Maaga akong gumising upang bumili ng mga kailangan namin sa akyat namin. Bumili ako ng mga chichiria, mga pagkaing delata, mini-stove, at malaking tent. Pagkatapos kong bumili, lumabas na ako sa tindahan at umuwi sa bahay upang ihanda ang sasakyan at ang mga gamit.
“O anak, san ka pupunta? Ang dami mo yatang dala ah.” Wika ng mama ko.
“Oo mama, pupunta kasi ako sa isang mountain hiking eh.” Sagot ko naman sa kanya.
“Mag-isa ka lang ba?” Tinanong nya uli ako.
“Hindi mama, I’m with this girl na nakita ko kahapon sa bar na pinuntahan ko.” Sabi ko.
“Ah talaga? Naks naman, ang pogi talaga ng anak ko.” She let out a sly smile. Alam kong nagaalala sya para sa aking kalagayan. Tatlong araw nalang at mawawala na ako sa mundong ito. Kaya nilapitan ko sya at niyakap.
“I love you mama.” Napaluha ako.
“Matagal ko nang gustong marinig yan. Ilang taon na din ang lumipas na nag I love you ka sakin. Mahal na mahal din kita anak.” Umiyak sya.
“Tahan na mama. Nanjan naman si ate at si bunso eh.” Pinikpik ko ang likod nya ngunit hindi sya umimik. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. “Mama, maliligo na ako. Amg baho ko na oh.” Biro ko.
“Oo nga, hmm! Ang baho. Sige go at baka ma turn-off pa yang shota mo.” Pinahid nya ang mga luha nya. At tumawa ng konti.
Naliligo na ako nun at nag-shampoo ako, nung kinuskos ko ang buhok ko, I noticed na naglaglagan na ang ilan sa mga buhok ko. “Malapit na talaga ang panahon ko.” Bulong ko sa aking sarili. Pero I still continued to wash my hair. At natapos din ako.
Nung nagbibihis na ako, biglang nag ring yung cellphone ko.
Ring! Ring!
“Hello? Jayson? San ka ngayon? Nandito na ako sa tapat ng bar.” Sabi nya sa kabilang linya.
“Oo, sorry naman. Papunta na po.” Sagot ko.
“Bilisan mo ha, maghihintay ako. Sige na bye na kulit.” Nagulat ako sa sinabi nya. Kulit? Nakakapanibago.
“Sige ganda ha. Bye din.” Sagot ko.
Hindi na ako kinabahan kung magagalit sya sa aking dahil parang hindi naman sya galit sa sinabi ko kagabi. Parang normal lang ang lahat, para bang walang nangyari. Kaya habang nagda-drive ako, nakangiti ako. Mahaba-haba din yung byahe ko. Trapik kasi eh. Kaya natagalan ng konti, pero umabot naman ako sa saktong oras.
“Ang tagal mo ah.” Sumimangot si Janice.
“Sorry naman, trapik lang.” Sagot ko. “Ano, tara na?” Dagdag ko.
“Hindi, dito lang tayo buong magdamag. Suuuus!” She sarcastically said.
At nagsimula na kaming bumiyahe. Mga alas 8 ng umaga na iyon at malapit na kami sa aming patutunguhan.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts - KathNiel
RomanceMay Leukemia si Jayson, at ang sabi ng doktor ay hindi na siya tatagal. Sa 3 araw na natitira, handa si Jayson na gawin ang lahat upang matupad ang mga hiling niya. Magagawa niya ba ito?