11

11.1K 471 11
                                    

"Natagalan ka."

Wala pa sa sariling nag-angat siya ng tingin kay Maia. Nasa loob sila ngayon ng opisina nito rito sa ospital.

Lumapit siya sa babae at yumakap dito. He sighed in her arms. Sabay silang dumating kanina. Pinauna niya lang ito dahil may naiwan siya sa sasakyan.

"What's wrong?" agad na may pag-aalang tanong sa kaniya ni Maia habang magkayakap sila.

Syempre hindi siya naniwala sa sinabi ng lalaking 'yon. Wala naman siyang kapatid. Nag-iisang anak lang siya ng parents niya. Though he insist. Pinilit pa siya nitong tanggapin ang isang calling card na ngayon ay nasa bulsa ng doctor's robe niya.

"Nothing..." aniya nang kumalas sila sa isa't isa. "I just miss you." aniya.

Pabiro siyang inirapan ni Maia that made him laugh. Napailing iling siya at pinanggigilan ang magkabila nitong pisngi.

"James!" saway nito sa kaniya.

He just grinned at muli itong kinulong sa mga bisig niya. At pinugpog ng halik ang mukha.

"S-Stop," nakikiliti nitong pigil sa kaniya.

Bumaba pa ang mga halik niya sa mabango nitong leeg bago siya tuluyang tumigil at nagkatinginan sila.

"Mag-out of town tayo?" aniya habang yakap pa rin ito.

Ngumuso si Maia. He smiled at her cuteness. "Gusto ko 'yon. Pero... ano'ng ipagpapaalam natin kanila Mommy at Daddy?" there was worry in her eyes.

His heart broke. Alam niyang nahihirapan ito sa sitwasyon nila. Ganoon din naman siya. Mahigpit niya itong niyakap na maagap naman nitong sinuklian. She hugged him tight, too.

"Medical mission." aniya.

Bahagyang kumawala sa kaniya si Maia para matingnan siya ng maayos. "Seriously?"

"Hell yeah." he grinned.

Maia's lip fell and she shook her head. He just chuckled and kissed her forehead.

Iyon nga ang inasikaso niya sa mga sumunod na araw na na-approved naman ng ospital. The patients will be given free medical examination and medicines. At isa si Dr. Castro sa mga makakasama nila na hindi niya nagustuhan.

"Why is he even here? Mas kailangan siya sa hospital." aniya.

Mahina naman siyang siniko ni Maia sa tabi niya. "Stop it. Si Dr. Tan nga andito rin."

Tumaas ang gilid ng mga labi niya. She's jealous at mukhang natutuwa pa siya. Pinanliitan siya ng mga mata ni Maia nang makita nito ang reaction niya. Inirapan lang siya ng babae that made him laugh. Napatingin tuloy sa kanila ang ibang mga kasamahang doktor. He can't help it. Ang cute talaga nito.

Maagap namang lumayo sa kanya si Maia at kumuha ng mga gamot kahit hindi pa naman talaga kailangan. Naputol ang tawa niya at napabuntong-hininga nalang. Alam niyang natatakot itong mapag-isipan sila ng kung ano. Pero para sa kanya ay wala siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao. Ipagsisigawan pa niyang mahal din siya ng babaeng mahal niya. Pero si Maia ang iniisip niya. Alam niyang sinisikreto nito ang tungkol sa kanilang dalawa. Hindi siya sang-ayon but he respects her decision. Kakausapin na talaga niya ang pamilya nila.

They would go against them but it won't matter to him. Ang magiging importante lang sa kanya ay ang desisyon ni Maia. Naniniwala siyang siya ang pipiliin nito when the time comes. Alam niyang nagiging selfish na siya. Masasaktan niya ang pamilya nila. Ang mga magulang niya na ni minsan ay hindi niya sinuway. Naging mabuti siyang anak. But he can't lose Maia.


Hearts Series 1: Crippled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon