Irish's POV
"Kailangang nakabuntot talaga ka'yo sakin?" kunot noo kong tanong sa tatlong lalaking kasama ko na sina Kuya Prince, Gelo, at Brent.
May laro ngayon si Ricci at 3 versus 3 iyon kaya nandito kami sa isang mall sa Makati dahil dito ang venue ng laro. Kanina nga ay nagulat ako nang madatnan kong nasa labas ng bahay namin yung tatlo at inaantay ako. Sinundo nila ako para daw sabay kaming apat na pumunta dito. Kailangan daw nila akong bantayan. Kaya naman para silang bodyguard kong tatlo ngayon.
"Yup. Bilin ni boss eh." kibit balikat na sagot ni Brent. Gets ko naman agad kung sinong 'boss' yung tinutukoy niya.
"Tsaka mahirap na, baka mamaya ay dumugin ka ng mga fans ni Ricci na galit sa'yo. Ayaw naming maulit yung nangyari noon." seryosong sabi naman ni Kuya Prince.
Wala naman akong nagawa kundi ang mga tumango nalang. May point naman talaga sila eh. Actually, ngayon na lang ulit ako nakapunta sa mataong lugar matapos nung nangyaring gulo. Yung mall kasi na malapit sa school namin ay wala talaga halos pumupuntang tao kaya okay lang na mag pagala-gala ako.
"Okay... Pero diyan muna kayo ha. Punta lang akong cr." paalam ko sakanila at pagkatapos ay pumunta sa may cr ng mall. Umihi lang ako at pagkatapos ay naghugas ng kamay sa may lababo. Inayos ko ang suot suot kong cap at pagkatapos ay bumalik kung saan nag-aantay sina Brent.
Pagkarating ko ay naabutan kong may nagpapicture na babae kay Gelo. Hindi ko naman maiwasang mapailing at mapangiti nang maisip na kung nandito ang kapatid ko ngayon ay paniguradong ang sama na ng tingin niya sa babaeng yumayakap sa Gelo niya. Panigurado ring ang haba na ng nguso niya dahil sa selos. Okay lang naman kay Stacey na may magpapicture sa boyfriend niya kasi picture lang naman, kaso lang ay ayaw niya yung mga babaeng grabe maka dikit. Ang sabi ko naman ay wala siyang maggagawa dahil sikat ang boyfriend niya.
"Tara na. Baka nagsisimula na yun." yaya ni Kuya Prince pagkaalis nung mga babaeng nagpapicture.
Dumiretso kami sa mismong lugar kung saan ginaganap ang 3x3 na basketball. Pagkarating namin ay medyo marami-rami na ang mga taong nanonood. Pumwesto kami sa may pinakaunahan at doon tumayo. Nakatayo lang kasi ang mga manonood kaya wala kaming nagawa kundi ang tumayo lang din. Nasa tabi ko pa rin sina Brent para naman incase na may manghila ng buhok ko or something ay nakaabang sila. Napaka protective nilang tatlo at pinagpapasalamat ko iyon.
"Daming tao." rinig kong sabi ng katabi kong si Gelo.
Maya-maya ay nakarinig kami ng mga hiyawan. Napatingin kami sa gawi kung saan nagkakagulo na ang mga fans. Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya ay lumabas na si Ricci na nakasuot ng kulay itim na jersey. Nakasuot din siya ng headband na white kaya mas kitang kita ang gwapo niyang mukha.
Mas lalong nagkagulo ang mga tao habang naglalakad papunta sa court si Ricci. Ang mga fans ay di magkamayaw na tawagin ang pangalan niya at lahat dun sila ay may hawak na cellphone. Nakangiti naman si Ricci habang kinakamayan ang mga ito. Ang ilang mga bodyguards naman ay halos yakapin na si Ricci para maprotektahan lang siya sa mga fans na nagkakagulo sakanya.
"Grabe, iba talaga ang kamandag naming mga Rivero!" matawa-tawang bulong ni Kuya Prince habang pinapanood ang kapatid na maglakad sa gitna ng napakaraming tao.
Nanatili akong nakatingin kay Ricci na nakangiti ngayon sa mga fans niya. Hindi ko maiwasang mapakagat ng labi at pinilit ko talagang pigilan ang sarili ko na tumakbo at makipagsiksikan mayakap lang siya.
My goodness, Namiss ko siya ng sobra!
"Namiss mo yun no?" tanong sa akin ni Brent at sigurado akong si Ricci ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.