— Elizza —
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko matapos maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napapikit din agad ako dahil sa liwanag kaya umikot ako pakabila.
Agad ding nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko kung nasaan ako ngayon.
Hindi ko ito kama at lalong lalong hindi ko ito kuwarto!
Napabalikwas ako ng upo at napatingin sa paligid. Kumunot na lang ang noo ko matapos makita ang dextrose na nasa gilid. Napatingin ako sa bintana at nakita ang nagtataasang building sa labas.
Tiningnan ko rin ang katabing table at may mga prutas na nandoon. Nakita ko rin ang sticky note na nakadikit sa apple. Kinuha ko 'yon at binasa.
“I brought you here because you lost consciousness last night. I was afraid about the baby's condition that's why I didn't hesitate to bring you to the hospital. Gladly, the doctor told me that you are alright, it was because of stress. Eat these fruits, I bought these for you.”
Nakataas lang ang kilay ko habang binabasa ang sulat niya. Tiningnan ko ulit ang mga prutas. Napasinghal na lang ako at bumagsak ang balikat.
Bakit wala siya ngayon dito? Talagang hindi niya ako hinintay na magising, a? Ang angas naman ng asawa ko, ang sarap niya talagang mahalin.
Napalingon ako sa pinto nang bumukas 'yon at pumasok ang isang doktora.
“Good morning, Mrs. Laserna.”
“Good morning din, Doc.” Hinawakan ko ang tiyan ko. “How's my baby, Doc?”
Ngumiti siya at tumingin sa hawak niyang papel. "Don't worry because the baby is fine. malakas ang kapit ng baby mo. Pero Mrs. Laserna, Alam mong kailangan mong umiwas sa stress."
Napabuntong hininga ako at tumango.
Si Waves kasi, e. Puro na lang kami away. Kailan ba kasi titigil 'to?
"Sinabi mo na po ba 'to sa asawa ko?" tanong ko na ikinatango niya.
Napatango rin ako. Sana tumigil na si Waves. Sana hindi niya na 'ko saktan. Unless gusto niya talagang mapahamak kami ng anak niya. Huwag naman sana. Sana after ng nangyari magbago na ang buhqy namin sa bahay.
"Salamat, Doc."
Nagpaalam na siya at lumabas ng hospital room ko. Napaismid na lang ako habang nililibot ang paningin sa buong kuwarto. Ayoko talaga ng atmosphere ng hospital.
May telephone rito at dahil hindi ko makita ang cellphone ko, ayun na lang ang ginamit ko para tawagan si Waves. Ilang ring lang at sinagot niya na agad ito.
"Hello, who's this?""Nasaan ka? Bakit wala ka man lang dito?" tanong ko habang kumukuha ng apple. "You feel sorry ba talaga? Ni hindi mo nga ako hinintay na magising. Para ka namang hindi asawa."
"Ah, I'm sorry, okay? Pumasok ako sa trabaho. I have an urgent meeting," mahinang sagot niya na ikianirap ko na lang.
Whatever, Waves.
Pinatay ko na lang ang tawag. Pakiramdam ko ay ayos naman na 'ko kaya nag-ayos na rin ako ng sarili ko para magpa-discharge na. Kinain ko na rin muna ang isang apple bago lumabas ng hospital room.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...