Chapter 17

67 3 0
                                    

William Dela Vega

"Bakit niyo hinayaang mangyari 'to?!!"

Kausap ko sa ngayon ang principal at ang guard ng eskwelahang pinapasukan ni Irish, gayundin ang ang pulis na kanina ay tumawag upang papuntahin ako sa hospital na kinaroroonan namin ngayon.

" Ayon po sa bata na huling nakasama ng inyong anak, tumawid po  ito ng kalsada, pero ng pabalik na ay nahulog ang bracelet na binili nito, at aksidenteng nahagip ng sasakyan... Sa ngayon po ay nahuli na ang may-ari ng kotse na nakabangga sa inyong anak." Pagpapakiwanag ng pulis...

" Bata ang nakakita??!.. Eh anong silbi ng guard sa school niyo!? "

tanong ko sa principal na ngayon ay hindi makatingin sakin ng diretso.

" Ser, patawad po ... Nasa  pinakaloob po ako ng eskwelahan ng mangyari ang aksidenteng iyon. Huwag niyo po akong ipakulong, may pamilya pong naghihintay sakin maawa na ho kayo".. Sabi ng guard na ngayon ay nagmamakaawa na sa harapan ko.

"Patawad? Maibabalik pa ba ng salitang iyan ang buhay ng anak ko. Kung naging responsable lang sana kayo, hindi siya mamatay.!"

"Mr. Dela Vega, huwag niyo naman ho sa'min isisi ang lahat , because we are all not aware sa aksidenteng na nangyari.  At kung alam lang po namin ay hindi naming hahayaang may batang mamatay, lalo pa at estudiyante ito sa aming paaralan. And during that accident ay halos nakauwi na ang lahat ng mga bata dahil dismissal na nila noon. So, we are expecting na nakauwi na sila sa mga tahanan ni---"

kinuwelyuhan ko ang gagong prinsipal na kumakausap sakin. Dahil sa walang kakuwenta-kuwenta niyang dahilan. Pilit namang pumapagitna sa'min ang pulis para awatin ako.

"That's Bullshit,!!! Mr. Principal!!. Still, it's your responsibility na bantayan sila, hindi lang ang anak ko kundi pati na rin ang ibang bata uwian man nila o hindi, dahil wala pang kilometro ang layo niya sa letcheng paaralan ninyo... !!! Ready yourself dahil magsasampa ako ng kaso laban sa iyo at sa paaralan."

Iniwan ko na lamang sila, at nagtungo sa morgue ng hospital.


I felt the coldness once I step inside, as I  followed the nurse in front of me, itinuro nito ang isang direksiyon kung saan nandon ang bangkay ni Irish.

Dahan-dahan akong lumapit sa katawan na sinasabi ng nurse. Nanginginig kong hinawakan ang puting tela na nakabalot sa katawan, at ibinaba ito upang masilayan ang mukha ni Irish.

Namumutla ito at makikita ang mga bahid ng sugat na marahil ay natamo niya mula sa pagkakabangga. Yumuko ako para halikan ang kaniyang noo, at muli ay nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko. 


"Sorry, I should be the one to protect you anak, pero hindi ko nagawa... But thank you for giving me a privilege to be your father Irish"

Bukod kay Cristine  ay gusto ko ring sisihin ang sarili ko,  na may kasalanan rin ako sa pagkawala niya.

"Why are you saying sorry to her? You've been a good father to your child william, and if only she could talk…she would probably say that you are the best and that you did what's best for her, always"

hindi ko napansing dumating na pala ang magulang ko.. Tumabi sakin si mama samantalang si papa ay nagpaiwan sa labas at kinakausap ang nurse na kanina ay nagaasikaso sa ibang bangkay.

"No ma,,, I failed this time, if I always did  what's best, sana kapiling ko pa si Irish"

"Shhh.. Don't say that. Hindi mo ginusto ang pagkamatay niya at wala kang kasalanan."
Alam kong hindi malapit ang loob ni irish sa mama ko, pero kahit ganoon ay alam ko rin na sa kabilang banda ay may pakialam si mama sa nagiisang apo niya.

"  I already called your uncle Vernon, to handle your daughter's wake this evening. Sinabi ng nurse na mamaya lamang ay kukuhanin na rin dito ang katawan ni Irish, mauna na kayong umuwi at may aasikasuhin din ako"

hindi na kami kumontra pa ni mama, at minabuting umuwi na lamang sa bahay nila. Bigla ko tuloy naalala ang asawa ko ng iwan ko ito, napasabunot ako sa aking buhok, dahil sa pagkainis at pagkagalit kay Cristine . Mabuti na lamang at wala roon ang kapatid ko dahil kung nagkataon ay baka mapatay ko lang si migz at ako naman ang dalawin ng magulang ko sa bilangguan.
...



Nasa kahimbingan na ako ng tulog ng marinig ko si papa at ang malalakas na katok nito sa pintuan ng kuwarto ko. Nakauwi na pala siya. Inaantok man ay bumangon na rin ako at pinagbuksan siya ng pinto,. Hindi pa man nakakabawi ay binigyan agad ako ng suntok ni papa na dahilan ng pagkatumba ko. Wala si mama dito sa bahay, dahil sa malamang ay umaawat na ito sa mga pinaggagawa ng asawa niya.


"Pa! Ano bang problema mo!"

Pasigaw na tanong ko rito, dahil wala akong makitang dahilan para saktan niya.

"Ikaw, have you asked yourself already kung ano ang problema mo, you're hurting your wife william. Is it because of what happened 3 years ago? Ang tagal na noon anak, kailangan mo pa talagang saktan siya ng ganon".



" YES. Are you happy? It's because she had sex with migz, kahit saang anggulo tingnan she betrayed me, both of them. At namatay si irish because of their selfishness, susunduin niya dapat si irish, but then I saw them, and you know what? kitang-kita ng mga mata ko na naglalampungan silang dalawa. Kung sinundo niya ang anak namin hindi siya mawawala. Now, would you mind living this room dahil magpapahinga muna ako para mamaya"



Tatalikuran ko na dapat siya pero muli niya akong pinaharap sa kanya.



"Do you  think na ginusto niya iyon? At mas may tiwala ka pa sa kapatid mo at sa nakikita niyang mata mo. I don't think kayang gawin iyon ni Cristine. Hindi ka man lang ba naaawa  sa kanya. You're lucky enough dahil hindi siya nakikipaghiwalay sa'yo. Nakasalubong ko ang kaibigan niya sa hospital, at sinabi niya sakin ang mga kagaguhan mo... Nakita ko siya at kulang na lang patayin mo siya. Hiwalayan mo na ang asawa mo william. "




" I wont do that, never will I follow your command pa. At bakit ba ganyan mo na lang siya ipagtanggol,ano  bang rason? Dahil ba parehas kayo? Ahh.. Is it because parehas kayong manloloko, now I understand. Sorry pa, you are too late hinding hindi ko na siya hihiwalayan,, marami pa akong plano para pahirapan siya, so better yet huwag niyo na akong pakialaman. In all fairness ah, ang bait mong biyanan dinalaw mo pa siya. Ano? 50:50 na ba patay na ba siya??"


Umaasa akong pagkatapos itong marinig ng aking ama ay muli kong matitikman ang mga kamao niya, pero taliwas dito ang nangyari .



"Hindi ko alam na mas masahol ka pa pala sa kapatid mo... I cheated on your mother, yes. But if ever na siya man ang magkamali hinding hindi ko susubukang gawin ang ginawa mo. You're sick william, you're sick. Buksan mo ang isip at puso mo para magpatawad at makita ang to too. Wala siyang kasalanan"

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon