CK's POV
Palagi nalang Christian, Christian, Christian! Eh wala na nga siyang panahon para sakin,tapos pagdating kay Christian magleleave siya ng work? What the heck!?
" Foo,minsan lang naman to eh. At saka wala kasing susundo kay Christian sa airport kaya ako nalang ang susundo sa kaniya."-sabi ng girlfriend ko. Ok lang naman sakin na sundoin niya ang bestfriend niya eh. Pero may gusto si Christian sa kaniya at alam komg alam niya yun.
"At nag leave na ako sa trabaho. Please?"-pakiusap niya.Arrg that cute face again?"No. Imbes na bumyahe kapa papuntang airport,ipahinga mo nalang yan. Ilang linggo ka naring walang day off dahil sobrang busy nyo sa office."-seryosong sabi ko naman dito. She just frowned with a small pout.
"But,how bout Christian? Nag promise akong susundoin ko siya."-sabi naman nito.
I sighed." Ako na ang susundo sa kaniya."
I saw a smile forming on her lips ." Really!?"-and I just nodded. At bigla niya akong niyakap." Thank you! I love you"
"Alright, I know. I love you too."- sabi ko saka kumalas na siya sa pagyakap sakin na nakangiti." Magpahinga kanalang ulit,alam kong ilang araw narin ang papupuyat mo dahil sa work. I dont want you to be sick."- I said and she smiled again.
Lumapit siya sakin at niyakap ulit ako saka ipinatong ang ulo niya sa dibdib ko. At niyakap ko na rin siya."Thank you for being caring foo."
"I'm your boyfriend, so dapat lang na nagke-care ako sayo."-sabi ko at napaharap siya sakin. I smiled at her and peck her lips. We're in a relationship for 3years na and I hope na madagdagan pa yun. I want to marry her. I want to marry the woman who can make my heart skip a beat by just smiling like that. I just love her so much and I dont want to let her go.
~~~~~~~~~~
Nakarating na ako ng airport at mga 30 minnutes na akong naghihintay dito. Hayst,kung hindi lang talaga dahil kay V,hindi ko talaga susundoin ang mukong nayon. Me and Christian, are not in good terms. Ewan ko ba, kahit anong try ko na kaibiganin siya, kusang umiinit talaga ang ulo ko pagnakita siyang kasama si V. Mabait naman si Christian eh, pero nung nalaman ko na may gusto siya sa girlfriend ko, parang ayoko na siyang lumapit dito. Saka hindi boto sakin yun para sa bestfriend niya kasi mas gusto niya yung isa. Tsk.
Ngayon naghihintay na ako dito kasama ang ilang tao na hinihintay rin ang pamilya nila. Inayos ko ang cardboard na may pangalan niya. Nakita kong may kumaway sakin at nakilalang siya na nga yun. Dali-dali naman akong umalis at lumapit sa kaniya. Ngumiti siya sakin sabay manly hug.
"Musta na bro?""Ayos naman."-simpleng sabi ko at nagsimula ng maglakad palabas. Nakasunod lang siya sakin.
"Nga pala, akala ko si Viv ang susundo sakin?"-tanong niya.
"Pinahinga ko na muna siya kasi ilang araw nadin siyang hindi nakapagpahinga."-sagot ko at binuksan ang kotse. Tinulongan ko muna siya sa mga gamit niya na ipasok saka pumasok narin kami at nagdrive na ako.
"Isa ka parin bang photographer?"-tanong nito.
"Hindi na, tinanggap ko na yung inalok ni daddy sakin na ipatakbo ang kompanya nila ni lolo. "-sabi ko at napatango siya. "May gusto kaparin ba sa kaniya?"-seryosong tanong ko.
"Oo,as a friend. Kasi narealise ko na, masaya na si Viv sayo. At hindi ko naman gusto na sirain yung relasyon niyo no? Saka may girlfriend na ako bro."- nakangiting sabi niya." At alam din ni Viv yun."
"Mabuti naman, congrats. Wag kalang masiyadong dumikit sa kaniya."-babala ko dito. Alam kong ang rude ko kay Christian, pero ayaw ko lang na mas sweet pa silang dalawa kesa samin. Ok lang sana pagbabae siya, eh lakaki to eh.