CHAPTER 3

371 5 0
                                    

Hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali.Ano ba itong nararamdaman ko.ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko . kung sino ba ang pagkakatiwalaan ko.sino bang tatakbuhan ko. Gusto kung sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong pakawalan ang mga bagay na nagpapahirap sa kalooban ko. Gusto kong umiyak ng husto pero bakit ganito patak-patak lamang ang luha na lumalabas sa mata ko.

Gusto kong puntahan si ryan sa bar kung saan sila magkasama ni Jorge. Gusto kong su-ungin ang ulan sa malalim na gabi para puntahan sila. Paano nalang kung mag ginagawa silang masama? Paano kung may mang-yari sa kanila? Paano kung patusin ni Jorge si ryan?

Anu ba itong naiisip ko, lalong sumisikip ang dibdib ko. Pero hindi ko maiwasang maisipan ang mga bagay na iyon. Paano kung malaseng sila pareho at mangyari kagaya ng nangyari sa-amin ni ryan? Mababaliw ata ako.

Kung sa bagay, wala naman mawawala sa kanya kahit na may mangyari pa sa kanila. Kung sa bagay wala ring mawawala sa akin kahit na magkagustuhan pa sila. Lalake silang pareho at kahit na ilang beses pa sila magtalik walang mababawas at walang madadagdag sa mga sarili nila.

At sa akin naman, waaaaahh anuba dapat kong isipin.

Pilit kong binabalanse ang lahat ng bagay ng mga oras na iyon. Guess thinking things in appositive ways will make better. Kaso ang hirap.nagtatalo ang isip at utak ko. Anung oras na, hindi parin ako makatulog. Mag-1am na.

tumayo ako sa pagkakahiga. napagawi ako sa bintana. Napasilip ako sa labas para makalanghap ng sariwang hangin dala ng sama ng panahon. Napansin kong may tao salabas. Basang basa. Naka-upo sa labas habang umuulan. Nakaparke din sa tabi nito ang kotse na kulay itim. Kilala ko ang postura ng lalakeng iyon. Kahit nakatalikod ay kabisado ko ang itsura nito sa malayuan. Si ryan nga iyon. Nakapandong lamang ito ng papel. Kakaiba, bakit sa dinami daming pwedeng gamitin bakit papel pang naisipan niyang gamitin pananggalang sa ulan?wala ba siyang payong? Pagkaka-alala ko meroon siya nito saloob ng kotse.

Papanaog ba ako para puntahan siya? Oh hahayaan ko nalang siya para makalimutan na niya ako. Pero, nagpa-alam na ako sa kanya at pinaramdam niya nawala akong halaga sa kanya nitong araw na ito. Imposible namang hindi niya ako matxt man-lang. imposible namang hindi niya ako matawagan.

Hindi ako nakatiis. Pinuntahan ko siya sa labas.

“wuy anu bang ginagawa mo dito? Bakit nagpapau-lan ka? Basang basa ka na oh. Gusto mo bang mag kasakit?” tanong ko sa kanya?

“may kailangan ka bas-akin? Umuwi kana kaya anung oras na oh. Mag-uumaga naat para makapagpalit kana ng damit mo. Basang basa na” dagdag ko pa sa nauna kong sinabi.

“tamtam pwede ba kita makausap?” tugon niya sa akin.

“bakit? Anong meron? E dib a magkasama kayo ni Jorge?”sabi ko sa kanya.

“oo kanina magkasama kami. Umuwi di ako agad.” Aniya habang nakatungo siya at nakaupo sa gilid ng kalsada at nagpapaulan.nakaextend ang mga kamay nito at basing basaang soon ng longsleeve sa mga patak ng ulan at bakat ang hubog ng mgamuscles nito sanhi ng pagkakadikit ng soot niya.

“so-sorry!” namamalat ang pagkakasabi niya at halatang umiiyak. Hindi ko Makita ang mga mata niya dahil kasalukuyan siyang nakatango.

“Sorry saan?” pakli ko habang kunukubli ko ang galit sa kanya ng mga panahong iyon.

“sa lahat lahat.siguro tama ka. Tigilan na natin to. Ang sakit. Ayokong dumating ang isang araw na ipagtabuyan mo ako. Ayoko dumating ang isang araw na lalo mo akong kamuhian. Ayokong saktan ka.ayokong gumawa ulit ng dahilan para paiyakin ka. Tam, naiinis ako sa sarili ko!” tugon niya na umiiyak na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MCDO LOVE STORY:Tamtam seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon