Chapter 18

60 3 0
                                    

Cristine Dela Vega

"Are you really sure with this?" 

Nakakailang beses na akong tinanong ni grace. Pero kahit ilang beses niya akong tanungin ay walang magbabago sa desisyon ko. Ngayon pa na nakarating na kami sa dapat naming puntahan.

" I have to see my daughter.. K-kahit sa huling pagkakataon"

wala na akong pakialam sa mga posibleng gawin ni william. Dahil ang gusto ko lang , makita ang anak ko.

Habang papasok kami ay tila may mga matang nakamasid sa aming bawat galaw at kilos.

Hindi ko iyon binigyang pansin at sa halip ay pinagmamasdan ko lamang ang isang larawan ni Irish.

Gusto kong maiyak, pero walang luha ang gustong pumatak mula sa mga mata ko. Hindi naman ako magawang bitawan ni grace para alalayan hanggang sa makarating na kami sa itim na casket na pinaglalagyan ng katawan ni irish.

"Irish, patawarin mo sana si mama"...

Ang inakala kong tuyo ng mga luha , ay kusa na ngayong bumabagsak, hindi ko na ito nagawa pang pigilan ng masilayan kong muli ang inosenteng mukha ni irish, napakaganda niya.

But it pains me to see her situation right now, I will not be able to hug her again and I will not be able to express how much we love her.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo ijah. Alam ko na ang totoo, ipakukulong ko ang anak kong si migz , dahil sa kasalanang ginawa niya sa'yo noon. Pati si william. Kung kinakailangang magsampa ako ng kaso laban sa kanilang dalawa, ay gagawin ko ".

Dinaluhan ako ng ama ni William, at nabigla naman ako sa mga sinabi nito sa'kin.

"Sir. Philip , hindi na ho kailangang umabot pa tayo sa demandahan. Ang tanging gusto ko lang mangyari sa ngayon ay maging tahimik na ang pagsasama naming dalawa ni william. At hindi mangyayari iyon hanggang nandiyan si migz. At alam ko rin pong labag din sa kalooban niyo na ipakulong at sampahan sila ng kaso lalo na si william." tugon ko sa suwestiyon ni sir Philip.


Bumalik na rin ito sa kanyang inuupuan ilang minuto pa ang lumipas, sinubukan kong hagilapin si william at ang mama niya pero wala ang mga ito. Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon upang makita't makasama si Irish sa huling gabi niya.


Nanatili akong nakatayo roon at hindi napagod na pagmasdan at kabisaduhin ang mukha nito. Isang oras din ang itinagal namin bago nagpasiya si grace na umuwi na dahil sa takot na baka maabutan pa raw kami ni william.


Pumayag na rin ako kahit na ayaw ko pa sanang umalis.  Nasa lobby na kami pero nasakto naman noong papasok na si william kasama ang mama niya .

Naramdaman siguro ni grace ang mahigpit na pagkapit ko sa mga braso nito . kaya't hinimas niya ang likod ko habang naglalakad kami, at siya ang pumesto sa kaliwang gilid ko . Upang siya ang makasalubong ni william at hindi ako. Pero binulungan niya ako sa dapat naming gawin.


" Don't be scared with him. Nandito ko, huwag na lang natin siyang pansinin"

imbes na sumagot ay tinanguan ko na lamang siya , habang nakayuko ang ulo ko . para hindi ko matitigan ang nakakatakot na mga mata ni william at gayundin ng mama niya.


Nakahinga naman ako ng maluwag pagkatapos naming malampasan sila william. Pero di ko naman akalaing susundan niya kaming muli para pigilan.



"Buhay ka pa pala? "



Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at muli na namang nagsalita.



" Ang tibay-tibay mo rin. Nagawa mo pang makalakad at makapunta dito ngayon kahit hindi naman dapat. Dahil ba nako-konsensiya ka? Masuwerte ka dahil nasa public place tayo ngayon. Hindi mo lang alam kung anong naiisip ko ngayon, kung nasa bahay lang tayo I could possibly punch your face sa harap ng kaibigan mo"


nanatiling tikom ang bibig ko dahil I'm honestly speechless to what he just said. Wala rin akong lakas pa para idepensa ang sarili ko. At sa oras na iyon ay si grace ang nagmatapang na ipagtanggol ako. At sabihin ang mga bagay na kahit na kalian ay hindi ko magagawa kay william.



" Bakit naman makokonsensiya ang kaibigan ko, ni wala nga siyang kasalanan sa nangyari. Dahil kung titingnan Ikaw !! , ang mamamatay tao. Pinalaglag mo ang anak ni cristine, hayop ka! kahit walang kamalay-malay pinatay mo. "

huminto saglit sa pagsasalita si grace tsaka ako tiningnan ng diretso.



"Makikipaghiwalay na sa'yo ang kaibigan ko. Ito ang huling beses na masasaktan mo siya, dahil sooner or later makakatanggap ka na rin ng annulment papers, dahil sa natauhan na si tin at iiwan ka na rin niya"


Nilapitan ako ni william saka hinawakan ng mahigpit ang pisngi ko gamit ang isang kamay.

" Really? Kaya mo ba ? At saan ka naman kukuha ng pera, sa kaban ng papa ko ? Gagawin mo  pa siyang kabit."


"William. Tama na , mahiya ka naman sa mga taong nandito" Mariing sabi ni sir philip.


" Siya ang dapat na mahiya! Anong karapatan niyang pumunta dito? Wala!! At ikaw grace, para lang malaman mo. Hindi lang ako ang masama dito, dahil lahat tayo may tinatagong baho sa katawan, at isa na iyang kalandian ng kaibigan mo. Kaya bago mo linisin ang kalat na meron ako, ang mabuti pang gawin ay ang linisin ang kalandian niya. "



Tinalikuran na rin kami ni william pagkatapos niya kaming ipahiya, at pakainin ng mga masasakit niyang salita. Susugod pa sana si grace sa likuran nito pero pinigil ko na lamang siya at inaya ng umuwi ng bahay. Pinatuloy na muna niya  ako sa bahay niya para na rin daw may kasama ako. Matutulog na sana ako pero pinili ko munang makipagkuwentuhan sa kanya at para kumprontahin tungkol sa nangyari kanina.


"Grace, pagpasensiyahan mo na sana si william sa mga sinabi niya kanina. Pasensiya ka  na kung dahil sa'kin nagkaroon ka pa tuloy ng kagalit. Gusto ko ring mag thank you sa ginawa mong pagligtas sa'kin , mabuti na lang at nandiyan ka"


"Kahit na sinong nasa matinong pagiisip gagawin din yung ginawa ko. Ano ka ba naman nakakailang thank you ka na sa'kin, okey na yun ha. Magpahinga ka na , hindi ka pa gaanong magaling "


"G-grace tsaka nga pala dun sa sinabi mo kanina kay william. Yung annulment papers, alam mong wala sa plano kong hiwalayan siya"

Napansin kong kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko.

" Fine. Magpakatanga ka pa ulit sa kanya. Allow him na saktan ka ulit. Isaisip at isapuso mo pa yang prinsipyo mo na dapat huwag tayo dapat magalit sa isang tao,  kundi sa kasamaang ginawa niya."


"Grace sana maintindihan mo "



" Tin.. Naiintindihan ko naman yung rason mo eh. Oo mahal mo yung pamilya mo. Naiintindihan kita sa aspetong iyon. Na ayaw mong maranasan ng anak mo yung naranasan mo noon. Yung hirap ng pagiging produkto ng isang broken family.

Nakikita ko naman na mahal mo yung anak mo.. pero nakikita ko rin na parang mas mahal mo si william kaysa sa kanila.

Sana mahalin mo naman ang sarili mo. Kasi mukhang wala ng natitira sa'yo"



Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagiging pranka at honest ni grace. O malulungkot dahil alam ko sa sarili ko na sa kabilang banda ay totoo ang mga ito.

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon