This is a collaboration to FANGAY of 2Yellowmonster3,basahin nyo po yon,maganda! Comedy at romance,sumakit tyan ko sa kakatawa at kinilig ako sa mga kilig moments! Hindi po kayo magsisisi pag finollow nyo sya at binasa ang story nya,its worth it! =)
Bracelet
CHASTY ---
10:45PM ay umalis na ako ng hotel,nag jacket din ako dahil malamig. Wala naman ibang park na malapit dito maliban dun sa isa na madami ng history,yun siguro ang tinutukoy ni Keyven.
Nag taxi ako,at ng makarating dun ay walang katao-tao. Nanginginig ako,hindi ko alam kung dahil sa anticipation o dahil sa malamig?
May isang lalaki na naka upo sa bench na nasisilungan ng sanga ng puno. Naglakad ako palapit kahit nanginginig ako. Sigurado ako si Keyven na iyon,gusto ko na lang na mapatawad nya ako at bumalik na sya sa dati. Gusto ko ng matapos ang lahat.
"Keyven?" ani ko. Tumingin sya sa akin. Si Keyven nga,naka hood kasi sya,para siguro walang maka kilala sa kanya.
"Akala ko hindi ka dadating,upo ka dito sa tabi ko." aniya.
"Bakit ngayon? Pwede naman bukas,sinong nag aalaga sa baby?" ang nag aalala kong tanong.
"Ngayon kita gustong makausap. At saka may yaya ang anak ko." aniya.
"Ano ba pag uusapan natin? Pagkatapos ba nito ay mapapatawad mo na ako at babalik ka na sa dati?" ang kinakabahan kong tanong,medyo nakaka trauma kasi yung mga pambabara nya sa akin nung nakaraan. Buti ngayon ay mahinahon sya.
"Depende. Kung maganda ang patutunguhan ng usapan natin baka mapatawad kita at maging okay na ang lahat." aniya. Napalunok ako,dapat magpaka bait ako para maganda maging flow ng usapan namin.
"Ganon ba--"
"Sino yung lalaking kasama mo?" pamumutol nya sa sasabihin ko.
"Si Ky,kaibigan ng kapatid ko at ano,uhm nanliligaw sa akin." sagot ko,marahas syang tumingin sa akin.
"Nagpaligaw ka? Ganon mo ako kabilis napalitan?" aniya. "Sa bagay,isang taon tayong hindi magkasama."
"Hindi ganon yon. Pinabayaan ko sya kasi makulit sya kahit sinabi ko ng may mahal pa akong iba." ang agad kong sagot. Dibale ng masabi ko ulit ang damdamin ko para sa kanya.
"Bakit? Sino ba ang mahal mo?" aniya,pero hindi sa akin nakatingin. Mabuti na lang at maliwanag ang ilaw ng poste,kahit naka sideview ay ang gwapo pa din nya. "Ako may mahal din."
Pumitik ang puso ko at kumalabog ng mabilis. Pakiramdam ko ay mabibingi ako.
"I-ikaw. Ikaw pa din ang mahal ko,kaya nga nagso-sorry ako. Sana mapatawad mo ako,bumalik ka na sa dati,kahit hindi na tayo magkabalikan." kinakabahan kong sabi. This time,nilingon nya ulit ako,nanliit ang mga mata nya.
"Ayaw mong magkabalikan tayo?"
"Ehh.. Uhm,diba sabi mo may mahal ka?"
"So stupid,Chasty. Bakit kita hahalikan at yayayain dito? Ikaw lang naman ang mahal ko hanggang ngayon." aniya na ikinanganga ko,parang umangat ang sikmura ko at uminit ang puso ko dahil sa sinabi nya. "Galit ako,galit na galit,pero mahal na mahal pa din kita."
"Diba may girlfriend ka?"
Hindi sya sumagot,bigla nya akong hinalikan. Yung halik na mapanukso,yung tipong you would crave for more.
Hindi na ako nakatiis,hinawakan ko ang ulo nya at hinalikan sya ng buong pagmamahal,napaungol sya ng sinipsip ko ang lower lip nya.
Hingal na hingal kami ng maghiwalay ang mga labi namin.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...