I. Unang araw

2 0 0
                                    

Naaalala ko ang unang pasok natin sa eskwela, kung saan nararamdaman pa ang salitang hiya. Lahat ng mga studyante ay nag uunahan sa pilahan, at hinhintay na matawag ang kanilang mga pangalan, para malaman kung saan sila kabilang.

Wala pa akong masyadong kakilala noon, ako'y excited na kinakabahan habang pumipila sa pilahan,
naghihintay na matawag aking pangalan. Palagi akong tumitingin kay Mama at sa mga kapwa ko estudyante, ako'y na iingit sa kanila dahil mayroon na silang bagong kaibigan at mga kaklase.

Habang busy ako sa pagtitig, hindi ko namalayan na tinawag na pala aking pangalan, at ako'y hinihintay na pumunta sa harapan, para sabihan kung saan ako kabilang. Nilapitan ako ng aking ina at pinupunta ako sa harapan at doon ako labis na sumaya dahil kaklase ko pala ang kapwa ko MTAPers. Hindi ako mahihirapan kung papasok na kami sa silid aralin, dahil mayroon na akong kaibigan.

Nang kami ay pumasok na sa silid aralan,
Nagpakilala kami isa-isa sa harapan,
Sa una kinakabahan, lalo na ako'y nasa unahan.
Di ko mawari aking nararamdaman, na parang excited na iwan.

Nung ako ay tapos ng magpakilala sa harapan,
Nalaman ko narin ang kanilang mga pangalan,
At kung saan sila galing na paaralan.

Habang lumilipas ang mga araw,
Nagbabago na ang aming mga galaw,
At ang salitang hiya ay unti-unting natutunaw,
At maririnig ko na silang parang loudspeaker kong sumigaw.

Umabot narin kami sa punto na pumipili ng kakaibiganin,
Na makakasama namin sa pagbili sa canteen,
At mahihingi-an mo ng pagkain na kakainin
At mga gamit na syang gagamitin.

Dito ako nakaranas mag aral at mag study ng mabuti,
Dito ako nakaranas ng mga bagay na hindi ko pa nararanas dati,
At dito ko nalaman na sobrang bait ng aking mga naging kaklase.

Kahit hindi pa kami gaanong nag kakaintindihan minsan,
Pero masasabi mo paring maayos ang inyong samahan,

Dito kami nakaranas ng magpaiyak ng guro, lalong-lalo pa ang adviser ang syang aming napaiyak,
Wala pa kaming kamuwang-muwang kung ano ang ginagawa ng mga mabubuting estudyante,
Pero sa huli kami ay humingi ng sorry at naging isang mabuting estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAMILYANG SARDINASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon