Tagalog Love Poems

4.9K 20 3
                                    

“TEXT”

Heto’t nakatulala na naman ako,

Walang sawang naghihintay sa text mo;

Ilang oras na nga ba akong ganito?

Mga six hours and 11 minutes na siguro.

Bakit di’ ka pa nagse-send ng message?

Busy ka ba like nagto-throw ng garbage?

Baka naman may lagnat na may kasamang sipon?

Haay! Mababaliw na ako sa kakaisip ng posibleng rason.

Hanggang sa pagkain dala-dala ang cellphone,

Hindi na nga na-enjoy ang paborito kong bihon;

Bakit naman kasi ayaw mong mag-reply?

Natutulog ka kaya o di kaya’y nagsusuklay?

Nang walang anu-ano’y tumunog ang cp,

Ako’y biglang nag-smile na parang crazy;

Tiningnan ko kung sayo ba talaga galing,

Pero na-dissapoint ako dahil galing pala kay Aling Suling.

Wala sa mood na niligpit ang pinagkainan,

At nakalimutan na ito’y kailangan pang hugasan;

Padabog na pumasok sa kwarto at nagmukmok,

Hindi mapakali kaya umupo na lang sa isang sulok.

Walang anu-ano’y cellphone ko’y nag-beep once,

Puso ko ay parang biglang nag-clap hands!

Nang makita ko ang pangalan mo sa screen,

Biglang kinabahan, di malaman ang gagawin.

Nanginginig ang kamay nang pindutin ang “READ” button,

Message mo’y di kinaya at tuluyang napatalon;

“Gustong-gusto kita alam mo ba iyon?

Mahal kita sa di ko malamang rason”.

Napatili at napa-“oh my god” ng paulit-ulit,

Hindi makapaniwala but I’m totally loving it! J

Kung kanina ay todo emote at wala sa mood,

Ee ngayon? Well, I can’t deny it but I’m feeling good!

With all heart na nag-type sa magiging reply ko,

Pero nang si-nend ko na? Badtrip! Ubos na pala load ko! (hehe)

                                                               

Tagalog Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon