Chapter 3

417 12 7
                                    

Chapter 3

"Mama, Papa. Siya po. Siya po ang ama ng batang dinadala ko."

Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Ako?! Seriously?! Naka shabu ba talaga siya?!

"What the?! Ano ba--" hindi ko na natapos yung pagsasalita nang biglang nagsalita yung papa niya.

"So. Mukhang may LQ ata kayo? Sige. Bukas nalang natin pag-usapan yung tungkol sa kasal."

"Kasaaaal?!"  Ano? Ako? Kakasal?! Putangina naman!

Hindi na nila ko pinansin at iniwan na niya kaming dalawa dito nung babae kanina. Arrrrgh!

"Kuya Sorry."

"Ano?! Sorry?! Sinira mo na yung kinabukasan ko sorry pa din?!" Nilapitan ko siya tsaka hinawakan ng mahigpit yung braso niya.

"Putangina talaga! Alam mo ba kung anong ginagawa m--"

"Oo! Alam ko! Kung sana hindi mo nalang ako niligtas kanina sana hindi ka na naiipit sa sitwasyon eh!"

Umiyak lang siya ng umiyak. Naka ramdam naman ako ng guilt. Pero di pa rin tama eh. May boyfriend naman siya eh! Bat di niya nalang hanapin yon?!

"Sana hindi ka nalang nangielam! Edi sana wala ako sa harap mo ngayon! Sana hindi mo nalang ako pinansin! Sana pinabayaan mo nalang ako!"

"Edi konsensya ko pa pag namatay ka?!" Tanong ko sa kanya.

"Sige. Kung ayaw mo tlaga kong tulungan. Okay lang. Aalis na lang ako. Salamat sa payo mo." Sabi niya chaka tumalikod sakin.

"Hay. Pano pa kaya ko tatanggapin ng mga magulang ko neto? San ako matutulog? Wala naman akong kaibigan." Pabulong na sabi niya. Kahit bulong lang yon, rinig na rinig ko pa rin.

Tinignan ko lang siya hanggang sa makalabas siya ng unit ko. Tama ba tong ginawa ko? Hinayaan kong umalis sya? E buntis nga yung tao diba? Chaka wala siyang kaibigan? Hindi. Imposible. Imposibleng walang kaibigan yon.

Di ko nalang siya inisip at nag punta na ko sa kwarto ko. Gusto ko matulog, anong oras pa lang naman eh.

Tama, itutulog ko na lang to.

----

Nagising ako sa sobrang lakas ng ulan. Asan na kaya yung babaeng yon?

Hays! Bat ko ba iniisip yon? Ano bang paki ko sa kanya?!

6:27 palang ng gabi. Wala pa kong pagkain. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa supermarket para mag grocery.

Nung nakasakay na ko sa kotse ko, napadaan ako sa park. At nakita ko siya. Ang lakas ng ulan ha?! Baliw na ba talaga sya?! Pano na lang pag may nagyaring masama sa kanya?! Sa anak niya?!

[LEE HYUN'S POV]

Habang palabas ako ng condo unit niya, ramdam ko pa rin na nakatingin siya sakin. Nagpapaawa lang naman talaga ako eh. Akala ko pipigilan niya ako pero hindi pala. Kaya yon, umalis na talaga ako.

San na ko pupunta neto? Bat pa kasi pumayag na makipag sex sa tarantado kong ex eh. Di ko naman alam na magbubunga pala yung ginawa namin! Sana nung una pa lang bumili nako ng maraming condom! Tangina talaga.

Pumunta ako sa park malapit sa unit ni kuya. Di ko man lang alam yung pangalan niya. Kasi naman eh! Sana di niya na ko niligtas! Edi sana hindi siya yung ginugulo ko.

Habang nakaupo ako sa swing, unti unti ding pumatak yung ulan. Tamang tama, hindi halata na umiiyak ako.

Hahaahahaha. Shet, ano nanaman ba tong kagaguhan yung ginagawa ko? Lagi na lang may nasisira yung buhay dahil sakin.

Sana talaga, tinuloy ko na yung pagpapakmatay ng mas maaga para hindi na ko nadatnan ni kuya. Edi sana wala na kong pinoproblema.

Maya maya, nakaramdam na ko ng pagkahilo, nilalamig na rin ako. San ako pupunta neto?!

Tumayo ako dala dala yung maleta ko. Pinalayas kasi ako sa bahay, sinamahan lang ako nila mama na pumunta dun sa bahay ng nakabuntis sakin, e tinakasan nga ko diba?! Kaya ayun. Wala kong nagawa, pumunta ko kila Kuya.

Ampon lang naman ako, full korean yung tatay ko. Tapos mama ko Pilipina. Kaso nga namatay sila ng 8 tears old ako dahil sa car accident. Kaya yun, matagal na kong ulila. Tumira ako sa bahay ng tita ko. Kaso minamaltrato nila ako kaya ko lumayas.

Hanggang sa isang araw napunta ko sa bahay ampunan. Tapos ayun, 12 ako nung inampon ako nila mama.

Hindi pa ko nakakalayo sa swing, natumba na agad ako. Tangina, para kong tangang nakasalampak dito. Hindi na muna ko tumayo. Umiyak na lang ako.

Ang unfair naman kasi ng buhay sakin!

Wala kong paki kung nauulanan na ko. Wala na rin akong paki kahit pinagtitinginan ako, e sa ang sakit ng nararamdaman ko eh!

Bakit parang nawala yung ulan? Tumingin ako sa malayo, umuulan pa rin na man ah? Di kaya may powers na ko kaya di ako nauulanan? Mag didiwang na sana ko kasi may powers na ko ng biglang may nagsalita..

"O ano? Iiyak ka nalang ba jan?" Nangingilid na yung luha ko nung narinig ko yung luha niya. Pinuntahan niya talaga ko?

"K-k-kuyaaa." Sabi ko tsaka ako tumayo para yakapin siya. "Kuya, salamat kasi dumating ka. Salamat talaga."

"Stupid. Inaalala ko lang yung magiging anak mo." Lalo pa rin akong naiyak dahil sa sinabi niya. So concern siya sakin?

Magsasalita na sana ko pero, nakaramdam ako ng hilo, at nawalan na ko ng malay.

-----

[DOMINIQUE'S POV]

"Stupid. Inaalala ko lang yung magiging anak mo." pagkasabi ko nun, bigla siyang umiyak ng malakas. Magsasalita pa sana siya kaso bigla nalang siyang natumba.

Tangina! Bat ang init niya?! Buti na lang na agapan ko at na salo ko siya. 

Dinala ko agad siya sa kotse ko. Putangina naman di ako marunong mag alaga ng may sakit! Buset naman eh.

Nung makarating kami sa condo ko, nilapag ko agad siya sa kama ko. Hays. Alagain pa to.

Basa pa yung damit niya! Sino magbibihis dito?! Shet naman talaga oh!

Kinapa ko siya kung mainit pa, mataas pa din yung lagnat niya! Pano ba to?

[Now Playing: War of Hormones]

Uy, tamang tama yung tawag niya! Tama!

["Kuyaaaaaaa! I miss youuuuu!"]

"Manahimik ka nga Doreen. Pumunta ka dito sa unit ko, magdala ka ng damit. Dalian mo."

["Sige babaaaay! I lo--"]

*toot toot*

Pinatayan ko na siya ng cellphone, hahaba pa yung usapan eh. Habang iniintay ko yung kapatid ko, napatingin ako sa kanya.

Tama kaya tong gagawin ko? Pano pag bumalik yung boyfriend niya? Hays. Sige na nga, ano pa bang magagawa ko? E tinulungan ko siya eh..

Sana lang maging maganda yung maidudulot netong desisyon ko..

--

Daddy na ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon