Chapter 31: Left

17.5K 355 22
                                    

— Waves —

    I slowly get myself up from the bed as I woke up early in the morning. It was just 6:00 AM, too early to wake up.

    I heaved a sigh while remembering what happened yesterday.

    Damn, hindi na naman ako nakapag-control ng emotion ko.

    Tatayo na sana ako pero dumako ang paningin ko sa study table na nasa gilid lang ng kama. My eyebrows furrowed when I saw a folded paper there.

    My heart suddenly beat so fast and I couldn't explain the trembling feeling as I glanced at that paper for a minute.

    Why did I feel nervous all of the sudden?

    Dahan-dahan kong kinuha ang papel. Tinitigan ko muna ito saglit bago ibinuka. Napalunok ako nang makitang letter ito. Una kong tiningnan ang pangalan na nasa ibaba.

    Elizza . . .

    Shit.

    I stood and instantly went out of my room. I walked as fast as I could towards her room and opened the door without even knocking.

    “Elizza?” I called her but the silence in her room remained. “Elizza, where are you?”

    Mabilis akong pumasok at inilibot ang paningin ko sa buong kuwarto niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko habang hindi siya nakikita. Kahit sa banyo ay tiningnan ko na pero wala pa rin siya.

    I glanced at her walk-in closet. Agad akong tumungo roon at binuksan. Pumasok din ako sa loob.

    I breathe heavily when I saw her drawers empty. There were no clothes of her.

    'Tang ina.

    Umalis ba siya?

    Napatingin ako sa papel na hawak ko pa rin. Binuksan ko ulit 'yon at binasa na.

    “Waves, I'm so sorry for what happened. Sorry kung akala mo niloloko kita, pasensya na talaga kung gano'n 'yung inisip at naramdaman mo. Ang tanga-tanga ko kasi, hindi ko na sana siya kinausap. Akala ko kasi aalis din agad siya kapag nakapag-usap na kami. Sobrang tanga ko kasi sa sobrang gulat hindi ko pa siya naitulak agad, sorry talaga. Alam ko namang may trauma ka na sa panloloko sayo.”

    Ayun pa lang ang nababasa ko pero dahan-dahan na akong napaupo at napasandal. I couldn't help but clench my fist and hardly bit my lower lip.

    “Gusto ko lang sabihin na hindi naman talaga kita niloloko at wala akong balak na tumulad kay Azzile. Bakit pa kita lolokohin kung nakikita ko naman nang nagbabago ka na para sakin? Sinabi ko sa sarili ko noon na kapag sinaktan mo pa 'ko, iiwan na talaga kita. At ngayon, ikaw na mismo ang nagsabing iwan kita kaya umalis na nga ako. Parang ayoko nga sana kaso naisip ko, siguro nga mas mabuting maghiwalay muna tayong dalawa. Hanapin mo muna ang sarili mo hanggang sa tuluyan kang gumaling. Sigurado akong kapag malapit ako sayo, may mga pagkakataong magkakasakitan na naman tayo. Ayokong dumating sa punto na maulit na naman 'yung nangyari at may mangyari pang di maganda.”

    Dahan-dahan kong nalukot ang papel at doon na nagtapos ang sulat niya.

    Ayun na 'yon?

    Fuck!

    Ibinato ko 'to at mabilis na lumabas ng walk-in closet niya. Bumalik ako sa kuwarto ko at tumingin sa full body-sized mirror.

    Paulit-ulit kong narinig sa isipan ko ang mga sinabi ko sa kaniya kagabi.

    “Fuck you, Waves!” I cussed to myself.

    Inangat ko ang kamay ko at tinitigan ito. Puro sugat dahil sa pagsuntok ko kahapon sa pader pero wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman ko.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon