Takot na may halong excitement ang naramdaman ni Justice nang magising siya sa lakas ng alarm clock. 7:00 am sa orasan ng cellphone niya. Kinusot kusot niya ang mata sabay inat pero di parin nawawala ang kaba at excitement sa dibdib niya. Ngayong araw siya luluwas pa maynila.
Lumabas siya ng kwarto upang magmumog at maghilamos. Sa kusina ay abalang naghahanda ng umagahan ang papa ni Justice na si Sir. Mateo Sarmiento, sir dahil iyon ang madalas na itawag sa kanya ng mga kapitbahay at maging sa trabaho. Isa siyang detective, magaling na detective para kay Justice, dahil ni minsan ay hindi siya nakakalusot ng alibi dito.
Ngayon niya lang nakita ang papa niya simula nang nakauwi siya kagabe. Marahil ay busy sa trabaho, hindi ito umuwi kaya naman magisa lang si Justice nang nakauwi siya sa kanila.
dumeretso siya ng cr para maghilamos na at pagkatapos ay sa kusina kung saan nakahanda na lahat ng pagkain. Sa sala nakalagay ang mga bag na gagamitin ni Justice papaluwas. Kumpleto na ang mga gamit niya duon. Mga damit, laptop, sapatos, mga gamit sa school at iba pa.
"Kain na." paanyaya ng papa ni Justice. Umupo sila parehas at sabay na kumain. Tahimik sa mesa habang kumakain sila gaya ng nakagawian. "Kumpleto na ba ang mga gamit mo?" Tanong ng papa ni Justice na parang pilit na binabasag ang katahimikan.
"Opo." Hindi naman talaga ganuon ka tahimik ang pamilya ni Justice. Nang nabubuhay pa ang mama ni Justice, natatandaan niya, sobrang saya sa hapag nila. May kwentuhan at tawanan pero simula nang namatay ito ay naging ganito na lagi ang pangaraw araw na buhay ng mag-ama. Masaya naman si Justice at mabuting ama naman sa kanya ang papa niya, tinutustusan siya pag may kailangan sa paaralan at hindi rin naman siya pinababayaan.
"Hindi po ba talaga kayo sasama sa akin or susunod?" tanong ni Justice sa papa niya.
"Hindi anak eh. May trabaho pa akong tatapusin dito." Trabaho kung saan parang hindi na matatapos. Simula din nang namatay ang mama ni Justice ay parang hindi na nawalan ng trabaho ang papa nito. Bakit nga ba? siguro dahil hanggang ngayon iniisip parin ng papa ni Justice na hindi lang basta sunog ang pagkamatay ng mama niya.Natatandaan pa ni Justice nang mapakielaman niya ang iniimbestigahan ng papa niya sa desk nito at isa na run ang lugar kung saan namatay ang mama niya. Gusto pa sana niyang basahin kung ano ang mga ito nang dumating ang papa niya at pinalabas siya ng office nito. Hindi nagalit ang papa niya o hindi siya sinigawan. Basta pinaalis lang siya.
Natapos silang kumain at kasama ni Justice ang papa niya papuntang bayan para dun ay sumakay sa bus pa maynila. Dahil probinsya ay hindi masyadong maraming tao ang bumabyahe at sa terminal ng bus ay kakaunti lang ang sumasakay.
"Magtext ka kaagad pag nakarating ka na sa apartment mo." Payo ng papa nito sa kanya habang inaayos ang mga gamit niya sa compartment ng bus. Medyo malaki laki ang dala ni Justice. May maleta pa ito.
Binigyan siya ng mahigpit na yakap ng ama bago siya pumasok sa loob ng bus dala ang backpack niya kung saan nakalagay ang laptop at mga gadgets niya. Ikinabit niya ang earphones sa kanyang tenga dahil alam niya na tatlong oras mula sa terminal ang tatahakin nila.
Talahiban ang dinadaanan ng bus paputang maynila. Walang mga building o anumang bahay na makikita. Ang ambiance ng paligid ay parang mga nasa horror story, natatandaan niya dito ang napanuod niyang isang horror movie na Jeepers Creepers kung saan bus din iyon at farm din ang dinadaanan na may mga scarecrows. Di kalayuan ay tanaw ang abandonadong building na tinatambayan niya araw araw.
Naalala na naman niya ang nangyare kagabi. Paano niya nakalimutan. Marahil sa sobrang kaba na luluwas na siya ay di niya naalala ang babae sa rooftop, yung babae na 'yon sobrang ganda ng kanyang mga mata. Sobrang kakaiba.
YOU ARE READING
JUSTICE And The Lost Valentines
Mystery / ThrillerA love story with a twists. Isang linggo na nang makilala ni Justice ang babae sa rooftop sa probinsya. May maamong muka, mahabang buhok at may magkaibang kulay na mga mata ito na para kay Justice ay sobrang nakakamangha. Isang linggo sa Maynila, sa...