//01

824 29 9
                                    

_______________

Chapter 1

_______________

Gaya ng sinabi sa akin ni Mama. Lumipat na naman kami ng bahay at titira kami ngayon sa kaibigan daw ni Mama. A long time friend sabi niya sa akin.

“Hija dito na tayo.” huminto kami sa tapat ng bahay.

May lumabas na isang lalaki, no! Hindi lalaki, a gay I think.

“Oh mare. How are you?” *beso beso* “Hala pasok. Dali” pag alok niya sa amin.

“thank you mare.” mare? The hell. Diba pare dapat. Echos niya ha.

“Upo muna kayo. Titignan ko lang yung niluluto ko.”

After a minute bumalik ulit siya sa sala.

“Hmm huwag kayong mahiya. Feel at home lang kayo.”

“Wala ka bang kasama dito?” tanong ni mama sakanya.

Oo nga ‘no. Wala nga ba? Ang tahimik lang kasi ng bahay nila.

“Meron si Julia. Maya-maya darating na rin siya.”

Bumukas yung pinto.

“Nandito na pala ang napaka ganda kong pamangkin.”

Maganda siya. Mistisa, matangkad ng kaunti sa akin.

“May bisita po pala kayo tito.”

“Simula ngayon dito na sila titira. Si tita Karen at si..ano na kasi pangalan mo hija?”

“Kath po”

“Magkasundo sana kayo ni Julia hija.”

“Sana nga po.” pilit kong sabi.

**kinabukasan

“Mama maghahanap ako ng work ngayon.” pagpapaalam ko habang kumakain kami ng lunch.

“Trabaho kamo. May ibibigay ako sa iyo. Gusto mo ba?”

Tumango ako, “Sige po. Basta legal po yan.”

“Ito” inabot niya sa akin yung calling card, “Isang bar yan.”

“Hoy Robert. Anong binabalak mo. Baka kung anong trabaho ang binibigay mo sakanya sa bar ha.” binaling ni mama ang kanyang tingin sa akin, “Kath anak” hinawakan niya yung kamay ko, “Sinabi ko naman sa iyong magtatrabaho ako sa parlor ng tito mo. Kaya ako na lang.”

Natouch naman ako kay Mama. Alam ko na namang ayaw niya lang akong nahihirapan.

“Ma, kaya ko okay. Ano po bang trabaho yun tito?”

“Waiter hija. Kakilala ko ang may ari ng resto bar na yun.”

“Sige po”

Pumunta ako sa resto bar. Natanggap ako kaagad. Ang bilis nga eh dahil wala man lang interview na isinagawa para sa akin.

Pinapapasok na ako kinabukasan. Kaya heto nagbibihis ako papasok ng bar. Mabuti nga at ganun para naman maipagpatuloy ko na ang pag aaral ko. Isang sem na lang din gagraduate na ako.

Tinawagan ko si mama nasa parlor kasi siya, “Ma pasok na ako. Yung susi nilagay ko sa may paso ha. I love you ma. Bye!”

45mis. away lang yung bar sa bahay. Malapit din dito ang school ni Julia, if ever makapasok ako this sem dun din ako papasok.

Instant Boyfriend? just add water.. [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon