Bully Thirty Eight : Pained (Part One)

370 17 5
                                    

   Third Person's POV

Ala-una ng madaling araw. Kakauwi lang ni Vivoree at sobrang pagod siya. Pagod ang isip, katawan, at ang kanyang puso. Masakit din ang ulo niya dahil sa paulit-ulit na pag-iyak kanina. Hindi niya talaga inasahan na aabot sila ni CK sa ganoong boiling point. Never silang nagsisihan dati kasi sobrang bukal sa loob nila ang lahat ng ginagawa nila. All the love, care, sacrifices and the efforts. O baka akala niya lang yun? Baka para sa boyfriend niya hindi naman talaga ganoon. 

Then she suddenly remembered everything they went through for the past years. Mula pa noong high school sila hanggang sa pagbabalik neto at ang lahat ng pinagdaanan nila mula nung pumasok sila sa relasyong ito. Yung pagpapakiramdaman kung mahal pa ba nila ang isa't-isa nung bagong balik palang si CK sa Pilipinas, yung selosang ganap kay Nikka, yung issue tungkol kay Jaden noon, yung nadiscourage si CK dahil di niya nakit ang kwintas sa leeg ni Vivoree, nung magduda si CK sa tunay na nararamdaman ni Vivoree dahil dun sa surprise, yung natakot si Vivoree na baka hindi totoo ang nararamdaman ni CK sa kanya, yung pag-alis niya papunta dito sa Canada at ang pinakabago ay itong pinagdadaanan nila ngayon. 

Sa lahat ng iyon, halos si CK ba talaga ang umintindi sa relasyon nila? Halos si CK ba talaga ang mas naging maeffort? 

Well, he always has been there for her kaya baka ito yung pinupunto ng lalaking mahal niya sa kanya ngayon. Eto nga ba yun?

Nasaktan nanaman siya. Akala niya marami na siyang nagagawa to keep this relationship strong and healthy. Hindi pa pala sapat ang lahat ng iyon para kay CK at sobrang sakit nun para sa kanya. Sobra-sobra. 

Napahiga siya sa kama niya, umiiyak..durog ang puso. 

Bakit ganun? Kung sino  pa ang taong sobra-sobrang nagpapasaya sayo, yun din pala ang taong dudurog sa puso mo ng sobra-sobra. 

Ang lupit ng tadhana.

~~~

CK kept looking at his girl's photo on his phone. He's really sorry for what he said. 

Hindi niya naman sinasadya. Siguro sobrang nasaktan lang siya pero alam niyang kahit gaano pa man kasakit at kahirap ang sitwasyon ay di niya pa rin dapat sinabi yun. Sobra niya tuloy nasaktan yung babaeng mahal na mahal niya ngayon. He just added fuel to the fire.

He heaved a deep sigh and kissed the photo.

"I'm sorry, Love. I'll make it up to you, I promise."-CK

~~~

As the plane landed, CK reached for his phone and looked at Vivoree's photo in it again.

"I'm here, Love."-CK

Alam niya naman ang address ng apartment neto kaya tumawag na siya agad ng Taxi para mapuntahan ito. Kailangan niyang maayos ang gusot na toh ngayong araw. Mabuti nalang din alam niyang gabi pa ang duty neto kaya meron talaga silang oras na mag-usap ngayon.

Nang makarating sa apartment building, hinanap niya agad ang kwarto neto and he remembered Vivoree telling him that it was room 0509 kaya hinanap niya nalang agad yun at madali niya namang nagawa.

He knocked on the door. His heart was beating wild, he can even hear it while he was standing. Hindi niya naman kasi alam kung ano ba ang unang magiging reaksiyon neto o kung ano ba ang unang sasabihin dito kapag binuksan na neto ang pinto. Basta ang alam niya, hihingi agad siya ng tawad at yayakapin ito kahit pa kumalas ito.

Pero nagtaka siya kasi ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinto at kumakatok pero hindi pa rin ito nagbubukas. Where is she? Is she inside?

BULLIES IN-LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon