" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER TWENTY- SIX - LOVE IS IN THE AIR
The time flies so fast!
"Apo paano ka sasagutin ng dalagang Smith kung amasonang tigre ang tawag mo sa kanya? Kahit naman siguro sino kung ganyan ang tawag mo sa kanya'y walang sasagot sa iyo. Paano ka magkaka-nobya kapag hindi mo baguhin ang tawag mo?" Hindi matukoy kung natatawa ba o naiinis ang mukha ng matandang Calvin o si grandma Sheryl.
"Ilang buwan ka na bang parang lagari Lewis? I mean ilang buwan ka ng nanunuyo kay Darlene pero hanggang ngayon ay wala pa yatang resulta ah." Pangangantiyaw naman ni Precious Jennifer sa bayaw na manliligaw ng pamangkin niya, ang anak ng bunso nilang si Daylan.
"Oh what's on that smirk my dearest Lewis Roy? May nasabi ba kaming mali?" Nagtatakang tanong ng kanilang abuela ng hindi nakaligtas dito ang pag-ismid ng apo.
Sa malaliman niyang pag-iisip ay hindi niya namalayang napaismid pala siya bagay na hindi nalingid sa mga kaharap.
"Kung hindi ko pinsan si ate Darlene kahit mas matanda sa akin ng ilang taon naku baka ako na ang manliligaw sa kanya. Lewis naman kasi kung hindi madaan sa santong dasalan daanin mo na lang sa santong paspasan." Singit ng hindi nila alam kung saan galing na si Jeremy.
Dahil dito'y napangiti ang binata pero bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ng kapatid na ama ng sutil na pamangkin niya pero kagaya lang ito ni Aries Dale na ayaw niyang tawagin siyang tito o uncle.
"Ano ngayon Lewis 'di nakantiyawan ka ngayon ng pamangkin mo? Naku mag-isip-isip ka na bunso dahil lahat ng sinasabi namin ay totoo. Kahit gano'n ang sabi ni Jeremy, take it in positive way. Kung hindi umuubra ang strategies mo ngayon, isa lang ang ibig sabihin niyan. Baguhin mo ang pamamaraan mo sa panliligaw para makamit mo na rin ang matamis niyang oo. Look you're not getting any younger anymore bunso. You must settle down too now. Inunahan ka na ni Aries Dale, don't tell us na hahayaan mo pang unahan ka ng iba mong pamangkin?" Ani Rhayne.
Dahil dito'y nakabuo ng isang plano si Lewis, pero para na lamang iyun sa kanya. Ayaw muna niyang ipaalam sa mga kaharap ang bagay na nasa isipan niya. At sa hinaba-haba ng mga speeches ng mga ito sa kanya'y sa wakas nagsalita na rin siya.
"Don't worry guys dahil sa lalong madaling panahon kailangang may resulta na ang ilang buwan kong panliligaw. And besides hindi naman ako nagmamadali but mark my word, in a near future may malalaman na kayong resulta. But for now I must go again." Hindi maikaila ang saya sa mukha ng binata, na kung ano man ang nasa isipan nito'y ito na lang din ang nakakaalam. Kaya wala na ring nagawa ang mga ito kundi ang suportahan ito sa plano.
Sa kabilang banda, kung dati ay nagtataka ang mag-asawang Daylan at CM kung bakit gala ng gala ang princesa nila, this time labis naman silang nagtataka kung bakit lagi itong nagkukuong sa kuwarto nito.
"Hindi ba kayo nagtataka anak kung bakit nagkakaganyan ang panganay n'yo samantalang hindi naman siya dating ganyan ah." Sabi nga ng Sharp Mouth the original.
"Nagtataka rin mommy pero anong magagawa natin kung iyan gusto niya." Kibit-balikat na sagot ni Daylan.
"Baka naman may problema ang apo ko na hindi ninyo nalalaman? Naku kahit lagalag iyan mahal ko silang lahat aba'y maari n'yo namang kausapin ang tao ah." Kunot-noong sabi ni Sharp Mouth dahil sa sagot ng anak.
Kaya naman napangiti si CM, hahayaan na sana niya ang mag-inang mag-usap pero sa tinuran ng biyanan niyang sharp mouth ay napangiti siya't hindi niya napigilang sumabad.
"Mommy alam namang mahal na mahal mo silang magpipinsan and we are so lucky to have you in our lives. Pero nasa tamang edad na si Darlene alam na niya kung ano ang tama o mali. Saka mommy sisiw lang iyan sa kanya. Kayang-kaya niya iyan mommy kaya huwag ka ng mag-alala and besides...." Pambibitin pa nito.
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Aktuelle LiteraturGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.