++++++++++++++++++++++++++++
Shot 03: “A Best Friend’s Secret”
++++++++++++++++++++++++++++
Best Friend.
Yan yung taong laging karamay mo sa hirap at ginhawa.
Wagas makahampas sayo pero sobrang sarap mag-comfort.
Kung makakuha sa kinakain mo eh parang siya yung bumili, pero sobrang mapagbigay naman sayo pagdating sa iba’t ibang bagay.
Siya yung taong kung makapang-asar sayo eh sukdulan pero handang makinig naman pagdating sa mga seryosong bagay.
Yung kung makalait sa girlfriend ng crush mo eh kulang nalang sipain yung babae papuntang ibang planeta, pero sobrang maalalahanin naman pagdating sayo.
Ang sarap magka-best friend noh?
Pero pano kung yung best friend ko ay ang mismong taong kinaiinggitan ko?
At pano nalang din kung ang pinaka-iisang sikretong gusto kong i-share sa kanya ay hindi ko masabi? Dahil sa sikreto na yon nakasalalay ang pagkakaibigan naming dalawa?
Ano yung sikreto na yon? Well… Iyon ay ang salitang tinatawag nilang…
Pag-ibig.
Pero hindi talaga yon ang problema ko.. Dahil ang tunay na problema ay sa iisang tao lang namin natagpuan ang salitang iyon.
********* After class…
“Nica! Tara! Nasa library daw si Jelo! Samahan mo ko!” sabi ni Arly, best friend ko.
“Ha? S-Sige..” Hinayaan kong hatakin ako ni Arly papuntang library. Gusto niya kasing makita si Jelo, yung almost four years na niyang crush at running for valedictorian din sa school namin kaya naman lalong naiinlove si Arly sa kanya.
At sa kasamaang palad, almost FOUR YEARS ko na ding tinitingnan ng palihim si Jelo. Ang hirap nga eh, kasi sa kaisa-isang taong gusto kong pagsabihan ng feelings ko ay hindi ko naman mapagsabihan.
BINABASA MO ANG
1 SHOT STORIES by Nikkidoo
Teen FictionAll Rights Reserved. Copyright 2012 by Nikkidoo.