Chapter 10

460 39 1
                                    

Nasa may gate palang kami pero naririnig ko na yung boses ng pamilya nya

Jusko po panginoon biyayaan nyo po ako ng sapat na kakayahan sa englishan kahit ngayong gabi lang

"Are you okay?" Nahalata nya siguro na kinakabahan ako

"Nahihiya ako"

"Don't be. They like you. Lika na"

They like me? Paano?

"Mom i'm here!"

Natutuwa ako at nakikita kong buong pusong tinanggap ni Edward yung step mother nya

"Hey Dad! How are you?"

"I'm fine Son"

"Laura, ano nangyari? Tumaba ka hahahahaha"

"Pasalamat ka may kasama ka kung hindi knocked out ka na"

Medyo na relieved ako nung narinig ko na marunong mag tagalog yung kapatid nya, at least isa nalang ang kalaban. Char!

"Good evening po!" Bati ko sa kanila

Makikipagkamay sana ako sa Step Mom ni Edward pero hinila nya ako at nakipag beso

"Hello po Ma'am"

"Tita Cathy"

"Ay hello po Tita Cathy hehe" ang bait ng Mama nya

"Goodevening Sir!"

Ganun din nag beso din kami

"Do I look like a professor? Haha call me Tito Kevin instead"

"Hahaha okay Tito Kevin"

"Hello! I'm Laura, Edward's beautiful sister"

"Yuck" bulong ni Edward

Baliw talaga to. Maganda naman talaga yung Ate nya eh sobra. Parang manika

"Mom, Dad, Laura, this is Maymay, my bestfriend... here"

"Oohh smooth bro" bulong ni Laura pero narinig ko

"Stop it! Mamaya na okay!"

Uhm anong meron?

"Let's eat na" pagyaya ni Tita Cathy

Ang dami nilang pagkain na hinanda

May kaya sila Edward. Hindi maipagkakaila

May mga kasambahay din sila

Pero never kong nakita kay Edward yung pagmamalaki

Kaya siguro malapit ako sa kanya dahil yun ang pinaka ayaw ko sa tao yung mapagmalaki at wala yun sa kanya

Habang nagkkwentuhan sila Tita Cathy at Tito Kevin may naalala ko

"Edward, wala pa yung kababata mo?" Bulong ko sa kanya

"She's already here actually" nagulat ako nung sumingit si Laura

"Ha? Saan sya?" Tiningnan ko pa yung pinto nila at nag abang ng papasok

"Beside me" sabi ni Edward habang kumakain pa din. Hindi nya ako tinitingnan

Katabi nya? Wala naman syang katabi

Hala! Baka patay na din yung bff nya at kaluluwa yung sinasabi nyang katabi nya kaya hindi ko makita?

Shet maling desisyon ata na sumama ako dito at kinaibigan ko si Edward!

"In between Me and Edward" sumali na din si Tito Kevin na katabi ko

Wait

Sa gitna ni Tito Kevin at Edward?

A-ako?

"What you're thinking is right"

Nakita ni Edward na takang taka na ako

"H-hindi ko maintindihan. Bakit ako? Ako yung bestfriend mo?"

"Maybe we should leave you. Talk guys" sabi ni Tito Kevin at tumayo na sila ni Tita Cathy at Laura sa table

Kami nalang ni Edward ang naiwan sa table

"Anong meron ba? Hindi ko maintindihan eh"

"Ikaw. Ikaw yung bestfriend ko. Yung kababata ko"

"Papaanong ako? Eh ngayon lang tayo nagkakilala diba?"

Gulong gulo na ako dito

"You and your family originally lives in Bulacan before where we also live before. We used to be neighbors even before we are born. Ang Mama mo at ang Mama ko ay naging magkaibigan nung lumipat kami sa Bulacan. And since then, hanggang ipanganak na tayo ay neighbors pa din tayo. Until one day, your Dad decided na lumipat kayo dito sa Manila. Nauna nang umuwi dito yung parents mo and iniwan ka muna samin hanggang matapos mo yung school year dahil magkaklase naman tayo. Nung end of school year na which is the time when you're going to Manila, my Mom said na sya na ang maghahatid sa iyo dito. Ayun dun nangyari lahat. Nung umalis pa nga kayo ni Mama ay tulog pa ako kaya nung nalaman ko na naka alis na kayo, iyak ako ng iyak nun. Sabi ni Dad nung on the way na kayo ni Mama papunta sa terminal ng bus, dun kayo naaksidente. Nung nalaman namin, we rushed to the hospital where you and Mom got admitted. But... when we arrived... Mom was already dead..."

Hindi ko na alam yung mararamdaman

" Dad was really really angry that time. It happens na he blame you and your family because of what happened to Mom. Kaya simula nung aksidemteng yun, naputol na talaga yung connection natin and ng family natin. Umalis kami ng hospital nun ng naka admit ka pa and after that wala na kaming balita sa inyo. I told Dad na I want to find you but he said... you also die because of the accident. Simula nun hindi na ako nagkaroon ng kaibigan. Natakot na ako. Kasi iniisip ko na baka iwan lang din nila ako tulad ng ginawa mo"

Naluha na sya

Ako? Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman

Ang dami ko pang tanong

"Pero bakit hindi ko maalala ang lahat? Ikaw? Sila Tito Kevin?"

TreffenWhere stories live. Discover now