5. Sa Unang Pagkakataon

86 6 0
                                    

Sa unang pagkakataon, hindi papel at pluma ang nais kong mabungaran sa umaga
Sa unang pagkakataon hindi ako nagpalunod sa mga paksang dulot ay sakit at pagkabalisa,
Sa unang pagkakataon, ay may isang ikaw na rumenda't umukopa sa malikot kong pananalata
At sa unang pagkakataon ay nabigyang hustisya't depenisyon ang salitang malaya

Ilang taon naniwalang ako'y nakakulong sa pag-ibig na hindi mabibigyang tugon
Ngunit sa pagdating mo, bumuhos ang sanlibong kwestyon
O bakit tila kay layo pa ng damdaming akala ko'y siya nang tinatawag na pag-ibig noon?

Kaya hayaan mong ikaw ang piliin ko ngayon
Sapagkat dinala mo ako sa mas malawak na dimensyon,
At sa mas malalim na depinisyon,
Ng pag-ibig na dumarating lamang kapag tama na ang panahon

Ngunit ang akala kong pagtingin na matutugunan,
Tinanggihan mo rin sa dahilang ako'y kaibigan lang.

Sinagip mo ako para bitawan din
Pinalimot para bagong alaala naman ang itanim
Hinilom para saktan lang ulit
Pinakilig para paasahin at muli akong mangulit
Pero salamat pa din sa pagdating upang magpabatid
Na hindi nasusukat sa tagal ang pag-ibig.

Sa pagkakataong ito ay nalaman
Na kahit ako man ang naiwan
Ay kaya ko nang bigyan ng mas malalim na kahulugan ang pagmamahal
Kaya sa susunod kong mga akda
Kahit hindi na ikaw ang paksa
Mas totoo na ang bibitawan kong kataga.

Kaya salamat.

Hindi mo man intensyon na ako'y masaktan
Hindi man sadya ang mali kong pakahulugan,
Salamat,
Wala akong pinagsisisihan.


100 TULA: Sa Panauhin ni KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon