Totoo ba ang FOREVER ?

58 1 0
                                    

Pano mo nga ba malalaman kung totoo ang forever ?

Pag naging kayo ba ng taong gusto mo, forever na yon ?

Masusukat ba ang forever pag nag iloveyou(han) o nag imissyou(han) kayo ?

Sabi nga ng iba 'di daw sila naniniwala sa oras dahil hindi naman daw inoorasan ang forever.

Pero hanggang kailan ka magtitiis at maghihintay ng taong mag mamahal sayo at magaalaga sayo hanggang pagtanda ?

Minsan makakakita ka ng mga couple sa lansangan. Ansaya nila tignan, parang ansarap mainlove.

Pero makakakita ka rin ng babae sa coffee shop at naiyak kasama ang boyfriend niya. Mapapaisip ka na lang na parang Gan'to kaya ang kalalabasan ng isang relasyon pag merong hindi pagkakaintindihan ?

Sabi ng iba mahirap daw pumasok sa isang relasyon kailangan daw ng malawak na pag-iisip at paguunawaan.

Ako ? Hindi ako naniniwala sa forever wala rin akong pakealam sa mga ganitong bagay, bigla lang akong napaisip ng gan'to.

Basta ang alam ko hindi natin hawak ang mundo lahat ng bagay ay nakaplano ayon kay GOD.

Kaya hahayaan ko na lang alunin ako ng kapalaran dahil sa dulo iikot lang ng iikot ang mundo iiwan ka din ng taong itinuturing mong buhay mo. 

Dahil iisa lang ang cycle ng buhay. May MAWAWALA at may mga bagong PAPALIT.


Ako nga pala si  Claireville Bustamante Salvador Cruz. Claire na lang para maikili. 

Isang lang akong normal na babae kaso sa mata ng ibang tao. Hindi.

Mahaba ang buhok(Hanggang Bewang), Medyo mapayat, Maputi, 5'2, Nakasalamin, at nakabrace.

Hindi ako lapitin ng mga tao, tanging si mama lang at ang alaga kong aso ang lagi kong kausap.

Hindi naman ako mahirap pakisamahan marunong akong makisakay sa trip ng iba kaso hindi nila trip kausapin ako. Naweweirdohan daw kasi sila sakin. Tahimik daw ako at laging nakatulala.

Accounting ang course na kinuha ko sa DLSU-D. 18 Years old at 2nd Year student.

Masaya naman ang buhay ko, kahit wala masyadong kausap nandyan naman ang ipod at earphone ko para suportahan ako sa mga gusto ko.

Isang normal na araw lang para sa'kin ang lahat ng araw. Pumasok ako sa school ng 8:30 dahil 9:00 ang simula ng una naming subject.

The Breakdown.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon