Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

2.3K 2 3
                                    

“Enekwabum! Malaysia ko ba kung anitch itey. Getlak ko lang nato-Tom Jones na aketch.”

“Mh46h4Nd!y4N6 4R4W ph03sz!”

“Sisimulan mo sa lengguwahe ni Vice Ganda, BEKIMON! Tapos susundan mo ng lingo ng korning pumorma, JEJEMON!”

          Yan ang ilang halimbawa ng mga nauusong pananalita, pagsusulat at pagda-diyalogo sa panahon natin ngayon. Hindi ba’t ang hirap itindihin? Mistulang ang hirap gamitin? Mahirap talaga! Marahil yun ang naghikayat sa maraming kabataan ngayon. Mas nagkaka-interest kasi ang mga kabataan na subukang aralin at gamitin ang mga ito dahil alam nilang mahihirapan sila, may thrill ba.

          Isa sa mga nauusong pananalita ngayon ay ang bekimon na nagmula sa salitang beki(bakla) at jejemon(kakaibang istilo). Ang bekimon ay isang klase ng gay lingo o salitang bakla na kung saan iniiba nila ang mga bigkas, baybay o di kaya dadagdagan pa ito. Kadalasan rin ay pinagsasama-sama o pinaghahalo-halo nila ang mga salita mula sa Tagalog, English at kung minsan pati Japanese. Halimbawa ng kanilang salita ay: Malaysia(malay), Colombia(kulong), getlak(get/gets), Tom Jones(gutom), anek(ano), itey(ito) at marame pang iba.

          Ang nauuso naman na pagsusulat ngayon particular na sa text ay ang jejenese. Ito ay nanggaling sa Ingles, Filipino at barayting Taglish. Ito ay gumagamit ng jejebet. Ito ay Pinagsama-samang Romanong alpabeto, numerikong arabik at ibang mga espesyal na karakter sa cellphone. Ang gumagamit ng jejenese ay tinatawag na jejemon. Ang mga jejemon ay maika-klasipika sa tatlo: 1)katamtaman- eow phoe! Muxtah nah?; 2)sobra- 3ow pho3w! muszt4h n4h pho3w?; 3)malala- 3Llöw phö3sxz! Müsxzt4h n4h phö3sxz qü4yöw? Hindi ba’t kay hirap nito intindihin? Kung kaya’t marami rin ang nairita o nainis sa mga gumagamit ng jejenese o sa mga jejemon. Kahit ganito, dumadami pa rin ang nahihikayat na gamitin ito.

          Ang nauuso naman na diyalogo ngayon ay ang fliptop o rap battle sa ibang bansa. Tinatawag din itong makabago o modernong talastasan kung saan may dalawang panig na nag-aasaran, nag-iinisan, nag-lalaitan at nag-pipikunan  sa tinatawag na fliptop battle. Dito ay binibigyan ng oras magsalita ang bawat panig. Bawal ang makisabat, makialam, at makisapaw kung hindi mo naman oras. At higit sa lahat, sa fliptop battle bawal ang pikon!

          Sa mga bagong nauuso sa panahon natin ngayon sa salita, sulat, diyalogo, gawa, pananamit at kung anu mang gagawin natin, hindi maitatanggi ang pagka-Pilipino natin. Sapagkat sa lahat ng likha natin ay palaging may touch of Filipino culture. Kahit sabihin pa nila na gaya-gaya lang tayo, may dina-dagdag tayo para masabing bersyon namin ito. Ang fliptop, bekimon o gay lingo at jejenese o jejemon ay pauso ng mga Pilipino. Ano pa ba ang masasabi ko kung hindi “walang ganyan sa states” dito lang yan sa Pinas. Kaya talaga namang “it’s more fun in the Philippines”.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino 🎉
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon