Avery Grace de Leon
Naglalakad ako pauwi galing school nang makita ko si nanay, nasa ibang lalake na naman. Binalewala ko ito ngunit nakita ako ng lalake. May binulong ito sa kanya kaya napatingin si nanay sa akin.
"Avery, anak! Nakarating ka na pala. Ah, si Emilio nga pala, boyfriend ko." tinignan ko lang siya na parang hindi na bago sa akin 'yon.
"Ah, sige nay. Uwi lang ako." walang ganang sagot ko.
"A-ah, anak—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tumalikod na ako.
Pokpok, yan ang tingin ng karamihan sa kanya. Kaya parang nasanay na rin akong lagi siyang may lalake. Bukas ang isip ko sa mga ganyan.
"Avery, 'yong nanay mo, may benta na naman." sabi sa akin ni Aling Nene— kapitbahay namin. Nginitian ko na lang siya at pumasok na sa bahay.
Benta? Anong binebenta niya? Katawan niya? Hindi iyon ang ibig kong sabihin pero alam kong iyon ang ibig sabihin ni Aling Nene.
Nagbihis ako at nagpahinga.
"Subukan mong hindi umuwi ngayon, lalayasan kita at wala kang maaasahan sa'kin." sabi ko sa isip ko at pumikit.
Alas otso y media na ngunit wala pa siya. Lumabas ako ng bahay upang bumili ng pagkain.
"Oh, wala pa ba si Roselita, Avery?" malamang, may nakikita ka bang pagmumukha ng nanay ko dito?
"Wala pa po," sagot ko. "sige, sabihin mo na sa mga kapitbahay yan ng aware sila sa buhay namin." sagot naman ng utak ko.
"Aba'y posibleng nasa bagong nobyo na niya iyon. Huwag mo nang hintayin iyon dahil hindi na iyon uuwi sa'yo ngayong gabi." sabi niya.
"At kailan ka pa naging interesado sa buhay namin? Ganyan talaga kapag tsismosa, ano? Tanda tanda mo na, nangingialam ka pa." pero syempre hindi ko sinabi iyon.
"Ah, sige lang po. Sanay na rin naman ako." ngumiti ako sa kanya at umalis na.
Pumunta ako sa Zoe's Karinderya at namili ng uulamin.
"Aling Zoe, magandang gabi ho. Anong masarap ngayong gabi?" tanong ko sa kanya.
"Aba'y lahat ng iyan masasarap, hija." ngiting sagot ni Aling Zoe.
"Sige po, bibilhin ko na etong tortang talong ah." sabi ko at kumuha na.
"Anong balita sa magaling mong ina?" tanong niya.
"Aba, hindi nito ho ba nabalitaan?" takhang tanong ko.
"Oh eh, ano nga?" ulit niyang tanong.
"Ayun, umiiral na naman" sagot ko.
Kay Aling Zoe lang ako mabait dahil siya lang ang umiintindi sa sitwasyon ko.
"Haynaku, itong si Roselita talaga. Napakalandi. Aba'y mabuting nag-iisang anak ka nang hindi ka maperwisyo sa nanay mong iyan." natawa ako sa reaksiyon niya.
"Buti naman po alam niyo, eh perwisyong perwisyo na nga po ako't wala na namang balak umuwi." sagot ko.
"Oh, siya sige. Umuwi ka na." pagtataboy niya sa akin. Ganyan siya kapag hindi niya na nagugustuhan ang pinag-uusapan namin.
Umuwi na ako at kumain. Pagkatapos naman ay natulog na.
——————————————————
A/N: Thank you for reading this, hope you enjoyed. Btw, got the cover from google so credits to whoever own the photo.Thank you and God bless!