Chapter 24: Burn

14.9K 338 12
                                    

—  Elizza
   

    Dahan-dahan akong humiga sa kama ko at pumikit. Kakauwi lang namin galing hospital at inaantok na agad ako. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit dahil dumiretso talaga ako rito sa kuwarto para magpahinga na.
   
    “Sleepy?”
   
    Napadilat ako at tumingin sa pinto. Si Waves 'yon na nakasandal sa gilid ng pinto habang nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot at pumikit na lang ulit.
   
    “Darating daw sila mom and dad,” aniya na ikinadilat ko ulit.
   
    Dahan-dahan akong umupo at tiningnan siya. “Ngayon na ba?” Tumango siya sa tanong ko. “Hindi naman ako masyadong inaantok. Magluluto na lang ako ng makakain nila para malibang ako,” sambit ko habang bumababa na mula sa kama.
   
    “Alright.” Tumango siya. Dahan-dahan din siyang umalis sa pagkakasandal sa gilid ng pinto para tumayo nang tuwid. “Can I... Can I help you?”
   
    Tumaas ang kilay ko habang papalapit na ako sa pwesto niya. “Bahala ka,” tanging sagot ko at nilagpasan na siya para lumabas ng kuwarto ko.
   
    Dumiretso ako sa kitchen at tumingin sa refrigerator ng puwedeng iluto. Naisipan ko na lang na magluto ng chicken curry.
   
    “So, ano'ng lulutuin natin?”
   
    Napalingon ako kay Waves na kakapasok lang. “Chicken curry.”
   
    “Wow, sige.”
   
    Pareho na kaming naghugas ng kamay at kumuha ng mga ingredients. Inabala namin ang sarili namin sa paghahanda ng mga ito. Ako nama'y walang balak na kausapin siya.
   
    Ang tanging iniisip ko ngayon ay ang explanation niya sa lahat ng nangyayari na gusto kong marinig mamaya.
   
    Gusto kong malaman kung totoo ba ang iniisip ko na nagloko si Azzile, pero sana naman ay hindi. Mukhang hindi naman kasi magagawa 'yon ng kambal ko. Kilala ko siya, sobrang bait niyang tao. May chance ba talagang niloko niya si Waves kahit na pakiramdam ko'y hindi niya naman kayang gawin 'yon?
   
    Sinulyapan ko saglit si Waves na busy sa paghihiwa.
   
    Napakaano naman kasi ng lalaking 'to. Pa-suspense pa sa mga sasabihin niya. Ako tuloy ang naaatat at kinakabahan.
   
    “Elizza.”
   
    Napukaw niya ang mga iniisip ko nang tawagin niya 'ko.
   
    “Ano?”
   
    “I'm gonna hire maids—”
   
    “Para saan pa?” agad kong putol sa sasabihin niya. “Maids? Hindi natin kailangan niyan.”
   
    Umiling naman siya at ibinaba muna saglit ang kutsilyo bago humarap sa 'kin. “We need maids. Look at you, malaki na ang tiyan mo. Kailangan mo nang mas mag-ingat. Makakapag-ingat ka lang kung hindi ka na nag-aasikaso or naglilinis dito sa bahay.”
   
    At kung hindi mo na rin ako sasaktan.
   
    Umiling pa rin ako. “No, ayoko. Ayokong may ibang kasama,” pagmamatigas ko kahit na naiintindihan ko naman ang punto niya pero kaya ko naman 'to, e.
   
    “Okay, fine. Kung ayaw mo ng kasama, every morning na lang ay magpapapunta ako rito ng maglilinis sa bahay natin. Puwede na ang neighbors natin para malapit lang sila,” pagpupumilit niya rin sa gusto niya. “Is that okay with you?”
   
    Umiwas ako ng tingin. Since papapuntahin niya lang naman at aalis na rin sila after maglinis dito, edi sige. Tumango ako at ipinagpatuloy na ang ginagawa kong paghihiwa sa manok.
   
    Matapos naming maihanda ang mga ingredients sa lulutuin, binuksan ko na ang kalan at sinimulan nang iluto ito.
   
    “Ako na diyan,” sabi niya at lumapit.
   
    Muntik pa akong mapatalon nang hawakan niya ang baywang ko para iusog ako.
   
    Napahinga ako nang malalim at ibinagay na sa kaniya ang sandok.
   
    “Baka hindi masarap 'yan,” usal ko na ikinatawa niya nang mahina.
   
    “I'm good at cooking, you know that,” confident na confident na sagot niya habang nakangisi.
   
    Nagkibit balikat na lang ako at umupo sa upuan. Pinanood ko siyang magluto at wala pa rin ngang bago.
   
    Mabilis pa rin siyang kumilos at parang isang professional kung magluto. Ang bawat galaw niya ay maingat. Minsa'y napapatingin pa siya sa 'kin habang ako ay pinapanood na lang siya.
   
    Tinanong niya kanina kung puwede ba siyang tumulong pero tingnan mo nga naman ngayon, siya na ang nagluluto at nanonood na lang ako.
   
    Hinintay ko siyang matapos bago kami sabay na umakyat ulit para maligo at magpalit na.
   
    Nasa banyo pa ako, malapit nang matapos sa pagligo, nang dumating sila tita at tito. Nagmadali ako sa pagkilos para hindi ako mahuli sa hapag-kainan.
   
    Habang nag-aayos na ako ng sarili sa salamin, tinitigan ko muna ang mukha ko. Huminga ako nang sobrang lalim.
   
    “Mag-ready ka na, Elizza,” sabi ko sa sarili ko at tumango.
   
    Mag-ready ka na sa magiging bukang bibig nila. Pangalan ni Azzile na naman malamang ang lagi mong maririnig, katulad lang din noong huling dalaw nila rito.  
   
    Masanay ka na lang, self.
   
    Matapos kong kausapin ang sarili ko, bumaba na ako pero nagdahan-dahan ako para hindi nila 'ko mapansin agad.
   
    Aalamin ko lang kung ano o sino na naman ang pinag-uusapan nila.
   
    “Alam niya na ba?” Boses 'yon ni tita.
   
    “No, mom.”
   
    “What? Kailan mo pa sasabihin sa kaniya, ha?” tanong ulit ni tita kaya sumilip na ako sa kanila.
   
    Pare-pareho silang nakaupo sa sofa at magkakaharap. Si tito ay nakasandal lang at tahimik na nakikinig sa asawa't anak niya.
   
    Sino kaya ang tinutukoy nila? Ako ba?
   
    Hindi na sumagot si Waves sa tanong ni tita kanina kaya bumaba na ako. Napalingon silang tatlo sa akin. Ngumiti naman sila tita at tito.
   
    “I'm glad that your baby's fine,” nakangiting sambit ni tita at tumayo pa para salubungin ako ng yakap.
   
    Pinigilan ko ang sarili kong mag-react ng pagtataka. Pilit na lang akong ngumiti.
   
    Sa pagkakaalala ko kasi, hindi nila ako ganito salubungin since hindi naman ako ang gusto nila para kay Waves. Pero ngayon, parang ang bait-bait naman yata ni tita.
   
    “Buti nga po at malakas ang kapit ng baby ko,” sagot ko na lang at yumakap nga sa kaniya saglit.
   
    “Mabuti na lang talaga dahil kung hindi, mawawalan pa kami ng apo,” singit ni tito. “Kasalanan ba ng anak namin ang nangyari, ha? Sabihin mo lang at tuturuan ko ng leksyon itong si Waves.”
   
    “Dad!” angil ni Waves.
   
    Ngumisi na lang ako at umiling. “Aksidente lang po ang nangyari.” Nagsitanguan naman sila. “Nagluto po kami para sa inyo. Sa dining po tayo,” 'aya ko at nauna nang maglakad.
   
    Sumunod sila at pumwesto na sa dining. Nagpresinta si Waves na siya na ang maghahanda ng hapag-kainan, umupo na lamang daw ako.
   
    “Nagiging mabait na ba ang anak namin?” nakangiting tanong ni tita na muntik ko nang ikakunot noo.
   
    Napalunok ako at hindi agad sumagot.
   
    Bakit kasi parang may alam silang sinasaktan ako ng anak nila? Hindi ko alam pero parang gano'n ang dating sa 'kin ng tanong niya.
   
    “Mabait naman po talaga si Waves,” wika ko na ikinangiti lalo ni tita.  “Noong sila pa ni Azzile.” Nawala bigla ang ngiti niya at nagkatinginan pa sila ni tito.
   
    “Sinasabi mo bang—”
   
    “Ah, hindi po!” mabilis na bawi ko. “I mean, noong sila pa ‘lang’ at hanggang ngayon. Mabait naman po talaga siya.”
   
    I'm such a liar. Ang totoo lang do'n ay mabait talaga siya noong sila pa nga ni Azzile pero ngayong kami na? Ewan ko na lang.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon