Fenella's POV
March 4
"Okay class, we'll have an exam tomorrow. Be ready. I'm expecting that you will have a high scores. See you tomorrow" pagtapos nito ay lumabas na ang guro namin at lumabas na din kami since uwian na naman na namin.
Susunduin daw ako ni kuya kase daw pupunta kami ni kuya sa Robinson's Manila. Mag-grocery daw kami sabi ni mama kaya ayun.
Hinintay ko si kuya sa gate ng school namin. Maya maya lang natanaw ko na yung pulang sasakyan niya.
Nang huminto ito sa harapan ko, sumakay na ako rito.
"How's school?" tanong niya pa sa akin bago iandar ang sasakyan.
"okay lang naman. May exam kami bukas kaya bilisan lang natin" sabi ko sakaniya at nginitian ko siya ng kita ngipin.
"Mukha kang timang" at nag drive na siya papunta sa Rob.
On the way sa Rob, nakikinig lang ako ng music sa Ipod. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagdilat ko ng aking mata, napunta ako sa lugar kung saan napaka-
futuristic. Lahat napaka-moderno,
napaka-linis at napaka-ayos na lugar. Wala ang kuya ko at wala rin ako sa sasakyan. Natatanaw ko na ang aming subdivision.Napag-desisyunan kong pumunta sa loob ng subdivision at pumunta ako sa aming bahay na para bang 20 years na ang lumipas. Pumasok ako sa loob ng aming bahay, nakita ko ang aking pamilya. Si mama, si papa, at si kuya.
Anong ng yayare? Bat ako nandito? Bat nandito si kuya?!
"kuya! Kuya! Ano meron? Ano ng yayari? Kala ko ba pupunta tayo sa Rob? Ma, diba mag Ro-robinson pa kami ni kuya?" ngunit hindi nila ako nagawang kausapin.
Doon ko lang napagtantong hindi pala nila nararamdaman ang aking presensiya. Hindi nila ako nakikita, naaamoy, naririnig, at kung ano-ano pa. Nanlumo ako sa aking nasaksihan. Nakikita ko silang nag tatawanan.
"Fenella! Fenella, ano ba?! Gumising ka na nga! Kuya ka ng kuya!? Pinagsasabi mue?" pagsusungit sa akin ni kuya.
Napabangon ako sa pagsisigaw niya sa akin.
"Tara na!" sigaw sa akin ni kuya bago lumabas. Lumabas na din ako baka sigawan na naman ako neto eh.
***
Kasalukuyan kaming namimili ng mga pagkain at ulam namin para sa mamayang gabi.
"Bumili ka ng gusto mong bilin" sabi ni kuya.
Bumili ako ng Bear Brand Sterilized at tsaka ng stick-O na flavor ay strawberry. Hinanap ko na si Kuya para mailagay itong mga to sa basket at paramakapagbayad na.
***
Kakauwi lang namin ni Kuya sa bahay at dahil doon, makakapag-review na ako para sa exam bukas.
Maya maya lang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Ginabi ako sa pagrereview. Sa sobrang lamig, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagdilat ko ng aking mga mata na punta na naman ako sa lugar kung saan napaka-futuristic ng lahat.
Naglakad-lakad ako hanggang sa matanaw ko ang aking eskwelahan na mukhang abandonado na.
Sumilip ako sa bawat silid na puro mga basura at sirang upuan lamang. Nang biglang may sumigaw at nag echo ito sa buong paligid kaya nagmadali akong lumabas ng eskwelahan.
Napatalon ako sa gulat dahil pagka
talikod ko ay nasa mid-20's na ko at kung paano ako nag aagaw ng buhay.
May saksak ako sa aking dibdib at sa aking ulo na tila ba sinadya akong patayin. Dahil doon, bigla na lamang ako nawalan ng malay.Napabalikwas ako sa aking kama, tumatagaktak ang aking pawis sa buong katawan. Nanginginig ako at naiiyak. Panaginip lang pala ang lahat. Pero parang totoo ang lahat, napaka-
realistic.Biglang pumasok si mama habang umiiyak at sinabing ilang araw na daw ako nawawala. Gusto kong sabihin sakaniya na nandito lang ako sa kwarto buong araw ngunit hindi niya ako pinapakinggan. Yayakapin ko sana ang aking ina pero hindi ko siya mahawakan, tumatagos lamang ang aking kamay at dahil dun, hindi ko mapigilan ang sariling magpanic sa maaaring posibilidad na patay na ako, pero hindi maaari dahil buhay na buhay pa ako.
Biglang pumasok si papa sa kwarto habang humahagulgol. Sinabi niya na natagpuan daw ang aking bangkay sa eskwalahan at puro saksak sa dibdib at ulo.
Idinilat ko ang aking mga mata at napagtantong nasa kwarto ko ulit ako. Malinis na malinis. Pumasok si Mama sa kwarto gigisingin niya sana ako kaso gising na daw ako. Panaginip lang nga ang lahat.
"M-mama, anong araw ngayon?" tanong ko sa mama ko.
"March 4, Monday. Bakit anak?"
"Wala po"
The f?! Bukas yung exam namin diba?
Mamaya sasabihin ni Ma'am yung sa exam. So what is the meaning of this? Ano? Yung panaginip ko ay nag sasabi na ganun ang magiging kamatayan ko? Hindi pwede! Kelangan ko gumawa ng paraan para hindi ako mapunta sa school ng hapon. Dahil hapon ng yari ang krimen base sa bangungot ko."M-mama? Masama pakiramdam ko. Ayoko pa po pumasok" palusot ko.
***
4 o'clock ng hapon ay pumasok si papa sa kwarto at sinabing...
"Anak, nabalitaan kong yung kaibigan mo sa school, may dalang kutsilyo. Buti nalang at hindi ka pumasok. Baka mamaya kung ano pa gawin nun sayo"
THE END!
A/N:
Sorry! Bitin siya. Ako na mismo nag sasabi para walang gulo ^∆^And thanks for reading my story kahit na ang panget at puro kakornihan lang! THANK YOUUUO(≧∇≦)O
BINABASA MO ANG
Take A Glance To Your Death
РазноеIsang madugong panaginip ang sumapit sa pag-tulog ni Fenella. Sa hindi inaasahan, ang kaniyang panaginip ay ipinapakitang mangyayari ito sakaniya.