Dedicated to sa gumawa ng cover. Alam mo na kung sino ka :)) God Bless!
==============================
High School.
Dyan mo ma-e-experience magpasa ng project na lampas deadline na.
Dyan mo mararanasan bumagsak sa Algebra.
Dyan mo maiintindihan kung bakit may Chemical Formula sa Science.
Dyan mo magagawa ang mga kalokohan kasama ang mga kabarkada.
Dyan ka ma-i-i-stress. Dyan ka mapupuyat. Dyan ka maguguluhan.
Pero.... Take note, ISANG MALAKING PERO.
Ang High School,
Dyan mo mararanasang magkaroon ng crush, kiligin, masaktan, makapagmove-on...
So on and so forth...
Gusto niyong malaman yung kwento ko? Oh sige na nga.
=========
"Manong, scramble nga po."
"Ilan?"
"Dalawang tigsa-sampu po. Yung toppings, ah... rice crispies po at nips."
"Ah. Okay."
Habang hinahanda ni Manong yung dalawang scramble, tumingin ako sa tabi ko at nasulyapan ang grupo ng mga estudyanteng naka-kumpol habang nag-uusap, nagkukulitan at kung ano-ano pa. Ang kukulit naman ng mga to. Naisip ko. Nandito kaya yung tinutukoy ni Sir Neil?
May kinwento kasi si Sir Neil sakin, yung adviser ko, tungkol sa isang taga-first year na kinatutuwaan niya. Tss. At sino naman yun aber? Bihira ko lang kasi makita si Sir Neil na namamangha sa mga estudyante niya. Pero iba to eh. Isang araw lang naman siya nagturo sa klaseng iyon. Isang araw na lumipas din. Pero ano to? Bakit namangha na kaagad siya dito? Ano bang nakita niya dun?
Ang dinig ko, matalino daw itong lalaking ito. Oo, tama kayo. Lalaki nga. Mahilig daw siyang magtanong kapag natuturo si Sir at dahil dun, namangha siya. Magaling rin daw itong sumagot sa mga tanong niya na nakakadugo ng utak.
AT NAKU-CURIOUS NA KO. AS IN SUPER!
Sino siya? At ano ang secret recipe niya, na namangha kaagad si Sir Neil sa kanya?
"Uy! Ano ba yan, tulala ka na naman Gail. Kanina pa inaabot ni Manong yung order natin."
"Ay! Oo pala. Eto po yung bayad." inabot ko na kay Manong yung bayad at kinuha narin ang order namin.
Yung nagsalita kanina? Ah, si Cess yun. Siya yung isa sa mga bestfriends ko. Apat kami sa grupo. Ako, si Cess, Anna at Klaire. Ako nga pala si Gail. Second year high school na ko. Maya-maya, may lalaking galing dun sa grupo ng mga maiingay na estudyante ang pumunta sa scramble-an ni Manong at um-order. Siguro, isa ito sa mga kaklase niya. Kailangan ko siyang makilala. Desperada na ko. Kailangan kong malaman kung paano niya napamangha si Sir Neil.
"Kasi naman, naku-curious parin talaga ako dun sa first year na tinutukoy ni Sir Neil na magaling mag-recite sa klase nila. Velasco ba yun o Virtuoso? Vicintio ata? Malay ko ba?" baling ko rin agad kay Cess. Di na niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagkain nung scramble niya. Yung lalaki naman sa tabi ko, napatingin sakin.
