William Dela Vega
Umuwi na rin ako sa bahay matapos mailibing si Irish isang linggo na ang nakalipas, at nang umuwi nga ako ay nadatnan ko si Cristine na nililinis ang magulong bahay sanhi ng ginawa ko sa kanya.
Hindi ko akalaing magagawa niya pang bumalik sa lugar na magpapaalala sa kanya sa lahat ng kahayupang ginawa ko. Naniniwala na ako sa linya na "too much a love will kill you" , isa na siguro siya sa mga babaeng nakilala ko na handang magpakadesperada para lang sa lalake.
At lalong hindi na rin ako nagtaka nang sinabi ni grace na magpa-file ng annulment ang kaibigan niya, kung kulang na lang eh patayin ko si Cristine para lang makaganti , at halos araw-araw ay pasa at sugat lang ang inaabot niya sa puder ko.
Pero sorry na lang dahil masyadong tanga , at ganoon na lang ako kamahal ni Cristine para manatili siya sa buhay ko. Natigil lamang ako sa pagiisip nang marinig ko ang boses ni Cristine, na kasalukuyang nasa kusina upang magluto para na rin sa bisitang inaasahan ko ngayong araw.
" Ano na namang katangahan yan?"
Agad kong pinuntahan ang asawa ko para tingnan kung ano ba ang nangyari, at nang tingnan ko ay napansin ko ngang may dugo ang daliri niya na marahil ay nahiwa ng kampit na gingamit niya.
Dahil dito'y tinubuan na naman akong muli ng inis sa babaeng kaharap ko at kusa na lamang lumabas ang mga salitang karaniwan ko na lamang ibinabato sa kanya.
"Ang lamya mo na nga sa kama. Pati ba naman sa pagluluto ang lamya-lamya mo pa rin"
hindi agad siya makasagot. And instead of helping her ay tinuloy ko na lang ang pagsesermon sa kanya.
"Make sure na maayos yang niluluto mo. Darating si Sofia ngayong araw, please huwag mo naman akong ipahiya sa kanya"
hindi naman na siya kumibo at tinanguan na lamang ang mga sinabi ko.
...Cristine Dela Vega
Akala ko talaga at tutulungan ako ni william ng silipin niya ako upang makita ang naging dahilan ng pagsigaw ko.
Akala ko rin noong umuwi ako sa bahay ay sasaktan ako ni william, pero hindi pala ang pananakit sa paraang alam ko at ibang pananakit pala ang tinutukoy niya.
Dahil tuwing magsesex kami halos i-torture niya na ang katawan ko sa sobrang panggigigil at kapag nagsimula akong tumanggi sa gusto niya ay doon niya ako sinisimulang saktan ng husto.
Kung noon ay ang wild niya ngayon ay parang mas triple pa rito. Hindi ko rin alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya na magkaka-baby na ulit kami.
Mahirap salubungin ang galit ni William, hindi rin naman ako makahanap ng tamang tiyempo dahil araw-araw naman ata ay lagi siyang galit at nakasigaw ng nakasigaw.
Bukod pa doon ay natatakot rin akong baka patayin niya ang anak namin.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa kong pagluluto kahit na medyo masama ang pakiramdam ko. At nang saktong tapos na ako sa aking ginagawa ay saka dumating ang bisita ni William. At hindi lamang isang simpleng bisita, si Sofia Aguirre ang babaeng nakita kong kasama at inaalalayan noon ni William.
Nakakahiya man pero nagawa ko siyang konprontahin noon at tahasang tinanong kung anong relasyon ang meron sila ng asawa ko. Mukha naman siyang mabait, at hindi maipagkakailang nanggaling siya sa isang desenteng pamilya, mukha sa kilos, pagsasalita at maging sa pananamit into, pero bilang asawa, hindi ko na rin nakontrol ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon para lamang malaman kung ano ang totoo.
At kung may namamagitan ba sa kanilang dalawa. Lalo pa at nalaman kong nagdadalang tao si sofia at ngayon nga ay halata na ang umbok nitong tiyan.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ba talaga si Sofia sa buhay ni william , at mukhang malapit talaga sila sa isa't-isa .
Hindi rin naman siya kababata o naging kaibigan man lang ni william dahil sa ibang university rin siya nagaral noong college. Mukhang mas may edad rin si sofia kay william ng halos limang taon. Hindi ko na rin naman itinanong kay william dahil alam kong sasaktan lang din niya ako, kapag nagtanong ako o ungkatin ko ang tungkol kay Sofia. Kaya minabuti kong itikom na lang ang bibig ko kahit sa totoo lang ay gustong-gusto kong malaman kung ano ang estado nilang dalawa.
"Hmm.. Wow, in all fairness william, ang sarap nitong adobo. Ang galing mo pa lang magluto Cristine. "
Natutuwang sabi ni Sofia nang matikman niya ang niluto ko. Sa halos ilang buwan ay ngayon lang muling nagtagpo ang landas naming dalawa, na animo wala akong ginawang masama sa kanya. Dahil sa totoo lang ay nakokonsensiya rin ako noong kumprontahin ko siya.
Magpapasalamat sana ako sa compliment na ibinigay niya sa akin pero hindi ko na rin naituloy pa dahil sa naduduwal na naman ako. Dali-dali akong nagpunta sa sink ng kitchen habang nakahawak sa tiyan ko. Kanina pa talaga ako nasusuka at medyo nahihilo, ganito siguro talga kapag buntis ang isang tao. Wala rin akong ganang kumain simula pa kanina.
"Cristine, what's wrong, okey ka lang?"
Tanong ni Sofia ng makabalik na ako sa upuan ko. Habang si william ay abala pa rin sa pagkain at tila walang pakialam. Nag thumbs up na lang ako sa kanya just to prove na okey lang naman ako.
Kahit na ang totoo ay hindi naman talaga, at nagseselos ako dahil sa kanya. Sisimulan ko na sanang isubo ang natitirang pagkain sa plato ko nang tanungin ako ni Sofia.
"Are you pregnant"
Nakatingin lamang ako sa kanya, at hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na oo , ngayong maging si william ay nagaabang sa isasagot ko. Dapat ko na bang sabihin sa kanya, ito na ba ang tamang oras para malaman niya?
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
RomanceIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.