When Miss Ewan meets Mister Ano

549 14 9
                                    

I dedicate this story to Miss Alyloony. Sana po magustuhan mo. Isa ka sa favorite writer ko dito sa wattpad (Dalawa kase kayo). God Bless po always and more power sa pagsusulat mo ^__^

-  master_anoch

Author’s  Note:

Before ko po isulat ‘tong story ni Paula, ang nasa isip ko talaga ONE SHOT lang to. Pero nong nag-start na po ako sa pagsusulat nagulat na lang ako nagamit ko na yong name ni Samantha or Sam, natatawa ako sa sarili ko. Ganon po kalakas ang epekto saken ng first story ko which is ‘yong PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART. Kaya ang nangyari dito sa WHEN MISS EWAN MEETS MISTER ANO, nirelate ko na lang sya sa PBCWMH. Nag-isip ako ng plot na pwedeng maglink sa dalawang story ko, kaya ang naisip ko yong past life ni Sam.

 Dito po sa story ni Paula, may mga clue’s dito na may kinalaman sa kwento ng buhay ni Sam sa PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART. Tulad na lang po ni Jake at Bea, dito ko binanggit kung sino silang dalawa sa buhay ni Sam. Malaking revelations kase don sa first story ko kung sino silang dalawa, pero kpag nabasa mo tong story ni Paula, magkakaron ka na ng hint. Saka dito nyo rin po mas higit na makikilala ang totoong Sam, don po kase sa PBCWMH iba yong ugali nya. Dito nyo po makikilala ang totoong sya.

 Sana po magustuhan nyo tong story ni Paula. Vote and comment po ^_____^

Maraming salamat ^_____^  Enjoy reading!

“NAK BILISAN MO.. MALI-LATE KA NA!!”

Nakasampung beses na siguro si Mama kakasabi nyan. Kung bakit ba naman kase hindi ko nai-set yong alarm clock ko, ayan tuloy, tinanghali ako ng gising.

Usually kase mga 5am pa lang ng umaga gising na ako, kahit 8am pa ang klase ko. Tinutulungan ko kase si Mama sa karinderya namen bago ako pumasok, isa lang kase ang katulong ni Mama, kaya maaga pa lang nagluluto na sya.

Dahil sobrang nalibang ako kakabasa sa bagong libro na bigay saken ni Paul, hindi ko na naiset yong alarm clock ko, nakatulugan ko na lang ang pagbabasa. Nagising na lang ako nong katukin ako ni Mama sa kwarto ko.

Bumaba na ako, nakita ko sa kusina si Mama kasama yong katulong nya na si Ate Mila. Sinabi kong katulong ni Mama, kase si Ate Mila katu-katulong lang sya ni Mama sa karinderya, at sa pagluluto ng mga ulam na ititinda doon, hindi namen sya kasama sa bahay, sa kabilang kanto sya nakatira.

“Ma hindi na po ako magbabaon, hanggang 12 lang po klase ko ngayon, dito na lang po ako kakain..” --ako

 “Oh sya sige, mag-iingat ka sa daan.” –mama

“Pau napag-isipan mo na ba yong tungkol sa sinabi ko sayo?” habol pa saken ni Ate Mila.

“Ay oo nga pala, nawala na sa isip ko. Kelan nga ba yon Te Mila?”

“Sa linggo na yon. Pero kailangan ko na ng sagot mo ngayon para mapalista na kita kay Kapitana.”

“Sasali ba ko Ma?” tanong ko naman kay Mama.

“Ikaw bahala, kung ano man desisyon mo susuportahan kita.”

“Sayang yong premyo, sigurado naman na ikaw ang mananalo don.” Dagdag pa ni Ate Mila.

“Sige Te, sasali na ako. Usap na lang tayo mamaya pagdating ko.”

“Mag-iingat ka.” Sabay pang sabi ni Mama at Ate Mila.

When Miss Ewan meets Mister AnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon