After cleaning everything, nagdiretso na kaming pasok sa kanya kanya naming cottage, habang papalapit ako sa pinto palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko. Paano ako makikipag share ng room and bed sa taong isang taon kong di man lang nakita, sa taong minahal ko ng matagal pero mas pinili kong iwanan.
"Calm down Rhian". I told myself.
Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang nagkalat na damit ni Glaiza, habang sya tulog na tulog na sa kama. Ang kama na pang dalawahan pero mukhang solohan lang sa kanya. Iniligpit ko muna ang mga damit nya at inilagay sa cabinet na naka assign sa amin pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at kinuha ang hawak hawak na psp at tinanggal ang headphone sa ulo nya. The same old Glaiza, nakakatulugan na ang paglalaro.
After putting all her things on the side table, I tap her shoulder para magising.
"G." I called her three times but still tulog na tulog.
So i let her be. Kumuha na lang ako ng isang unan at nagdecide na sa sofa matutulog. Pero bago ako umalis sa tabi nya ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha nya. I realized what I've lost a year ago. And then lahat ng masasayang memories namin together came in. I shake that thought at dumiretso na sa sofa.
++
"Rhian, hey!" Pagmulat ng mga mata ko, sya kaagad ang nakita ko. What a beautiful morning indeed. I smiled immediately and was leaning for a hug. When she gave me frown.
What the fuck Rhian, you were just day dreaming. I told myself quietly.
Sa sobrang pagkapahiya ko dali dali sana akong tatalikod ng maramdaman ko ang sobrang sakit ng leeg ko.
I literally screamed in pain.
"Ouch."
Kaagad naman akong tinulungan ni Glaiza makabangon.
"What happened?"
"My neck, ouch." I said while massaging my neck.
"Stiff neck, bakit ka ba kasi dito natulog?
"I was trying to wake you up kagabi, kaso hindi ka na talaga magising, so dito na lang ako natulog."
"You should try a little harder, ayan tuloy na stiff neck ka."
I heard a bit of concern.
Sasagot pa sana ako ng biglang pumasok sina Chynna at Angge.
"Hey hey hey good morning." Chynna greeted and sat beside me.
"Oh! Kamusta ang first night?" Angge teased.
I gave her a death glare.
"First night dito sa island, dito sa resort." Paglilinaw ni Angge.
"Mukhang may napalaban ah, ano yan?" Chynna reffering to my neck.
"Nagka stiff neck, dito ba naman sa sofa natulog." Glaiza explain.
"Laki laki ng kama, bakit naman dito mo naisipan matulog sa sofa, natatakot kang tumabi kay tsong no? Aminin."
"Of course not."
"Ay alam ko na baka gapangin ka ni tsong no, kaya nagsigurado ka. Ikaw talaga tsong ha. " Natatawang pang aasar ni Chynna.
"No way." Depensa naman ni Glaiza.
Hindi ko alam kung bakit sa simpleng sagot nya ay napikon ako.
"No way ka dyan, eh paano ako makakatulog sa kama kung buong space ng kama sakop mo na?" Naiinis kong bwelta.
YOU ARE READING
Your Choice
RomancePaano kung bumalik? - Bianca Paano ka babalik sa taong tapos ka ng mahalin? - Chynna