Chapter 25: Reasons

15.9K 369 27
                                    

— Elizza —

   

    “Let's go upstairs,” sabi ni Waves na ikinataas ng kilay ko. “Doon tayo mag-usap.”

    Tumango ako at nagsimula nang maglakad. Pinauna niya akong umakyat at nakasunod lang siya akin.

    Habang papalapit na kami nang papalapit sa kuwarto niya, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Tumibok nang sobrang bilis ang puso ko.

    Hindi ko maiwasang mag-alala kung ano bang malalaman ko ngayon.

    “Elizza?”

    Napasinghap ako at biglang napaharap kay Waves. Napagtanto ko na lang na nakahinto na pala ako sa tapat ng pinto ng kuwarto niya, habang siya ay nagtatakang nakatingin sa akin.

    Mabilis akong pumasok sa loob at tumingin sa paligid. Malinis na ulit ang kuwarto niya at mukhang siya naman ang naglinis nito.

    “Umupo ka muna.” Itinuro niya ang kama niya.

    Tumango ako at sumunod sa sinabi niya. Dahan-dahan akong umupo at tumingin sa kaniya. Kumuha siya ng upuan at dinala 'yon sa harap ko.

    Tumingin din siya sa 'kin at bumuka ang bibig para magsalita sana pero hindi niya naituloy. Napabuntong hininga na lang siya at umiling.

    “Ano?” tanong ko.

    Napansin ko ang adam's apple niyang gumalaw. Umiwas siya ng tingin na parang iniisip pa kung paano siya magsisimula.

    “I don't k-know how to start...”

    Tama ako, 'di ba.

    Napalabi ako at pinagkrus ang mga kamay ko.“Sino si Aren?” tanong ko na ikinatingin niya ulit sa 'kin. “'Yung tinanong mo sa 'kin.”

     Piningot niya muna ang tungki ng ilong niya bago tumango. Umusog siya palapit sa study table at binuksan ang drawer doon. May kinuha siya ro'ng maliit na brown envelope.

    He looked at me. He pressed his lips together before he sighed.

    Bumalik siya sa pagharap sa 'kin. Tiningnan ko naman ang envelope na hawak-hawak niya. Napalunok ako nang isang beses habang iniisip kung anong laman niyon.

    Habang nakikita ko siyang nahihirapan na magsalita o magpaliwanag, mas kinakabahan ako sa sasabihin niya. Pinilit kong maging kalmado sa harap niya at naghintay na lang.

    “Here...” Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya para iabot sa 'kin ang maliit na envelope. “Open it.”

    Tinitigan ko muna siya saglit habang binubuksan ko na ang envelope. Umiwas siya ng tingin at yumuko.

    Umiwas na rin ako ng tingin at inilabas na ang laman ng envelope.

    Dahan-dahang bumuka ang bibig ko at napanganga sa nakita.

    Pictures ang laman ng envelope.

    Tinitigan ko nang mabuti ang mga picture habang dahan-dahan itong inililipat.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon