulat ko ng mga mata ko nakita kong binubuhusan ako ng tubig.
"Hahaha! Ligo ka na!" Kow! Nandito na naman pala sina Sab at Apple. Minsan parang ang awkward lang na pinapasok ka ng mga kaibigan mong babae sa kwarto mo. >_<
Since sila nga yun lagi kong kasama at kilalang-kilala na sila sa bahay, basta-basta na lang yan mga yan napasok sa kwarto ko, usually para mambulabog! Badtrip! Inaantok pa ako! #_#
"Ano bang ginagawa niyo dito? Wala tayong pasok, baka pwede hindi ko muna kayo makita ngayong araw? Awa na!" hehe! Lambing ko lang yan sa kanila :)))
"Loko! Yun na nga eh! Wala tayong pasok and bukas yun Prom Night." Imagine a girl to say this, yun mismo yun pagkakasabi ni Apple. AS IN!
"Ano naman? Kayo lang naman ang aattend ng Prom, ako walang balak."
"ANO?! Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin natatauhan sa kabaduyan mo? Grabe oh! 4th year na tayo, nun Juniors tayo hindi ka rin umattend. Meaning, ito na yun last chance mo makapunta sa Prom!" Tss. Ang haba ng sermon nitong si Sab, sakit sa tenga. +_+ Lord, bakit ba kaibigan ko 'tong dalawang maiingay na 'to? Pinarurusahan niyo po ba ako sa sobrang kabaitan? T_T
"Bilisan mo na. Tumayo ka na diyan at sasamahan mo pa kami." Dagdag ni Sab.
"Ha? Saan tayo pupunta??" Medyo nakakaamoy na ako ng totoong parusa. ~_~
"Sa mall. Wala yun mga boyfriends namin at dahil alam namin na hindi mo naman kami matitiis, naisip namin na ikaw ang mahahatak namin! *EVIL LAUGH*" waaaaah! Alalay?? ME??? Sa gwapo kong ito?! :((((
"Sige na Please? (*_*) (*_*) " Amp! Imba naman talaga mang-convince mga 'to oh? Bakit ba hindi ko magawang tumanggi sa babae?! BADTRIIIIIIIIIP! :|
In the end, napapayag din nila akong samahan ko sila. Sa isang kundisyon na hindi nila ako kukulitin sa kung anu-anong tanong kung ano at alin ang bagay sa kanila. Oo naman daw sabi nun dalawa, pero duda ako dun. Yun ang masaklap na katotohanan :(
Malapit lang bahay namin sa mall, less than 15 minutes, nakarating na kami.
Ang tendency nilang dalawa ay hatakin ako papasok sa iba't-ibang stores. Aish! girls are girls talaga. What can I do? Napaka ungentleman ko naman kung basagin ko ang mga trip nila. Anyway, wala naman akong gagawin ngayong araw. Okay na rin siguro na sinamahan ko sila dito. Baka lapitan lang 'to ng kung sinu-sino eh, aba! Hindi naman ako papayag mabastos mga 'to kahit super kulit nila. Overprotective talaga ako sa mga kaibigan kong babae :))
May 3 oras na yata kami dito sa mall, pero HINDI pa rin sila tapos mamili. *Headache*
Actually, tig-tatlong paper bags na yun mga kamay ko, syempre ako tiga-bitbit nila. Iniisip ko nga na baka kaya ako isinama ng mga 'to ay para pagbitbitin lang eh. Pero mukhang hindi naman, hindi halata. >_<
Nagpaalam ako sa dalawa na dun na muna ako sa foodcourt, balikan na lang nila ako dun kapag tapos na sila o kailangan nila ako. And, Yes! Pumayag sila! ^_______^
Binilisan ko lakad palayo, baka magbago pa isip eh. Hahaha!
Pagdating ko sa Second Floor, foodcourt, upuan agad hinanap ko. Kaso daming tao eh, walang bakante. Pero may nakita akong solo sa pangdalawahan na table. Nakatalikod siya sa direksyon ko, nakakahiya pero naglakas loob na rin ako.
"Miss, pwede ba makiupo? Madami lang kasi akong dala eh."
Agad naman humarap sa 'kin yun babae, tapos...
"Joma? Anong ginagawa mo dito?"
Ay, si Keila pala. Buti na lang din, at least mas malaki ang chance kong makaupo.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Story
Ficção AdolescenteNot your Superman, just an ordinary being with a big heart to love you <3